Chapter 2: Section Royalty B

202 16 7
                                    

Si Denny, ine-expect niya ng may mangyayari sa Section C pagkat hindi natapos ni Densel gawin yung engine kahapon dahil sa pagmamadali sa kanya ni Denny. Kaya, alam niyang matatagalan pa bago makita ng mga estudyante, Royalties, ang loob ng University na 'to. Maging siya, hindi niya alam kung paano niya nagawa yung University.

Naghihintay pa rin ang Section A sa harap ng gate.. Yung B at C.. Unti unti ng naayos.. Naayos na rin naman.. Nagpatuloy na ang pagbabyahe ng dalawang bus na naiwan.. Sa Bus B muna tayo pumunta..

Ang Bus B ay merong proctor sa loob. Dapat lahat ng bus may proctor kaso naunang nakaalis ang Bus A kaya wala silang proctor.. Yung proctor nila ay isang babae na nagngangalang..

"Royalty B. May I have your attentions please." sabi ng kanilang proctor. Hindi pa lumalabas ang kani-kanilang laptop sa upuan. Mamaya pa iyon lalabas pag nasabi na ng kanilang proctor ang 'magic word' Nagtinginan naman lahat ng estudyante sa kanya.

"I'm your proctor. My name's Kimmy. Kimmy Villanueva." sabi ni Kimmy. Oo, si Kimmy na bestfriend ni Denny. Mali, ex bestfriend ni Denny. Tama ang hinala ni Denny na gagamitin lang ang kanyang kaibigan para lang makuha ang gusto niya. Shempre, kahit labag man sa kalooban ni Denny na tanggapin si Kimmy, mahal niya pa rin ito. Pero, hindi na tulad ng dati.

"Please read the guidelines in your laptops." sabi ni Kimmy. Nagtaka ang mga estudyante rito. Wala pa kasing laptops ang lumalabas..

Ang mga estudyanteng naririto ay sina..

Myka, Clarisse, Nelz, Sienna, Carter, Zy, Shaene, Xavier, Gwen, Lior, Arthur, Michelle, Alodia, Mimi & Tyler.   

Ang klaseng ito ay may 15 students lamang. Ganun rin naman ang C pero ang A ay may 18 students dahil may mga late enrollees na nakapasok.

Sumigaw si Tyler ng "Ma'am. Asan po yung laptops?"

Pagkasabing pagkasabi ni Tyler ng mga katagang yun bigla na lang lumitaw sa harapan nila ang mga laptops na kanina pa sinasabi ng kanilang instructor na si Kimmy. Nagulantang ang mga estudyante rito.. Hindi kasi nila inaasahan na magiging ganun ang kalalabasan nun.

"Remember students, read between the lines." sabi ng kanilang instructor na si Kimmy.

Nagsimula ng magbasa ang mga mag-aaral na nasa Bus B. Lahat sila ay tinapos ang pagbabasa. Kaya wala namang nangyaring iba pang pagkakamali. Lahat sila nakasagot sa form.

"Magaling kayo ha? Ngayon, magkakaron na tayo ng pagsusulit." sambit ng proctor ng B. Nagulat ang mga nandito. Dahil hindi nila aakalaing magkakaroon sila ng pagsusulit sa unang araw ng pasukan.

"Ma'am! First day pa lang naman eh!" sabi ni Michelle. Napatango ang iba pang classmates niya sa sinabi niyang ito.

"Kayo naman Guys! Grabe kayo. Parang isang katanungan lang para sa inyong lahat eh. Itatype niyo lang diyan sa laptop." sabi ni Kimmy. Biglang may nagpop-out na parang notes sa computer. "Diyan niyo ilalagay yung magiging sagot niya sa tanong ko."

Nagsimula na talagang SOBRANG mamangha ang mga estudyante. Napa-isip ang iba, yung iba naman ay kinakabahan sa itatanong ng kanilang proctor.

"Kung makaranas man kayo ng maloko ng inyong tinuturing na matalik na kaibigan at ng iyong boyfriend/girlfriend, ano ang mararamdaman mo at ano ang gagawin mo?" sa pagsasalita ni Kimmy. Parang natamaan siya rito. Hindi niya naman dapat gagawin yun eh kaso nga mahal na rin niya ang boyfriend ng kanyang matalik na kaibigan.

Nagsimula ng magtype ang mga estudyante. May mga seryosong sagot, meron din namang hindi seryoso. Napaalis na lang ng tingin si Kimmy sa kanyang mga estudyante. Naiilang na din kasi siya.

Royal UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon