Naglalakad si Yunni pauwi sa kanila galing sa trabaho. Isa kasi siyang nurse sa kilalang hospital at kakatapos lang ng shift nito.
Mag-aalas onse na ng gabi kaya't hinablot niya ang kanyang earphones mula sa kanyang bag at nagpatugtug ng musika para mabawas bawasan ang kanyang takot, sino ba naman ang hindi matatakot maglakad pag madilim na at halos walang tao sa kalsada? Kung meron man, baka holdapir ang mga ito.
Natigil ang konsetrasyon ni Yunni sa pakikinig ng musika dahil may nagtakip sa kanyang mata mula sa likuran. Sa takot, napasigaw ito "Ahhhh! Kuya! Ate! Waaaaaaah! Kung sino ka man po, waaaaahhhhhh! Please po, i-ipau-ipaubaya niyo na po sa-sakin yung bu-b-buha-buhay ko-ko po. Waaaahhh. Wala naman po akong p-pera eh. H-hindi pa po k-kami nag su-sweldo huhuhu." Nanginginig na sa takot si Yunni, hindi na niya alam ang gagawin niya. Nabigla siya ng wala ng nakatakip sa kanyang mga mata. Tatakbo na sana siya nang nagsalita ang taong nasa likuran niya,
"Yunni, alam mo? Ang OA mo talaga. Hindi ako holdapir! Baliw to. Bakit ka ba kasi naglalakad mag isa?" Tanong ng kaibigan niyang si Ivan. Biglang nainis si Yunni sa ginawa ng kaibagan, agad na itong nilapitan at sinuntok niya ang tiyan nito. Napa'oww' naman si Ivan.
"WALANGYA KA! NATAKOT AKO! NATAKOT AKO ALAM MO BA YON?! ARRRRGHHH! BWESIT!" Sinipa niya pa ang binti ng kaibigan. Hingal na hingal na siya sa sobrang inis. Napahinto siya nang tumawa lang ang kaibigan.
"Hahahaha. Sakit ng suntok at sipa mo ha. Sorry kung tinakot kita. Kanina pa kita tinatawag, di ka naman nakikinig. Akala ko iniiwasan mo ako o kaya naman ay galit ka sakin. Kaya ayan, tinakpan ko ang mga mata mo. Hehe naka earphones ka pala lul." Sinabi niya at kumamot sa kanyang batok. Huminga ng malalim si Yunni at naglakad ulit.
"Yunni. Dito na ako, okay lang ba sayo na ikaw nalang mag isa? Kung hindi, eh pwede naman kitang ihatid." pagpaalam ni Ivan sa kaibigan. Tumanggi si Yunni at nagpaalam na rin kay Ivan. Habang naglalakad, napansin siya na may nakasunod sa kanya, 'Haynako si Ivan talaga. Sabi ng wag na eh.' sabi niya sa isipan. Pinagpasyahan niya itong balewalain at naglakad ulit.
*Habang naglalakad, hindi pa rin nawawala ang sumusunod sa kanya. Malayo layo pa kasi ang bahay nila kaya matagal pa siya makakauwi. May malapit na botika kaya naisipan niyang bumili ng makakain para di siya magugutom sa daan. "Ineng" may tumawag sa kanya. Tinignan niya iyon ngunit wala siyang makitang tao na pinagmulan ng boses na iyon. Tatalikod na sana siya nang mak humawak sa balikat niya,
"Ineng. T-tulong. Di pa kasi a-ako kumakain. Tulong, I-ineng" panghihingi ng matanda. Nandiri si Yunni, "Lola? Bago po kayo manghingi ng tulong, maligo po muna kayo. Ew! Ang baho niyo po!" sabi niya sa matanda. Nanlisik ang mga mata ng matandang Ale at tumawa. 'Ang creepy nito ha.' sabi niya sa isipan.
"WUHA HAHAHA HAHAHA! WUHA HAHAHA!" Mas natakot siya nang hinila siya ng matandang Ale, "Mamatay ka ngayong gabi. WUHA HAHAHA HAHAHAHA!" tinulak niya ang matanda at dali-daling pumasok sa botika.
"Okay lang ba kayo miss? Mukhang takot na takot ka, anong nangyari sayo?" tanong ng Cashier pagpasok nang pagpasok niya sa botika. "Pwede ba? Cashier lang kayo dito, wala kayong pakialam!" sigaw niya sa babae. Pupunta na sana siya sa Beverage section ng botika nang napagtanto niya kung sino ang Cashier.
Tatalikod na sana siya para tignan ulit ang cashier at nagbabakasakaling namalikmata lang siya. Pero pagtalikod niya ay nanigas siya sa kinatatayuan dahil sobrang lapit ng matandang babae sa kanya, nakasuot ito ng uniporme na hinala niyang sinusuot lamang ng mga trabahador sa botika. Hindi lamang iyon, may dala itong kutsilyo.
Palapit ng palapit ang matandang babae sa kanya, samantalang paatras naman siya. "WAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" sumigaw ang matandang babae na dahilan ng pagkagulat niya. Tumakbo siya papalyo dun sa matanda. *lingon* *takbo* *lingon* *takbo* parang baliw diba? Takbo siya ng takbo nang maabutan siya ng matandang babae, pinagsaksak siya ng madiin sa likod hanggan sa ulo.
"Tama na po. T-tama na." pagmamakaawa niya sa matanda. "WUHA HAHAHAHAHA! Diba nag makaawa din ako sayo kanina? Pero tinaboy mo'ko. Ininsulto't sinigawan!" Pinagsaksak pa rin siya ng paulit ulit hanggang sa tumigil ito at iniwan siya.
Nakita ni Yunni ang sarili na naliligo sa kanyang dugo. Maraming saksak at napaka hina dahil marami nang nawalang dugo. May lumapit sa kanyang babae, naka uniporme din. Pero hindi ito ang Matandang babae na sumaksak sa kanya kanina."Galangin mo kasi si Aling Nene. Ayan tuloy, ikaw ang tinulungan niyang mapadali ang kamatayan." Nag-smile pa ito sa kanya. Hinila ng babaeng naka uniporme si Yunni, patungo sa isang bodega sa likod ng botika. Maraming bungo, patay na mga sanggol at iba pang parte ng katawan sa loob ng bodega. "Dito namamatay ang may sala. Dito namamatay ang hindi gumagalang kay Aling Nene!" pagalit na sigaw ng babae. "E-eh ba-bakit niyo pi-pina-pinatay yung mga sang-sanggol?"nauutal niyang tanong.
"WAHAHAHA! Ginagawa naming pagkain! Pag nabulok na ang mga bangkay nila, mas masarap kainin!"tumawa ang bababe na parang praning. Lumapit ang babae. May daling martilyo, hinampas ng babae ang mabigat na martilyo sa ulo ni Yunni. Nangilabot siya sa huling katagang binitawan ng babae.
"Hay nako. May nabiktima na naman si Aling Nene." Sabi niya at tumawa.
========
Sabaw eh, sorry!
BINABASA MO ANG
Ang botika ni Aling Nene
Mistero / Thriller"Hay nako. May nabiktima na naman si Aling Nene." sabi niya at tumawa.