Secret 0.6

138 10 0
                                    


Syemay!bakit feeling ko super saya ko ngayon?yun bang saya na parang may halong kilig?Oh my gosh!,Oh my gosh!eeehh!!dyos me!kanina pagkatapos akong ihatid ni Livi dito sa bahay nagkaganito na ko. Gosh!wag mo sabihing...ah, never mind. Sa sobrang saya ko ngayon,kanina pa pala ako pagulong-gulong dito sa kama ko.

Maam...?nasa baba po ang mommy at daddy mo,hinahanap ka po.

Sige po bababa na ko.

Bakit kaya ako hinahanap nila mommy? For the first time!ang alam ko dapat out of the country tong mga to e.

Nics,tawag agad sa akin ni mommy pagkakita sa akin na pababa ng hagdan.

Bakit?sabi ni manang hinahanap nyo daw ako?

Oo,umupo ka ditto. Utos sa akin ni dad.

Ano ba yon?tanong ko sa kanila.Tumingin ako kay mommy,tinuturo nya si dad na para bang sinasabi nya na si dad ang tanungin ko.

Tumingin ako kay dad,haaay...ayun at nakaturo nanaman ang hintuturo nya sa baba nya. Manirism nya yan eh.

Ano ba yun?tanong ko ulit sa kanila

Ahmmm...10 years ago, may binuo ka raw na kasunduan sa anak na lalaki ng isa sa mga kasosyo natin sa negosyo. Sa 7 kasosyo natin, 4 sa kanila ang may anak na lalaki. Nics, kaninong anak iyon? Sino yun?nakangiting tanong ni dad.

Dyos ko! Nakakaakot yung ngiti ni dad. Ano kayang nasa isip ng lokong to?

Ok,cge. I'll give you 3 months from now Nics. Pagbalik naming ng mommy mo from out of country gusto kong makilala kung sino sya ok?

Ahmmm...mommy,dad kasi...ano...

No. We want to meet him 3 months from now, para may thrill. Ngiti ni dad

But dad

No buts. At alam mo ang batas ng pamilya natin Nics. No promises must be broken. Ok? Sige na at malapit na flight namin. Humalik lang sila sa akin pareho tapos diretso alis.

Huhuhu...pano yan?kinuha ko agad yung phone. Sinubukan kong tawagan si bakla kaso out of reach. Kaya naman si Cleo na lang ang tinawagan ko.

Hello,Cleo!!ano gagawin ko?at yun nga kinuwento ko sa kanya yung gustong mangyari ni dad.

At ang sagot ng mabait kong kaibigan??...ayun!tawa ng tawa!nakakainis!

Ayaw mo nun?Eh hanggang ngayon naman gusto mo pa rin sya diba?Kaya ka nga NBSB e,kahit crush wala!!

Aiish!ewan ko,ang sakit sa ulo.




Childhood PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon