Chapter 19: Red Riding Hood

729 20 0
                                    


Ito ata ang paglalakbay na matatagalan kami. Nasa kabilang Kingdom pa kasi nakalagay ang Chain of Golden Mountains. Kung ang Enchanted Kingdom nakalagay ang Gemstone Kingdoms, doon naman nakalagay ang Elemental Kingdoms. Ang tawag sa kingdom na yun ay Kingdoms.

Habang naglalakad kami ay may nakabangga ako. Naman Liza oh. Hindi ka kasi tumitingin sa daan eh.

Pagtingin ko, isang bata na may hawak na basket tapos Nakasuot pa ng isang red cape. Tinulungan naman ako nila Happy at Sneezy na makatayo habang sina Sleepy at Grumpy naman ay tinutulungan yung bata.

"Sorry ah. Hindi kasi ako nakatingin sa daanan." paumanhin ko.

"Ay okay lang po. Teka, ikaw po ba yung--Oh my, ikaw nga po mahal na reyna." sabi niya saka mabilis na nag-bow.

"Ang ganda niyo po talaga lalo na kapag malapitan. Gustong gusto ko po kay ni King Lio. Bagay po kayo." sabi niya. Napangiti naman ako. Di ko alam na may umiidolo na pala sa pagiibigan namin.

Pero wala na eh. Kailangan ko pang maglakbay para lang maibalik yang Lintik niyang alaala.

Napansin ko namang nagpalinga-linga ang tingin nang batang babae. Parang may hinahanap siya. Hanggang sa napunta rin yung tingin niya saakin.

"Asan po si King Lio?" bigla akong napa-tigil sa paghinga ng tanungin niya ang tanong na yan pero agad din akong nakahinga saka sumagot.

"Nasa kingdom siya."

"Ah eh bakit hindi niyo po kasama?"

"Eh bakit ba ang dami mong tanong?" singit ni Grumpy. Galit na to. Siyempre naglakakbay kami tas biglang may makakabangga kaming batang babae na ang daming tanong.

"Grumpy." suway ni Happy. Itinaas naman ni Grumpy yung kamay niya na para bang nag-susurrender. Napatawa na lang ako sa inaasal nila saka tumingin ulet sa batang babae.

"Kasi kapag hindi siya maiiwan doon Edi wala nang mamumuno sa village." Kalma kong sabi sakanya. Totoo naman, kung wala siya doon Edi Paano na lang ang mga Mondia?

"Ah ganun po ba? Eh bakit po kayo naglalakbay?"

"May pupuntahan kasi kami pero akin na lang yun." sabi ko sakanya. Napatango naman siya saka ngumiti.

"Sige po. Mauuna na po ako. Baka po kasi hinihintay na po ako ni Lola. Babay po." magsasalita pa lang sana ako nang takbuhan nung batang yun. Aba bastos yun ah.

Tumingin naman ako sa mga dwendenh katabi ko pero nagkibit-balikat lang sila saka na Nagsimulang maglakad. Napatingala nalang ako saka na sumama sa kanila nang magsalita si Dopey.

"Doc, malayo pa po ba?"

"Malayo pa." sagot naman niya. Napabuntong hininga naman si Dopey saka na Tumahimik ng biglang tumabi saakin si Grumpy.
"Okay ka lang?" Napakunot naman ako ng noo saka ngumiti.

"Oo naman."

"Naman kasi, bakit ang bungangera ng babaeng yun. Kung matangkad lang talaga ako, sinipa ko na yun. Kanina pa." Napatawa naman ako ng mahina saka siya tinignan.

"Bad influence ka pala." sabi ko saka itinuon ang tingin sa daan. Papasok na kami sa isang forest. Marami pa kaming madadaanan bago makapunta sa Elemental Kingdom. Bago makapunta sa Chain of Golden Mountains.

"Ako? Hindi ah. Sadyang over-protective lang ako. Lalo na't sa mga taong nasasaktan."

"Lalim naman nun. Oo na." sabi ko sakanya. Napatawa nalang ako saka umiling iling ng ulo.

"Doc, magkakapatid po ba kayo nila Grumpy?" I suddenly asked. Matagal ko na silang nakakasama pero ngayon ko lang naisip at natanong, magkakapatid ba sila?

"Hindi. Si Bashful, Happy at Dopey, magpipinsan sila. Si Sneezy at Sleepy naman, magkapatid. Ako, Anak ko si Grumpy. Habang naglalakad kami dati ng anak ko, nakita namin sila kaya sabi namin na magsama-sama na kami at Ayan, nabuo ang 7 Dwarves." nagulat ako sa mga nalaman ko.

Anak pala ni Doc si Grumpy? Bakit hindi Halata? Pati si Sleepy at Sneezy. Hindi Halata na magkapatid sila. Pati yung tatlo.

"Ano yun?" tanong ni Dopey saka Itinuro ang isang malaking Puno na may pintuan. Magga-gabi na rin at wala kaming matutuluyan kaya lumapit kami doon saka kumatok ng biglang may narinig kaming isang growl ng isang wolf.
"Nanggaling yun sa loob ah." sabi Ni Sleepy saka binuksan yung pinto. Sinubukan namin siyang pigilan pero ayaw paawat eh kaya sumunod nalang kami.

Nang makababa kami ng hagdan na gawa sa kahoy, may nakita kaming kama na nahaharangan ng Kurtina. Nang hawiin namin yun ay nagulat kami ng makita namin ang isang wolf na natutulog.

"Oh my gosh."

May mga naririnig kaming sumisigaw mula sa loob ng tiyan ng wolf. Nang ilapit ko yung tenga ko sa tiyan niya ay doon ko nakumpirma na may dalawang tao sa loob ng tiyan ng wolf. Agad agad inilabas ni Bash yung Swiss knife niya saka dahan dahang isinaksak sa tiyan ng wolf dahilan para mapadaing ito.

"Wooooooooorrffff!!"

~*~*~

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon