Bagong bili ang matagal ko nang pinapangarap kong kotse.
Ngayon, ine-enjoy ko lang ang paggala-gala at pagpunta-punta kung saan-saan.
Paano ba ako nagkaroon ng gan'tong klaseng sasakyan? Regalo ito sa akin ng tatay ko.
Pero sa totoo lang, hindi pa talagang ganap na "sa akin" ang laruang ito. May pinapagawa pa siya sa akin bago mapasaakin na 'to ng tuluyan.
Nangako kasi siya na bibilihan niya daw ako sarili kong laruan para makita ko naman daw ang "kahirapan" at "kalungkutan" na sinasabi niya na nararanasan ng mga taong pinagkaitan siya ng kapalaran.
Siguro simple lang ang pinapagawa niya sa akin, para sa kanya... pero naaalala ko na nagsabi siya sa akin, "Ingat! Mag-ingat sa mapipili mo anak!"
Sa mga nasabi niya pa lang, halata mo na, na may pwedeng mangyaring masama, o pwede akong madisgrasya.
Bakit ko ba kasi kailangan pang gawin ito? Palibhasa, lagi niyang sinasabi sa akin, "Ang lahat ng tao ay may magandang kwento!"
Paulit-ulit niyang kinukwento sa akin na naging mahirap daw ang buhay niya noon, kumakain daw siya ng asin ang ulam, natutulog daw sila sa malamig na labasan tuwing gabi, at napakarami pang kwento, lalo na at kapag pinapagalitan ako. Puro kalokohan naman, hindi naman siya talaga mabubuhay hanggang ngayon kung totoo lahat ng kwento niya.
Ay, basta! Ang-o-OA ng mga kwento niya! Lalo na kung ikaw pa mismo ang makakarinig!
Mahirap kaya ang buhay ko.
Tuwing umaga, ang hirap bumangon kapag gigisingin ka ng dalawa mong makukulit na yaya. Mahirap bang intindihin ang pangungusap na, "Mamaya na lang ng konti"? Lagi na lang kase tuwing umaga.
Ang lambot-lambot ng kama, ang lameg-lameg ng kwarto ko. Madaming unan. Tapos ang gusto nila gumising ako agad bago pumasok sa school? Aba, okay! Pinagtitripan nila 'yung anak nila.
Kapag bumangon ka pa, ibubungad sa iyo ng nakahain ang paulit-ulit na mga pritong pagkain. Lalong lalo na ang walang kamatayang hotdogs at scrambled eggs. Minsan para maiba pa ng konti, ginagawang sunny side up ang itlog para lang masabing bago.
Isama mo na din sa listahan ang sinigang na kanin! Ayun, walang umagang hindi ko natikman ang pinaitang pinaglumaang kanin na nilagyan ng maalat na lasa.
Pwede namang magsaing na lang ulet ng bago, 'di ba? Bakit ba kasi kailangang magtyaga sa lumang kanin?
Basta, wala namang akong magagawa kundi sumubo na lang ng sumubo kapag nasa harapan ko na eh! Kukwentuhan lang naman ako ng tatay ko kapag nagreklamo pa ako.
Tapos lagi niyang sambit sa akin, "Maswerte ka at may sarili kang bahay na matutuluyan. 'Yung iba nga diyan sa labas, lamig na lamig sa ginaw tuwing gabi!"
Maswerte? Maswerte ba'ng makulong sa bahay?! Sila nga, may karapatang gumala-gala eh! Kahit sa gabi, pwede silang pumunta kung saan gusto nila. Hindi kagaya ko na laging inoorasan ng tatay kung anong oras uuwi at kung nakauwi ba ako ng sakto. Kinululong nila ako.
Tapos, sasabihing nilalamig sila sa ginaw tuwing gabi? Sana hindi na lang siya naglagay ng aplayanses sa kwarto ko para mainitan din ako gaya ng gusto niya!
Ay, ito pa! Trip na trip niya laging tinitignan mga grado ko sa eskwelahan. Ang iniiwasan kong mapansin niya 'yung mga gradong nagsisimula sa siyete! Ayun ang pinakaayaw niya sa grade.
Buti nga hindi bumagsak eh! Pasalamat siya nakakasebentipayb ako lage. Pumapasa naman ako. Hindi ko na kailangang umulit ng umulit.
"Anak, ang disiplina ay mahalaga sa pag-aaral," naalala kong sinabi niya ito sa akin nung pinabasa ko sa kanya ang sulat na pinadala ng guro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Isang Chalk Lang
Short StoryIlang damit ang meron ka? Anong klaseng bahay ang meron ka? Anong nakakain mo sa bawat umaga? Sinong gumigising sa iyo? Nakakapag-aral ka ba gaya ng dapat sa iyo? Kung oo, maswerte ka. Kahit gaano pa iyan kaunti, kahit gaano pa 'yan karami, lagi mon...