Chapter 16

14 2 0
                                    

Sean's POV

Bakit ba ko nagwalk out? Eh ano naman kung may relationship sila ni Allan? Tao lang din naman si Kim, babae, magandang babae, no doubt she'll have a boyfriend.

Naglalakad ako ngayon dito sa may lobby ng school. Still thinking of why am I affected.

Syempre, best friend ko na sya kaya affected ako. I've been so clingy to her all these times pero ang di ko alam, may boyfriend na pala sya. Sean, you're so dumb! Pano kung nagseselos pala sayo si Allan? What if iniisip nyang nilalandi mo si Kim?

"Sean stop!", I heard a shout coming behind me. Tumigil ako at tumalikod para makita ang isang Kim na tumatakbo papalapit sakin.

Budump budump! Puso ko ba yun? Bakit bumilis yung tibok?

"Yah! Bakit ambilis mo maglakad?", tanong nya, nakahawak sa tuhod at hinihingal.

"W-what are you doing? Bakit mo ko hinahabol?", tanong ko. "Bakit mo iniwan yung boyfriend mo? Magagalit yun"

Tiningala nya ko. May inis sa mata nya. "Stupid" she breathes out. Napakunot ako ng noo dahil nabigla ako sa sinabi nya. "You're so numb Sean", mas malakas nyang sabi.

"Woah! W-what do you mean?", nagtatakang tanong ko. Napayuko ulit sya.

"Ilang beses ko bang uulitin sa mundo na kapatid lang ang turing ko kay Allan?" sabi nya. Tinititigan ko lang sya as if, di ako interesado but deep inside, natutuwa ako sa narinig ko. "All these times, piniit kong itago ang nararamdaman ko, pero never kong inisip na ganto ang kalalabasan"

"K-kim", tawag ko nang mapansin kong nanginginig ang balikat nya. She ducked her head lower kaya di ko makita ang mukha nya. "Are you crying?" tanong ko. Di ko pa sya nakikitang umiyak since the school year started pero bakit ngayong nasa kalagitnaan na, she's showing me her weak and fragile side. Bakit?

She nodded at nakita ko kung paanong pumatak ang luha nya papunta sa kanyang sapatos. Nilabas ko ang kamay ko sa aking bulsa. Gusto ko syang hawakan at patahanin. Gusto ko syang yakapin dahil sa paningin ko, kapag hinayaan ko syang ganyan, pwedeng mas lalo pa syang umiyak anytime.

Stupid. Numb. Dumb. Yan nga siguro talaga ako. Kasi imbes na patahanin ko sya at i-pat ang ulo nya. Here I am, binabalik ang kamay sa bulsa ko. Di ko alam pero yung mga salitang binitawan nya, sumapol sakin. Na para bang may ginawa akong mali. Na ako ang dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon. Umiiyak sya dahil di totoo yung news, diba? Yun yon diba?

Pero bakit ako nagiguilty? May hindi ba ko naiintindihan sa mga nagyayare?

"Idiot" she suddenly mumbled. Napatingin uli ako sa kanya. "Di mo talaga naiintindihan no? O baka di mo talaga napapansin kasi lagi na lang si mommy ang bukambibig mo?" Tumingin naman sya sakin ngayon. Her eyes, red and swollen. Tear stained face. She's definately a crying mess. "MINAHAL NA KITA SEAN! Why can't you see that?!", she exclaims.

I stood there dumbfounded. Nagprocess pa sa utak ko kung ano yung sinabi nya. Long moment of silence surrounded the lobby. Wala na rin namang mga estudyante sa labas ng mga rooms. Just us, senior high dahil sa P.E.  Pero heto kami ni Kim, nagsasagawa ng confessions.

Di ko namalayan na sa katahimikang bumalot sa aming dalawa, nagsimula na naman syang umiyak. This time, harder, rinig na rinig ang hikbi nya. 

I badly want to comfort her pero naduduwag akong lumapit nor hawakan sya. Kasi baka this time, lalo ko syang masaktan.

"I.. I am sorry", I mummbled as I look down at my shoes. Tumingin syang muli sakin at ngumiti. Ngiting walang bakas ng saya. Ngiting puno ng sakit. "I really am sorry". Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa kanya.

Sorry for hurting you Kim pero may usapan kami ng kapatid ko, ni Saki. I say to myself as tears run down my cheeks. 

----

Sweet's POV

Natigilan kami sa mga salitang lumabas sa bibig ni Allan but still, we tried to comfort him.

Minutes pass bago namin narealize na wala pa din sina Sean at Kim. Kumalma na si Allan at sinamahan sya nina Kuya Christian at nina DJ para hanapin si Ryzza at kausapin sya. On the other hand, magkasama kami ni Saki na naglilibot sa buong campus to search for Kim or Sean.

"Asan kaya yung dalawa?" tanong ko. He just shrugged. Syempre naman Sweet, di nya alam kaya nga magkasama kayong naghahanap diba? Isip naman.

"Matanong ko lang," sabi nya. Napalingon ako sa kanya, iniintay syang magpatuloy sa sasabihin nya. "Is there any possibility na may gusto si Kim kay Sean?"

Di pa pala nya alam. Sa bagay, ngayon ko lang din naman nalaman e.

I nodded. "Yes, she liked him. Medyo nagiguilty nga ako kasi lagi na lang daw ako ang bukambibug ni Sean everytime magkasama silang dalwa." may panghihinayang sa boses ko. Mabait si Kim, she's lovely and beautiful. She doesn't deserve to be broken.

Saki smiled comfortingly. I looked at him confused.

"Let's wait for them to work this out" sabi nya sabay akbay sakin.

I didn't protest. I felt safe and comfortable in his presence. I felt loved. Kung sana lang walang masyadong drama ang buhay, masaya na sana lahat tayo.

Sa tagal naming naghanap dun sa dalawa, pinuntahan na namin si Manong Guard. Tinanong namin kung nakita nya ba yung dalawa. To our dimay, nakauwi na pala sila. Dagdag pa nya, nauna daw si Sean, medyo malungkot. Si Kim naman daw, namamaga ang mata dahil sa kaiiyak.

What the hell happened between the two of them?

- -------------------------------------------------------------------------------------------------------- -

Nagkita rin tayo, CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon