Secret 2.0

42 2 2
                                    

Pagkatapos ng naging usapan namin sa office ni dad, niyaya kami ni Ken na lumabas pero sinabi ni dad na may mga kailangan pa siyang tapusin kaya ako na lang daw ang yayain niya.

Kumain kami sa isang restaurant malapit sa company, nagkuwentuhan lang sandali at pagkatapos ay inihatid rin naman niya ako pauwi sa bahay.  

Livi's POV

Isang buong linggo kong hindi nakita si Nics.

Speaking of, nandun siya sa isa sa mga bench kaya naman nilapitan ko siya ng dahan-dahan.Mahirap na, baka iwasan nanaman niya ko.

Hi Nics!

O..Uy! ikaw pala.sabay balik ng tingin niya dun sa phone niya.

Ano yan?laki ng ngiti natin ah.

Wala. sagot niya sabay tago ng phone sa bulsa

Oh, Buti naman hindi na kayo nagtataguan dalawa?biglang sulpot ni Cleo.

Nagtataguan?bakit?tanong ni Nics

Ha?bakit?hindi ba?last week lang girl para kang ewan para lang makaiwas ka dito kay Livi tapos ngayon tatanungin mo ko?Haler??

Hindi naman ah


Beeeeppp!!

agad namang bumusina ang isang sasakyan sabay lingon ni Nics at kuha ng bag nya sabay takbo papunta roon.

Guys, una na muna ko ha. paalam niya sa amin

Wala ka na bang class?tanong ni Cloe sa kanya

Babalik rin ako mamaya.

at sumakay na nga sya dun at umalis.

Bakit ganun?may kakaiba akong nararamdaman.Parang sumisikip yung dibdib ko. Gusto ko pa sana siyang maka-usap ng matagal e.




Childhood PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon