Chapter 2: Love Story of My Tita Mila

63 2 0
                                    

"tita ? Pwede po akong magtanong ?" anito

"ah cge, ano yon iha ?" sagot nito

umupo muna siya sa upuang katabi nito bago humarap dito ............

"sino po ba ang sinasabi ninyong hindi na po bumalik ?" tanong niya ..

umayos muna ito sa pagkakaupo bago humarap sakanya at nag umpisang magkwento ...

"labing limang taong gulang pa lamang ako noon, ng makilala ko si Mark, ang nakakatawa nga don ay kakaiba siya." bahagya pang tumawang wika nito ...

"naglalakad ako noon ng biglang may kakaibang nilalang na humarang sa dinadaanan ko, malalim na ang gabi non kaya wala ng mga tao; nagkataong hindi ako nasundo ng daddy mo ... Sa sobrang takot ko hindi na ako makasigaw ni hindi rin nga ako makagalaw ..

takot na takot ako non, lalo na nang masinagan ng liwanag ng buwan ang katakot-takot na nilalang na iyon .. Ung mga ngipin naman niya ay matutulis at mahahaba at ang pakpak nya, ou may pakpak sya na para bang pakpak ng paniki na mat matulis na panaksak ..

Walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang papa moh, sabi koh sa isip ko "Tulungan mo ako." Habang papalapit ng papalapit ang kakatwang nilalang na iyon sa akin eh unti-unti ang panlalambot at panghihina ng mga binti ko ..

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin at akmang kakagatin na niya ako ay may biglang pumutong sa ulo niya, gumulong-gulo ang ulo niya sa lupa habang ako naman ay nakatulala parin at hindi pa nakakagalaw ng biglang magsalita ang lalaking tumulong sa akin, sabi niya .. "Ligtas kana, kaya umuwi kana" unang dinig ko palang sa boses nya ay nainlove na agad ako sakanya ..

Pilit kong alinagin ang kabuuan ng mukha niya sa liwanag buwan, lalo lang akong namangha sa nakita ko, kamukha niya ang paborito kong actor noong kapanahunan ko pa si Romnick Sarmiento pero kung pagtatabihin ay mas gwapo si Mark ..

tINIhnan ko ulit sya, nagtaka ako ng makita ko na may pakpak siya kaso ibang-iba sa pakpak ng halimaw na nakita ko. Alam mo ba ung pakpak ng mga Angel ? Ung mga napapanood mo sa T.V ? Un, ganon ung pakpak nya." nagpatango-tango siya at nagpatuloy sa pagkukwento ..

"Mula noon ay lagi ko na siyang iniisip, nagkikita kami palagi sa panaginip ko kaya nalaman ko ang pangalan niya at kung ano ba siya talaga." anito

"ano po sya Tita ?" tanong niya

"demonyo." wika nito

                              nagulat siya sa sinabi nito, nagpatuloy naman ang tita niya sa pagkwento ...

"mahigpit na ipinagbabawal sa lahi nila ang makipag relasyon sa isang normal na taong katulad natin, isang araw habang nasa ilalim kami ng puno na madalas naming puntahan ay biglang dumating ang mga kauri niya ..

pilit nila kaming pinaghihiwalay, hindi pumayag si Mark kaya pinagbantaan nilang sasaktan nila ako kung hindi siya makikipaghiwalay sa akin, bago umalis si Mark ay nangako siya sa akin na babalikan niya ako .. Pe-pero hindi na ako umasang babalik pa siya." malungkot na wika nito.

"tita ang pangit po pala ng kwento ng Love Story nyo." nakaiintinding wika niya

"iha pag-pag wa-wala na ako at dumating siya mahalin mo siya ng buong puso." wika nito

"tita, wag naman po kayong magsalita ng ganyan." pigil niya rito

"alam kong hindi na rin naman ako magtatagal eh, kaya bago man lang ako pumanaw ay ipinagkakaloob ko na sayo ang karapatang mahalin siya." nakangiting wika nito ..

"pero tita- ....."

"mangako ka muna Andrea." wika nito na hinawakan pa ang kamay niya, dahil sa awa at pagmamahal ay tinanggap niya ng boung puso ang iniaalok sakanya ...

"opo tita, pangako po." anito

"salamat" wika nito tsaka tumayo at pumunta na sa sariling silid ..

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

(N/A: Tnx for reading this chap. Sorry medyo late UD buzy sa school ea .. )

I'm Inlove with a Heartless DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon