Maaga akong nagising hindi dahil sa sikat ng araw o ano mang tunog na galing sa alarm clock. Nagising ako dahil sa isang tawag.
“Goodmorning babe! Kamusta ang gising mo?”
“Pucha naman oh! Natutulog pa yung tao tapos tatawag ka para itanong kung kamusta ang gising ko? Abnormal ka ba?”
“Oh chill ka lang, ang ganda ng umaga para magalit ka.”
“HOY KENNETH! PARA LANG SA KALIWANAGAN NG UTAK MONG WALANG LAMAN, IPINAPAALALA KO LANG SA’YO NA WALA KANG DAHILAN PARA UMARTE NG GANITO! BUWISIT!”
“Hahaha napakamainitin mo talaga. You’re so hot!”
“Lecha ka!”
“Sige na nga, bye na. Mag-ayos ka na ah para di ka malate. See you later I lo—”, pinatay ko na ang telepono bago pa niya masabi ang pinagbabawal na salita.
Ano bang problema ng taong yun? Tatawagan niya ko ng five o’clock a.m. para lang buwisitin ako, eh nine pa naman ang pasok ko. Baliw talaga! Akala mo kung sinong hudyo kung makaasta eh! Hindi ko naman siya boyfriend nampucha!
Naaalalala ko tuloy ang mga katarantaduhang ginawa niya nung araw na yun!
*Flash back*
Nasa isang party ako kung saan maraming Chinese clan ang nasa gathering. Ito kasi ang get together ng mga half Chinese half Filipino families dito.
“Jenny? Nandito ka rin?”
“Babe! Dito ka rin pala.”
“Hehe oo nga eh. May ginagawa ka ba?”
“Hmm wala naman.”
“Tara.”
“Eh saan naman?”
“Six months na rin naman tayo di ba? It’s about time para ipakilala kita sa family ko.”
“Ha? Talaga? As in, now na? Grabe kinakabahan naman ako.”
“Hahaha wag kang kabahan. Ganda mo kaya. Ano, shall we?”
“Uhm, okay.”, hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo kami sa lugar kung nasaan ang family niya.
“Pa, lolo, she’s Jenny. My girlfriend.”
“Hi hija, nice meeting you.”, nakipaghandshake saakin ang papa ni Kenneth.
“You’re beautiful young lady. You remind me of someone.”, sabi ng lolo niya.
“Talaga po?”
“Yes. Ano nga ulit ang pangalan mo?”
“Jenny. Jenny Chui po.”
“J-Jenny Chui? In any chance, kamag-anak ka ba ni Jane Chui?”
“Siya po ang granny ko.”J
“This can’t be! Kenneth!!!!”, at bigla na lang nahimatay ang lolo ni Kenneth. Next thing I knew, he’s breaking-up with me. And the reason is, because I am a Chui.
*End of flashback*
Argh!!! Bakit ko pa ba iniisip ang pangyayaring yun? Mabuti nga at nangyari yun habang maaga pa lang. Atleast ngayon pa lang alam ko na kung hanggang saan ako kayang ipaglaban ng walanjung lalaki na yun!!!
“Ate, si kuya Kenneth na naman ba ang tumawag?”, tanong ng kapatid kong si Jaira. Nakikihati pa kasi ng room eh!
“Yeah siya nga.”
“Ayiee ibig sabihin ba niyan kayo na ulit ni kuya Kenneth?”
“Never!!! Atska ikaw ah, itigil mo na nga yang kaka-kuya mo diyan! Wala kang dahilan para tawagin siyang kuya!”
BINABASA MO ANG
My First Love: Clan Clash
Novela JuvenilLove was never been easy. You have to struggle first before you achieve it. Minsan hindi natatapos ang isang kwento sa mahal ka niya at mahal mo din siya. Dahil duon pa lang magsisimula ang lahat.