Next Update - Wednesday. :3
----------------------------------------------------------------------------------
Crazy Stalker ♥ by madramangbabae.
ALL RIGHTS RESERVED 2012.
CS - Chapter 3
Nang may nahanap na ako umupo ako dun sa vacant. Napansin ko ding may naupo harap ko. Pagtingala ko, guess what? Ay guess who pala? Ayun si Alex padin.
“Pati ba pagbabasa ko gagayahin mo din?” tanong ko sakanya.
“Nope! Hindi naman ako magbabasa eh. Tititigan lang kita.“ Medyo napalakas yata ang pagkasabi nya, napatingin kasi samin ang ibang tao na nantio. Yung iba nga naghiyawan pa.
“Tsaka diba? Hindi ka naman mahilig sa mga nakakatakot na stories, bat ganyan yang hawak mo na libro?“ pagkasabi nya nun, tumingin ako sa hawak ko. O___O Oo nga noh? Bakit ganito? Hays. -___- Asan ba utak ko?
“W-wala, ttry ko lang.” sabi ko sabay basa ng libro.
Well, tinotoo nga ni Alex ang sinabi nya na tititigan nya lang ako. Ayun kamuntikan pa akong matunaw.
Eto ako papunta sa Starbucks. At katulad nga kanina, sinusundan nya padin ako. Ayys. Wala ba tong sariling buhay? Wala ba syang sariling mundo?
“Ang buhay ko kasi nasa harapan ko na..”Nagulat ako sa sinabi nya, napatingin tuloy ako sakanya.
“Nasabi mo po ng malakas..” ay! Nasabi ko ba? Urggh! Tumalikod nalang ako sakanya at nagsimula ulit maglakad.
“Alex! May nalaglag!” sigaw sakin ni Alex. Kaya napatungo ako sa kalsada at nagsimulang maghanap.
“Ano?!” tanong ko sakanya, habang naglalakad ng marealize ko na wala namang nalaglag napatingin ako sakanya.
“Ako...
Sayo……” at kumindat pa. Ang hilig hilig nya doon.
“Urgh!” sigaw ko nalang sakanya at tumuloy sa paglalakad. Pero aaminin ko, kinilig ako doon.
