Special Chapter

1K 31 5
                                    

Hello po. Finally tapos ko na rin tong gawin. Hahaha. Dahil malapit ng mag 9K to. Thank you po. Hahaha. 

PS: Lahat po ng mga pickuplines ay nakuha ko lang sa internet. 

http://w.tt/1GGZedp
___________________________________________________________

“ALEXAAAAAAAAAAAAANDER! BUMALIK KA RITO!”

“Bleh! Ayoko nga!”

“Sabi ng! Bakit ba ang kulit mo?!”

“Hot ko kasi!”

“EW!”

Nakikipaghabulan ako kay Alex este Xander este Alexander na nga lang. Tinatanong mo kung bakit? Kinuha nya lang naman sakin ang cellphone ko! Andun pa naman yung mga “hot” pictures ko at mga videos na kumakanta ako.

Problema kasi dito sa boyfriend ko napaka inggetero!

Oo kami na, angal kayo? 

Pagkatapos nung nangyari last month, niligawan nya agad ako! Sinagot ko naman, mahal ko eh.  

Ang problema nga lang naging mahangin tong halimaw na to. Puro kayabangan. Kesyo may maganda daw siyang girlfriend. May mabait daw siyang girlfriend. May matalino daw siyang girlfriend. At higit sa lahat, May "HOT" daw siyang girlfriend. Oh diba? 

"Hoy Alex!"

Parang may tumatawag yata sakin?

"Aba! Alexis!"

"Oh? Panira ka naman eh!" 

"Hindi mo na kasi ako hinahabol eh! Di mo pa ako pinapansin. Ouch ha." Ang drama ha?

"Ang landi mo din no!"

"Mahal mo naman!"

Hindi na ako sumagot kaya umupo siya sa tabi ko. 

"Hoy Alex. Earth ka ba?" 

"Duh. Tao kaya ako."

"Ikaw lang kasi ang mundo ko!" Ayy.

"Sus. Yan ka nanaman eh." Pero syempre, kinilig din ako. Kaya hindi ko mapibigilang ngumiti.

"Ang saya mo yata ah. Happiness ka ba?"

"Hindi eh."

"Eh! Sabihin mo bakit?!" Opo, boss.

"Oh, bakit?"

"Kasi ikaw nalang kulang sa buhay ko!" 

"Ikaw napacorny mo talaga!" Inakbayan nya naman ako. Inggit nanaman ang ibang girls samin. Bohahahaha.

"Oo nga pala Alex este Xander. May alam ka bang good bank?"

"Huh? Wala eh. Bakit?"

"Kasi I want to save all my love for you." Kala nya siya lang marunong pumickup? Ako din no.

"Wow, kilig naman ako. Pakiss nga! *chup*" Tae. Kissan ba naman ako?

sa cheeks. Hahahaha!

"Hoy ikaw ha! Masama yan!" 

"Sus. Kinikilig ka lang eh, tignan mo nga ang pula mo. Hahaha! Cute cute talaga ng girlfriend ko!"

"Hoy lovebirds! Tara na't maglunch! Naglalambingan pa kayo. Masyado nyo kaming iniinggit!" sigaw ni Zyla. 

"Panira naman kayo ng moment eh. Psh. Sige na Alex. Kita nalang tayo mamaya! Love you po!" sabi ni Xander sabay takbo niya papunta sa mga kaibigan nya. Inasar naman kami ng mga kaklase namin. Yun talaga agaw pansin! 

"Oh, baka himatayin ka. Tara na." sabi ni Vanessa. 

"Pero girl ha. Hindi na kayo natapos dyan sa mga pickup lines na yan." sabi ni Aira. 

"Hanggang sa magka-anak na siguro kami ganon." 

"Wow ha. Taas ng confident mo na magiging kayo hanggang sa pagkamatay nyo no?" sabi ni Zyla.

"Oo naman. Hahahaha!" At nagtawanan na lang kami. 

___

Uwian na kami. Magmemeryenda muna kami ni Xander sa malapit na coffee shop bago umuwi. Ganon naman kami araw araw eh. 

"Bebe ko! Tara na!"

"Hoy Xander! Wag ka ngang gumanon. Para kang bakla!" 

"Hoy. Masyado akong hot para maging bakla no. Sayang ang mukha at katawan! Hahahaha!" 

"Masyado kang bilib sa sarili mo, tara na nga!" 

Umupo na ako, siya naman umorder na ng kakainin namin. Di nagtagal bumalik narin siya, syempre dala yung pagkain namin. Duh. 

"Alex." Ang seryoso ng mukha niya. Ano kayang problema?

"Bakit?"

"Horror movie ka ba?" tae, ano nanaman to?

"Hindi bakit?"

"Kapag nakikita kasi kita, bumibilis takbo ng puso ko.  YIE!"

"Ulol! Kala ko pa naman may problema ka."

"Xander, hindi ka ba nabibingi?" Napa serious face naman siya. Hahaha.

"Hindi naman, bakit?"

"Kanina pa kasi sinisigaw ng puso ko ang pangalan mo eh!" Napangiti naman siya. At teka! Nagblush pa siya! Oh diba? Ganda ko talaga.

"Ang sweet sweet sweet mo naman!" 

"Ako pa! Hahaha!" Pagkatapos non, napatahimik naman kami sandali pero nagulat ako sa sigaw niya.

"Alex! Yung susi? Asan na?!" Huh?

"Anong susi?"

"Yung susi ng sabi!"

"Ano bang susi? Para saan?"

"Para sa puso mo." 

Aw. :") Kinikilig na talaga ako.

"Ikaw talaga. Ano nga palang course ang kukunin mo sa college?" tanong ko kay Xander.

"Hindi ko pa alam eh. Wala pa akong napupusuan. Ikaw?"

"BSFIL Major in Y."

"Ha? Ano yon?" takang tanong niya.

"BS Falling In Love Major in You." sabi ko habang namumula.

"Siyet naman Alex. Bakit mo ko pinapakilig ng ganito?" Aw. :")

"Mahal kasi kita."

"May tanong ako sayo." Eto, super serious na tanong niya sakin.

"Ano ang tanging bagay na hindi magbabago?" tanong niya.

"Ano?"

"Ang pagmamahal ni Alexander kay Alexis." 

With that, napangiti na talaga ako ng bongga. Sino bang hindi? Dati naaalala ko inis na inis ako sakanya dahil sunod siya ng sunod sakin. Yung bang ang sarap ihulog sa bangin? Ngayon, gustong gusto ko na bawat pagpuri nya sakin. Hayy.

I really love this man.

I really love Alexander.

Crazy Stalker ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon