Chapter IV [The costume]

8 0 0
                                    

[Chapter 4]

Lalabas ba ako o hindi?

Wag na lang kaya? Tutal mukhang di naman nila ako kailangan sa labas eh.

“Pres? Okay na ba?”, si Aya yan.

Why do I end up in this kind of situation? Argh! *Insert roll eyes ni Jenny*

I looked at the mirror. Hmm, not bad. Bagay naman saakin ‘tong costume na ginawa ni Aya.

Ang hindi ko lang matanggap ay yung makikita ako ng mga mokong na ganito ang suot ko.

(Imagination)

“Wow babe, ang sexy natin ah. Ganda ng legs!”, sino pa ba magsasabi niyan? Eh di si Kenneth na ungas!

*TOK*

“Aray! Pati ba naman sa imagination nananakit ka?”

“At pati ba naman sa imagination bastos ka?!”

“Nagsusuot ka pala ng ganyan pres?”, si Anthony.

“Hindi. Nakita mo bang suot ko? Oh imagination mo lang?”

“Taray naman. Eh ito nga imagination mo lang eh.”

“Paki mo? Gusto mo patayin kita sa imagination ko?!”

“Tabi tabi!”, si Alvin at Echo.

“Ano bang—”

*SPLASH*

“AHAHAHAHA!”, tawa nilang dalawa.

“Walangya! Pati ba naman dito natatapunan niyo pa rin ako ng inumin?!”

“Ui pres basa ka na. Hala ang sexy mo talaga.” *Insert tulo-laway na si Matt.*

“Hoy hoy hoy! Gusto mo bugbugin kita diyan? Ako lang may karapatang sabihan ng sexy ang babe ko! Di ba babe?”

Bigla niya kong hinapit at unti-unti kaming nagkadikit at—

(End of Imagination)

“Ahhhhhhhh!”

Walangya! Pati imagination ko pinopollute na rin ng Kenneth na ungas na yan!

“Pres? Pres? Okay ka lang ba? Anong nangyayari sa’yo?”, pinilig ko ang ulo ko.

“Ha? Ah eh, wala wala. Oo ayos lang ako.”

“Oh, nasuot mo na ba pres? Labas ka na diyan. Patingiiiin.”, hayst! Do I have a choice? -_-

Kapag binuksan ko ang pintuan na ‘to, malamang sa malamang makikita kaagad ako ng mga jerk na yun. Ahh nyeta! Bahala na nga! tatakbo na lang ako agad palabas ng kitchen na ‘to!

Binuksan ko na nga ang pintuan at, tentenenen!

*Click*

*Click*

*Click*

“Ahh punyemas! Ano ba?!”

“Ay ang cute cute naman ni Pres! Ay!”, sabi ng mga classmate ko.

Tapos pagmulat ko ng mata ko nakita ko silang lima. Nakapoker face pero diretso lang nakatingin saakin.

Problema nila?

Atleast di nila ko inasar di ba? Makalabas na nga!

Chineck ko ang sarili ko.  Merong parang head band na tela na nakalagay sa ulo ko, tapos nakapangchamber maid ako. Ayos naman ah? Wala namang problema.

Tinignan ko ulit yung lima. Still nakapoker face pa rin sila. Bakit parang mas nakakainsulto yung tingin nila? Paki-explain nga? T_T

Ahh bahala sila! Basta ako aasikasuhin ko nalang mga customer namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First Love: Clan ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon