To: Your Future Someone

2.7K 155 96
                                    

A/N: Inspired by a post in FEUSF, I wanted to bring it back to life :)

-------------------------------------------------------------

. . .

To Your Future Someone

By Sacchii

. . .

"Magpahinga ka nga," sabi ko nang madatnan ko si James na nagsusulat ng liham sa kama, "Imbis na nagsusulat ka d'yan, mag ipon ka muna ng lakas!"

Mahinang tumawa si James na halos wala na akong marinig na boses, hinugasan ko muna ang mga pira pirasong mansanas. Mahirap na siyang nguyain ito dahil sa kondisyon niya.

"Masyado ka naman nag-aalala, malakas pa naman ako eh." Iniangat niya ang braso niya tsaka magabal na tinanggal ang manggas nito para maipakita ang balat niya, "Oh diba, may muscle pa?"

Natawa lang ako sa sinabi niya, hanggang ngayon ba naman palabiro pa 'rin 'tong mokong na 'to?

"Ang sabi ko, matulog ka." Inulit ko ang sinabi ko in case na magmamatigas siya, inalalayan ko ang ulo niya bago ito bumagsak sa unan. He gave me a slight peck before he close his eyes,

Pinagmasdan ko siya habang nakalatag siya sa kama. Pinaliligiran na siya ng mga gamot sa buong parte ng katawan niya, paulit ulit nalang ang chemotherapy niya kaya kumupas narin pati ang sigla sa kanyang pisngi. Sabagay, alam kong sobrang sakit ng chemo pero sinusubukan niyang labanin ang Leukemia niya para saaming dalawa.

Kaso ang hirap takpan ang lungkot sa aming mga mata. We both understood na wala kaming magagawa sa kapalaran niya,

Ang sakit, sakit. Sa tuwing nakikita ko ang dextrose na nakakabit sa kamay niya, yung tunog ng tibok ng puso niya na para bang iingay ng sobrang tagal maya maya, his heavy breathing that echoes within the room, his body that gets skinnier day by day, his hands.. that seems to get colder and colder as time goes by. Palagi ko iyon hahawakan, I'll keep rubbing his palms until we share the same heat flowing throughout my bare skin. Palagi kong ibubulong sakanya,

"It's alright Babe, malalagpasan natin 'to."

And he'll smile, as if my words bear truth. Even though we both knew this was only a wishful thinking.

It had been almost 2 years when he delivers the sad news to his family, and a year after he breaks it to me. Tinawanan ko nga lang 'yun sa umpisa eh. Sino ba naman ang maniniwala? Kasi parang kahapon lang nagscuba diving kami sa Palawan, nag inuman at nagbilliards sa Mona, and the day we both gave in to ourselves. Parang kahapon lang, ang saya saya namin, nangako pa kami sa mga bituin habang nakahiga, pinagpaplanuhan na namin ang pangarap namin sa isa't isa, kung ilan ang gusto naming maging anak, kung saan kami maninirahan pag kinasal na kami; kung sa parents ba niya, parents ko o magbubukod kami. Nagtalo pa kami kung sino magmamanage ng pera namin, nagmaktol pa ako sakanya at hindi siya pinansin, pero dahil mahal niya 'ko, niyakap niya ako ng mahigpit tapos hinalikan pa ako sa kamay.

He told me I was his queen and he's my servant, tinanong ko kung bakit hindi siya 'yung king. Sabi niya saakin na walang makakapalit sa pwesto ni Papa bilang hari, natawa lang ako sa biro niya.

I thought his news was a joke as well, ang hilig hilig niya kasing magbiro. But when he collapsed right in front of me after saying it, akala ko ikamamatay ko 'yon.

Bakit nga ba ang tanga tanga mo James? Bakit hindi mo nalang sinabi saakin ng maaga para nasolusyonan pa natin ang sakit mo diba?! Mababalitaan ko nalang kung kailan 4th stage na? Ha? Sa tingin mo ang paglihim saakin ng sakit mo ay ikabubuhay mo 'yon? Dakila kang tanga! Sinaktan mo lang ako sa ginawa mong bwisit ka! Ako lang ang pinapahirapan mo, James. Alam mo ba 'yun?

To Your Future Someone, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon