Secret 0.5

135 9 0
                                    

Pagod na pagod yung dalawa.Grabe biruin mo ba namang ubusin daw ba lahat ng tokens sa pagsasayaw?pero infairness ha,nag-enjoy ako sa kakapanood sa kanila lalo na kay Livi.Sinong mag-aakalang magaing din pala syang sumayaw?

Tara na?Ano Nics,uwi na tayo?

Ha?ah...eh...sige.

Ate Nics!!ano sa tingin mo?magaling ba ko sumayaw ha?

Ah..oo naman!parehas kayo ng kuya mo,ang galing nyo sumayaw.

Talaga ate Nics?!si kuya Livi kasi nagturo sakin sumayaw eh

ah...sagot ko na lang.Tapos nun ay dumiretso na kami sa kotse ni Livi. Bago pa man mapaandar ni Livi yung kotse nakatulog na si CC. Sya lang kasi mag-isa duon sa likod. Bale katabi ko si Livi dito sa front seat.

Hala,nakatulog na si CC,hahaha...

Hayaan mo na,napagod lang yan.Oo nga pala Nics,ituro mo na lang sa akin yung daan papunta sa bahay nyo ha,duon na kita ibababa sa tapat tutal iisang village lang naman tayo.

ah,ok cge.salamat.

Habang pauwi,marami-rami rin kaming napag-usapan ni Livi. Ang daldal din pala nun,ang saya nya kasama.Tawa lang kami ng tawa sa sasakyan.

Livi,pakihinto na lang dun sa tapat ng malaking gate na kulay karamel.

Ah,oh sige.Sandali.

Pagkahinto ng sasakyan,agad bumababa si Livi para pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.Ang gentleman ha.

Pakibati na lang ako kay CC mamaya paggising nya.Mukhang maganda ata ang panaginip nya eh.Tingnan mo,ngumingiti habang tulog.

Sige ba. Alis na kami.

Ingat!!



Childhood PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon