Chapter 12 - Deny mo lang

33 1 0
                                    

Chapter 12 - Deny mo lang

Jai's POV

Nandito ako ngayon sa garden ng school. Bakit lagi akong nandito. May mga naka-ayos. May mga kandila. Tapos gabi. May table for two. May roses at petals. Ang ganda ng moon. May lalaki dun sa likod ng puno, nakikita ko yung shadow niya. Teka, malapitan ko nga. Habang malapit na ko.

Jai: Pst, sino ka?

Walang imik yung tao sa likod ng puno.

Jai: Bingi ka ba? Hello?

Wala pa ring imik.

Malapit ma ko sa puno nang biglang...

Joj: Jai! Gising na! Aga aga may bisita ka!

Nagising naman ako.

Jai: Kambal!!! Bakulaw ka!!! Sana man lang bago mo ko gisingin ipinakita mo muna saken yung lalaki sa panaginip ko no! Baka siya ang prince charming ko!

Joj: Gaga ka talagang bakla ka! Hahahahaha! Yung prince charming mo nasa baba!

Jai: Ha? Sino?

Joj: Si Tom. :p

Jai: Haaaaaaaa? Ano ba yan. Teka nga. Mag-aayos lang ako. Tumabi ka dyan sa salaminan.

Joj: Hay nako Jai. Basta ako, may tiwala ako sayo.

Jai: Alam ko yang sasabihin mo! Wag mo nang ituloy. Bwahahaha!

Joj: Oh siya siya. Sana naligo ka na eh no bago mag-ayos.

Jai: Eto na teka lang.

Naligo na ko, binilisan ko kasi baka malate kami. Nagayos ako tapos pagbaba ko nang hagdan.

Tom: Goodmorning Jai!

Jai: Sayo din. Bakit ka nandito?

Tom: Susunduin ko kayo ni Joj.

Jai: Ano ka service namin? Hatid sundo araw-araw?

Tom: Ok lang. Kung gusto mo. :)

Jai: Ayaw ko. :p Kumain ka na ba nang almusal?

Tom: Yeah. :)

Jai: Ganun ba, di na ko kakain. Baka malate tayo. Kambal tara na.

Joj: Ikaw nalang kaya hinihintay.

Tom: Sure ka hindi ka kakain?

Jai: Diet din naman ako. :) Tara na.

Sumakay na kami sa sasakyan at umalis.

Alec's POV

Ang ganda ng gising ko kanina. Hindi ko alam pero parang may nafefeel akong darating na grasya. Si Jai na kaya yun? Hahahaha, no way. May kaagaw nga ako eh.

Nandito na ko sa school kasama si Kit, Yves at Ryan. Wala pa daw si Tom eh. Sana di na siya pumasok para masaya. Hahahaha, bitter ko no? Maya-maya dumating na sila Myrtle at Karen. Eto kami ngayon, hinihintay pa rin sila Jai. Ano na kaya nangyari dun? di ako mapakalo, ikot ako ng ikot nang biglang nagtanong si Kit.

Kit: Alec, tapatin mo nga kami. Inlove ka ba ngayon?

Alec: Ah oo oo.

Nagtawanan ang barkada ng mahina.

Yves: Kay Jai ba?

Alec: Oo oo oo oo oo.

Ryan: Oh? Kelan pa?

Alec: Ahh nung una ko pa siyang makita. Oo tama. (Di parin mapakali at wala sa sarili)

Nagtawanan na sila nang malakas.

Destiny (JALEC Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon