Chapter 1: My 18th Birthday

116 4 2
                                    

"Maraming salamat po" wika niya habang iniaabot ang regalong bigay ng tita Mila niya.

"Walang anuman iha, aba habang lumalaki ka ay lalo kang gumaganda ah ?

Dati-rati kapag birthday mo nagtatago ka lagi, ngayon mukhang malakas na ang loob mo, palibhasa kasi dalaga kana, ilang taon kana ?" tanong nito

      napangiti siya makakalimutin talaga ang tita niya totoo ang sinabi nito noong bata pa siya ay natatakot siyang lumabas ng bahay ..

     Tuwing birthday niya lang kasi nakikita ang mga bagay na hindi niya maipaliwanag, katulad nalang noong kaarawan niya noong ika-15 kaarawan niya may nakita siyang manananggal sa may beranda nila ..

       Kitang-kita niya ng bumuka ang bibig nito ang matatalim nitong mga pangil at ang laway nito na nahahaluan ng dugo ng kung sinong nabiktima nito ..

     Sinubukan niyang sabihin sa tita Mila niya ang nakita niya, pero hindi siya nito pinaniwalaan, sabi pa nito ay namamalikmata lang daw siya, pero noong sumunod na birthday niya ay doon na nag-umpisa ang hindi niya paglabas, ngayon nalang ulit siya lumabas ngayong dese-otso na sya ...

"iha ? Anong iniisip mo ? Mukhang nakatulala kana ata ?" sita sa kanya ng tita niya.

"wa-wala ho tita." nakangiting wika niya

"ilang taon kana nga ba uli ngayon Andrea ? tanong nito

"18 na po tita" nakangiting sagot niya, pinaupo na niya ito sa upuan na nasa tabi niya, mukhang pagod na kasi ito.

"naku dapat sa ganyang mga 18 may nobyo na" nakangiting wika nito na kinindatan pa siya.

"tita naman ...." nakakamot sa ulong sabi niya.

"anong tita naman , tita naman ?" nanduduro pang wika nito.

"kaw ha ? Mula ng mamatay ang mama at papa mo ay nawala na ang pagiging masayahin mo, akala mo ba ay ndi ko ko yan napapansin ?" nanenermon na wika pa nito ..

"tita naman alanganaman pong masaya ako at magtatawa dito sa bahay kahit wala naman pong nakakatawa, baka pagkamalan pa po akong nababaliw." natatawang sagot niya, na pinaupo ulit ang tiyahin, napakamot siya sa ulo ng tumayo ulit ito ..

"tumigil ka andrea, alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin." wika nito na sadya pang alisin ang salamin nito sa mata at tignan siya mula ulo hanggang paa ..

"alam ko hoh iyon tita, eh sa wala pa po akong nagugustuhan eh."  pagtatanggol niya sa sarili ..

"anong wala eh ang daming umaakyat ng ligaw sayo, naalala mo ba si vince ? yong manliligaw mo na hinagisan mo ng kumukulong tubig ?" nakangiting wika nito.

                                                          Natawa siya ...

"eh pano naman po kasi tita, gabing-gabi na eh nasa bintana pa natin nakasilip, eh yon ho inakala ko pong maligno kaya yon alam nyo na ." natatawang wika niya ..

" nako tong batang to mawawala nalang ako dito sa mundo na wala paring nakikitang apo; alam mo naman na tumatanda na akong dalaga kaka alaga sayo tapos ngayong dalaga kana hindi mo pa mapagbigyan ang kahilingan ko, palibhasa kasi napaka pihikan mo ." anito

"eh sa sadyang wala lang po akong magustuhan eh." sabat niya

                               tumingin lang ito ng matalim sa kanya at tumayo na ..

"oh tita ? San po kayo pupunta ? tanong niya rito

"wala pupunta lang ako sa kwarto ko!" sagot nito at bulong bulong ng:

I'm Inlove with a Heartless DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon