Akala ko meron 'yun pala wala
Akala ko pag-ibig' yun pala'y paghanga
Sulyap sa'yo, ako'y umaasa
Pagtingin mo pala'y isang akala
Oh kay lupit ni Ginoong Tadhana
Di ko alam kung ano ang ipaniniwala
Isip'y litong lito di alam ang gagawin ko
Ito nga bang pag-ibig ay walang angulo
Di ko alam ang patutunguhan nito
Bastat alam ko'y puro hinanakit sayo
Puso mo nga ba'y sintigas ng bato
Wala na akong alam sa nararamdaman mo
Landas man natiy nagkasalubong
Kailan ma'y di na muling magtatagpo
Ngayon akin ng nagpagtanto, walang tayo
Kundi Ikaw lang at Ako.
