Chapter 6: Under A Spell

879 25 3
                                    

"Mauna na kami Jendra. Magpapahinga na rin kami." sabi ko sakanya ng nasa dulo na kami ng hagdan. Ready nang pumunta sa taas para magpahinga.

She smiled.

"Sige po Queen Elizabeth. Salamat ulet sa pagtulong saakin." sabi niya saka nag-bow.

Tumango na lang ako even though I want to tell her to just call me by my name. Bakit ba ang kulet ng mga tao dito sa loob ng kingdom?

"Let's go?" aya ni Lio saakin na tinanguan ko lang saka na kami simulang maglakad.

Nang makapasok na kami sa kwarto namin ay naligo na kami, nagbihis at humiga sa kama.

Nakatingin lang kami ni Lio sa isa't isa.

"If tomorrow, you'll lost your memory. Will you try your best to remember me?" tanong ko sakanya.

Hindi ko alam kung bat biglang lumabas yun sa bibg ko. Bakit nararamdaman ko na may mangyayareng masama bukas? Na mawawala si Lio saakin? Na hindi na niya ako kikilalanin bilang asawa niya. Bilang mahal niya.

Agad naman siyang napakunot sa sinabi ko saka tumawa ng mahina at hinaplos ang mukha ko.

"What are you talking about, ma? Hindi mangyayare yun. Hinding hindi." sabi niya saakin.

"But if that will happen, will you?" takang tanong ko ulet. Sandali siyang napatigil at nag-isip pero ngumiti rin.

"Of course. Kahit masakit sa ulo, alam kong kung mawawala ka sa isip ko, hindi ka mawawala sa puso ko. I will always love you." sabi niya saka ipinagdikit ang noo namin.

I felt like I want to cry.

"I love you." I whispered.

"I love you too." he said.

~*~*~

Naggising ako dahil naramdaman kong may nakatitig saakin. 

Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko si Lio na nakatingin saakin habang nakaupo. Ang pinagtataka ko lang, bakit nakakunot ang noo niya? Like he doesn't know me. Na parang nagtataka kung bakit siya nasa tabi ko o kaya kung bakit ako nasa tabi niya.

Then what he said next made my heart ache.

"Sino ka?" I froze. My body froze. My brain stopped thinking and suddenly, my heart skipped a beat.

But I smiled bitterly. Trying to calm myself and thinking that he was just joking.

"Ano ka ba Lio? Hindi mo naman kailangang totohanin ang sinabi ko kahapon. Tumigil ka nga." sabi ko ng natatawa pero napatigil ako ng hindi siya tumatawa. Nakatingin lang siya saakin na parang hindi niya ako kilala. Nakakunot pa rin ang noo niya.

Teka, totoo ba?

"Who are you? What are you doing in my bed? Where's Jendra? Where is my queen?" naiinis na tanong niya. Jendra? Queen? Ano bang pinagsasabi niya.

"Lio! Ako ang reyna mo! Ako ang asawa mo, hindi si Jendra. What is happening to you?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Umalis ka dito at tawagin mo si Jendra! Maybe you're a bitch maid who fantasizes me. Sorry pero may asawa na ako at si Jendra yun. You're delusional. Wag kang mag-imagine." sabi niya.

I'm already teary-eyed at malapit nang bumagsak ang mga luha ko. Bakit ganun? HIndi ko naman inakalang magkakatotoo ang sinabi ko kahapon. Anong nangyare kay Lio? This is not him. Hindi siya ito. 

"Lio, listen to me. I'm your queen. HIndi si Jendra. Ako! PLease Lio, listen to what I'm saying. Mahal na mahal kita." sabi ko saka siya pinipilit na yakapin pero itinulak niya lang ako kaya napabagsak lang ako sa sahig.

Galit, inis, at lungkot na tinignan ko siya. Naiiyak na ako. Lahat ng luha na pinipigilan ko kanina, bumagsak na. Naguunahan pa. damn these tears! Bakit ba nagkakatotoo ang sinabi ko? Ano ba ang nangyayare sakanya?

"Guard! Guard!" sigaw niya saka siya lumabas ng kwarto namin. Agad namang nagsidatingan sina Yala at James.

"Take her out of the kingdom! She's telling me na asawa ko daw siya. Where is Jendra? Siya ang asawa ko. Take her out of the kingdom, now!"

Nagtinginan naman yung dalawa saka tumingin saakin pero humagulgol lang ako.

"Lio, anong pinagsasabi mo? Si Elizabeth ang asawa mo. At sino bang Jendra na yan? Are you sick?" sabi ni Yala sakanya. Nagtataka naman akong tinignan ni LIo saka tumingin sa dalawa.

"Pati ba kayo, nahawa sa mga pinagsasabi ng babaeng yan. I'm your king. Follow my orders. Take that bitch out of my kingdom or else I'm going to fire you!" galit na sigaw ni Lio sakanila.

"Lio, calm down! Ano bang nangyayare sayo? Liza?" tanong ni James kay Lio saka ibinaling ang tingin niya saakin.

Halatang Naguguluhan siya sa mga nangyayare. Pati ako, Naguguluhan na din. Hindi ko alam kung bat nagkakaganyan si Lio? Okay pa naman kami kagabi pero ngayon, hindi ko na siya kilala.

"H..Hindi ko alam." sabi Ko habang humihikbi. Ang sakit na ng puso ko.

"Lio--"

"Umalis ka na. Hindi ikaw ang asawa ko." sabi niya ulet saka na Lumabas ng kwarto.

Agad agad namang lumapit saakin yung dalawa saka ako inalayan para tumayo at iupo sa kama.

"Ano na bang nangyayare kay Lio?" tanong agad saakin ni Yala ng makaupo na ako. Halata ang inis at galit sa boses niya pero hindi mawawala ang lungkot.

Siyempre naman. Sino naman ang hindi malulungkot kung hindi ka na maalala ng taong mahal mo?

"H..Hindi ko din alam. Basta GA..ganun na lang siya." sabi ko sakanya. "Okay pa naman kami kagabi eh pero biglang nangyare to."

"Masama ang kutob ko na may kinalaman si Jendra dito. I mean, bakit niya hinahanap si Jendra at sinasabing siya ang asawa niya? Tangina talaga." sabi ni James na Halatang naiinis.

Nakita ko naman si Lio at Jendra sa labas ng pintuan. Nakapulupot pa ang kamay niya sa braso ni Lio at nakangisi ng pangdemonyo.

Ibig sabihin, totoo nga ang kutob ni James. May kinalaman si Jendra dito dahil kung Wala, sasabihin niya kay Lio na hindi siya ang asawa niya.

Tangina. Planado ba ang lahat? Pinaglalaruan lang ba kami ni Jendra? Kasali ba sa Plano ang pagligtas namin sakanya?

Nakakabaliw na!

"Ano? Hindi niyo pa ba ilalabas yang babaeng yan?" tanong ni Lio sa dalawa. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang patayuin ako at alalayang maglakad patungo sa labas.

Wala na akong lakas lumaban pa kaya madali nila akong nabuhat.

Bago ako makalabas ng tuluyan sa kingdom ko, lumingon muna ako kay Lio.

Pero sana hindi nalang dahil nakita ko si Lio na hinalikan si Jendra.

At ang sakit. Sobrang sakit dahil hindi na ako iyong kahalikan niya.

Kundi iba na.

~*~*~

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon