Chapter 2 - Love at First Bump

138 3 1
                                    

Nakarating na kami ni Joj sa school namin. Ang aga pa naming dumating, pero ang dami na agad na tao. Excited din siguro. Magkahiwalay kami ng building. Dun siya sa College of Architecture at ako naman ay sa College of Nursing. Naglibot-libot kami sa campus, at manghang-mangha naman kami dahil ang laki talaga. Noong magsisimula na ang klase ng kambal ko, nagpaalam na siya saken at iniwan niya ako sa may pavilion. Eto ako ngayon, nag-iisa. Hindi ko namalayan ang oras, at malapit ng mag 9:00. Tumakbo ako ng mabilis dahil ayoko namang malate sa unang klase ko sa unang araw ng kolehiyo. Sobrang bilis ng takbo ko, at hindi ko namalayan...

*bhooogsh*

Bumagsak ako sa sahig kasama ang taong nabunggo ko.

Jai: Aray ko po!

Guy: Sorry miss! Okay ka lang?

Tiningnan ko siya, wow ang gwapo. Papa *_* Chinito din siya. Erase erase erase. Ang lakas ng loob mong tanungin ako kung okay lang ako. Paharang-harang ka kasi sa daan ko eh, gwapo ka sana kaso harang ka!

Jai: Tinatanong mo ako kung okay lang ako? Malamang hindi.

Guy: Sorry naman, tinatanong lang naman kung okay ka eh.

Jai: Okay lang ako, I have to go. Malelate na ako.

Guy: Saan ba ang punta mo? Halika, sasamahan na kita.

Wow fc. Nagkabanggaan lang kami akala niya matagal na kaming magkakilala.

Jai: Hindi na, kaya ko na.

Guy: Alam mo miss, malaki ang school na 'to. Sasamahan na kita. Isa kasi ako ngayon sa mga usherettes para mag-guide sa mga new students like you.

Tutal di ko naman alam kung saan yung building ko, sige na nga. Nagmagandang loob naman siya eh.

Jai: Sige na nga. Sa College of Nursing ako.

Guy: Ahhh, dun din ako eh. Tamang-tama magtitime na. Halika na.

Sabay kaming naglakad papunta sa building na yun.

Habang naglalakad kami...

Girl 1: SINO YUNG KASAMA NUNG BABAENG YUN?

Girl 2: New student ata.

Girl 3: ANG SWERTE NIYAAAAAA. @_@

Girl 2: Oo ngaaaa, kaingit sobra!

Girl 1: Aaaahhh basta, ang gwapo ni papa alec! <3

So alec pala ang name niya.

Ang awkward grabe, di pa namin kilala ang isa't isa pero magkasama kami.

Pagdating sa room ko...

Jai: Maraming salamat Alec! (I smiled at him)

Alec: Paano mo ako nakilala eh hindi pa naman ako nagpapakilala sayo?

Jai: Ang gwapo mo kasi eh. (In a low voice)

Alec: Ano?

Jai: Sabi ko narinig ko dun sa mga babaeng nadaanan natin. (Lord help, mapapahiya ako ng wala sa oras nito. *_*)

Alec: Ahhh, ako nga pala si alec. :) What's your name?

Jai: Ako si Jai. Maraming salamat ulit!

Alec: No problem! Kapag may problema, just go to me and I'll help you. :)

I smiled at him.

Ang bait niya pala, ang gwapo pa. Haaaaaay jai, no boys muna. Pero... crush lang naman eh. Pagbigyan naaaaa.

Pumasok na ako sa room.

Alec's POV

Pagkahatid ko kay Jai ay dumerecho na ako sa room namin. Grabe, ang cute niya sobra. May katarayan nga lang. Siya yung tipo ng girl na gusto ko. Nakangiti akong umupo sa upuan ko.

Myrtle: Hoy Mr. ABCD, kakaiba ang ngiti mo ngayon ha. Bakit?

Alec: Wala to myrts, first day kasi. Hahahahaha. Alam kong mang-aasar ka lang, hintayin nalang natin yung teacher natin.

Myrtle: Sige na nga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi. :) Follow me on twitter - @juantamaaaad ; instagram - @juantamaaaad ; tumblr - akosijuantamad. Don't forget to vote. :)

Destiny (JALEC Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon