Chapter 14

7 2 0
                                    

Kim's POV

Kakaupo ko lang sa seat ko. Medyo awkward ang paligid ko kasi naman, katabi ko si Sean.

Well, di rin naman sya nakatingin sakin, kay mommy lang. *sigh*

Sean naman kasi, nakakainis ka! Yan , may gusto na ko sayo pero bakit naman sakin ka pa nahingi ng tulong para kay mommy. Ayoko na! Lyf! Y so unfair?

Napalingon ako sa kanya kasi parang may binubulong sya. Tinapik ko yung balikat nya kaya nilingon nya ko. He smiled at me

"Hello Kim", bati nya.

"Hi..", sagot ko. "May problema ba? Nabulong bulong ka dyan", tanong ko.

"Ah.. Tingnan ko naman kasi sina Sweet at Saki.", tumungo sya.

Tiningnan ko sina mommy. Tuwang tuwa si Mommy kasi mahilig yun sa anime tapos puro pa mga anime drawings yung nasa lamesa ni Saki. Nilingon ko uli si Sean. Naaawa ako sayo , kaso naiinis din ako. Hay... Di ko rin alam kung matutulungan kita.

Bigla akong tumayo, napatingin sakin si Sean. Naglalakad na ko palayo kaso hinawakan nya kamay ko. Please let go. Pagnagstay ako, di mo rin naman mapapansin ang feelings ko.

"S-san ka pupunta?", tanong nya.

I tried to smile kahit masakit, "Sa C.R, bakit sasama ka?", sabi ko. Ang lambot ng kamay nya, parang gusto kong higpitan ang hawak at wag ng pakawalan yun. Pero 'di naman pwede. *sigh*

"Ganun? Haha, sorry naman", bumitaw sya sa pagkakahawak. Ramdam ko parin yung init ng kamay nya. "Basta balik ka agad a, wala ako makausap dito e tsaka magsisimula na ang klase", sabi nya. I nodded bago lumabas.

Wala sya makausap? Lahat naman ng mga kaklase namin kinakausap sya. Ako lang ba gusto nya makausap? Sus! Wag na umasa, puro si Mommy lang naman lagi naming topic.

Di naman ako sa CR pumunta, sa rooftop ako pumunta, kung saan kami unang nagkita ni mommy.

Pagbukas ko pa lang ng pinto, sinalubong na ko ng malamig na hangin, Ber month na kasi kaya malamig na.

Umupo ako sa isa mga upuang nakatambak sa taas. Papikit pikit pa ko para feel ko yung hangin. I let out a deep long sigh.

Lumayo na lang kaya ako kay Sean? Siguro mawawala rin tong feelings ko kung didistansya ako. Ano ba naman tong napasok ko. May side sa loob ko na nagsasabing lumayo na lang ako pero may side din na nagsasabing umamin ako kahit masasaktan lang ako. Wala namang masama magtry diba? Ugh! Kaya ko ba?

Para na kong nasisiraan ng ulo. Yakap ko na ang sarili ko sa sobrang lamig. Pagmulat ko, namumuo na ang mga luha sa mata ko. Malapit na silang tumulo.

"First time yan kapatid a", boses yun ng lalaki sa likod ko. Nilingon ko sya.

"Allan?", bulong ko. Nakatanaw sya sa malayo, nasa bulsa ang mga kamay. Agad kong pinunasan mga luha ko. "Why are you here kapatid?", tanong ko.

"Waah! Emerghesh! First time din yan", sabi nya sabay kalog kalog sakin.

"Wait nga! Nakakahilo a, tsaka anong pinagsasabi mong first time chuchu?", sabi ko sabay tapik sa isa pang upuan na malapit sakin. Umupo sya dun na napakalaki ng ngiti. "Woah! Anong natira mong ugok ka at ganyan ang ngisi mo?", napatawa ko sa mukha nya.

"Sira! First time mo lang kaya akong tinawag na kapatid", sabi nya sabay hampas ng mahina sa braso ko. Medyo napangiti ako ng marealize kong tinawag ko nga sya nun.

"Naman, iisa lang naman tayo ng mommy a", tumingin uli ako sa malayo. Natahimik kami ng sandali, hangin lang ang naririnig sa paligid.

"Hey..", pagbasag nya sa katahimikan, nilingon ko sya kahit nakatingin parin sya sa malayo, "Bakit ka paiyak na kanina?", tanong nya sabay lingon sakin. Nakita nya?

I lowered my head, "Ah.. W-wala yun. Hehe"

"Imposibleng wala yun, sa tagal na nating magkakasama, ngayon ka lang nagdrama ng ganun", sabi nya. Huminga ako ng malalim. I'll say it to him, maiintidhan nya naman siguro sitwasyon ko.

"Sean..", bulong ko. Di ko alam kung narinig nya.

"Tuloy...", sabi nya kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka. Nilingon nya ko sabay tango.

Kinwento ko sa kanya na since first day palang crush ko na si Sean. Nung umamin sya kay mommy, sunod nya kong kinausap. Sabi nya na tulungan ko daw sya kay mommy. Dun ko narealize na di ko lang sya basta crush pero mahal ko na sya. Ngayon, humihirap na sakin kaya humingi na din ako ng payo kay Allan kung ano ang gagawin.

"Balak mo ba talag syang tulungan? Balak mo bang saktan ang sarili mo?", tanong ni Allan. Napatungo na naman ako. Namumuo ang luha sa mga mata ko. "Tinatanong kita, Kim", tawag nya uli sakin.

Umiling ako ng dahan dahan. Tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Bigla akong niyakap ni Allan. "Tutulungan kitang umamin kina mommy at Sean.", he patted my back. Noon ko lang naramdaman ang concern ng isang kuya. "Tutulungan kita kasi kapatid kita at dahil nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo".

Umalis ako sa pagkakayakap nya. Nararamdaman nya? So, may nagugustuhan din sya ngayon? "Ha?", tanong ko.

Nginitian nya ko. "Malalaman mo rin, di pa siguro ngayon kasi for sure, you'll be mad. Haha", sabi nya sabay tayo. Napataas naman kilay ko. May sinabi sya pero hangin lang narinig ko.

"Ah!", napahawak ako sa ulo ko pagkasapak nya sakin.

"Sabi ko , late na tayo!", natawa sya bigla sabay lakad papunta sa pinto.

Napatingin ako sa relo ko. Shoots! Napatakbo ako palabas rin ng pinto. Nagpaunahan pa kami ni Allan papunta sa room.

Sean's POV

San naman kayang CR pumunta si Kim? Natagalan naman ata. Tsk! Late na sya a. Kanina pa naglelecture si Ma'am.

Napalikon kaming lahat ng may tumatakbong Kim na dumating

Here she i---

Kasunod nya si Allan na tumatakbo din. Tumigil sila sa pinto. Parehong hinihingal.

So, kasama nya pala yung 'kapatid' nya. Ha, wait! Bat ako ganto? No, no nagseselos ba ko?

"Sorry po Mam!", sabay sila. Nagkatinginan sila sabay ngiti sa isa't isa. Di ko alam pero medyo kumulo ang dugo ko sa nakikita ko.

Sean! Ano ba! Bakit ako naiinis na may kasamang iba si Kim? Tsk! Imposible to. Tsk. Siguro dahil anak anakan sya ni Sweet kaya ako ganito. Tama!

Ryzza's POV

Like mother like daughter. Both flirts and mang-aagaw

First, kinuha sakin ni Sweet si Saki. Now, si Sean naman ang kinukuha ni Kim. Tsk!

Poor baby Allan, madadamay ka pa sa inis ko but who cares. I'm Ryzza, I'll do everything.

Tiningnan ko ang phone ko. These pictures will help me for sure.

----
Yey! Saya ko nakapag update uli ako haha.

Nauntog nga lang ako kanina -,- sakit infairness haha

Vote and comment <3 :*

Nagkita rin tayo, CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon