KINABUKASAN
Pumunta si Celine sa isang restaurant sa Makati. May casual meeting siya sa isang client.
Hindi ugali ni Celine na mauna pa ang kliyente sa meeting place kaya every may ganitong klaseng meeting ay inaagahan niya talaga ang pagpunta. Pumili na siya ng pwesto sa restaurant . Wala siyang kamuwang-muwang na tinitingnan pala siya ng lalaking nagngangalang Vincent sa kabilang table. Oo, tama. Ang Vincent na tinutukoy ko ay ang Vincent na modelo sa Elite Manila.
Lumapit sa kanya ang naturang lalaki.
"Hi! Do you remember me?"
Tiningnan ni Celine ang nagsalita. "Yes of course! How can I forget about you Mr. de Vera." Celine was surprised by the fact na nakita na naman niya ang lalaking laman ng isip niya magdamag.
"I suppose you are alone, would you mind if I join you?" tanong ni Vincent.
"Actually may kameeting ako pero wala pa naman siya kaya pwede ka munang maupo habang hinihintay ko siya." Sabi ni Celine.
Tingnan mo nga naman ang buhay! What a small world after all. Thank you Lord! Itodo muna to!
"So... Is everything okay? I mean, about sa car mo. Wala man lang ba akong nasira or ikaw... I mean... kumusta ka? Hindi ka ba nasaktan?" panimula ni Vincent trying to make a conversation.
"About that... there's no need to worry about. I'm fine. Hindi rin naman nagasgasan ang kotse ko. Ahm... ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
"I was with my colleagues' kanina. We've been discussing a lot of things about our next project. Mayron kasing isang pictorial for the Elite Manila na parang tagilid... Oh! Nevermind. " putol na paliwanag ni Vincent.
"No... I mean alam ko naman na modelo ka. Iyon kasi ang nakalagay sa calling card na ibinigay mo." Tumingin si Celine sa kanyang paligid. Naalibadbaran siya sa mga babaeng nakatitig sa lalaki.
"Would you mind if I will invite you for a dinner tonight?"
Would you mind... would you mind... YES I mind! Ano ba naman... iyan ang hinihintay ko. Iyong damoves mo. - syempre sa isipan lang iyan ni Celine.
"Bakit mo naman ako iniimbitahan for a dinner?" - Celine... Siyempre pakipot muna noh!
"Sabihin na lang natin na gusto kong bumawi sa nagaw kong inconvenience kahapon." Ngiti ni Vincent.
Uy! Hwag naman ganyan... natutunaw ako eh. Dimples pa lang ulam na. Parang si Alden lang pero ang ipinagkaiba chinito lang tong kaharap ko. I can be your Maine naman kung sakali. - sa isip ni Celine.
"Kakushin Shite" ang biglang sagot ni Celine.
"Hmm?" tanong ni Vincent.
Oo nga pala. Hindi pala nito alam na Haponesa ako... - Celine
"Ahmmm. I mean. Sure... why not!" nabubulol na sabi ng dalaga.
Muntik na iyon ah. Naku Celine! Nakakita ka lang ng gwapo nawala na sa isip mo ang pagdidisguise. Mahiya ka sa balat mo hoy!
DINNER
"Wala bang magagalit kung may iba kang kasamang lalaki?" panimula ni Vincent.
"Wala naman... hindi naman magagalit ang lolo ko. At matagal nang wala ang parents ko." Nagtatakang sambit ni Celine.
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin kung may boyfriend ka ba?"
Muntik ng maibuga ni Celine ang iniinum na juice.
Ang bilis naman ng kumag nato. Di bale, gusto ko naman eh!
"Ah! Wala... wala akong boyfriend." Sagot ni Celine.
"Talaga?!" hindi makapaniwalang sabi ni Vincent.
"Oo. Mukha ba akong nagsisinungaling. Sa ganda kong 'to? Over my seductive body..."
Napatawa ng malakas ang binate dahil sa tinuring ng dalaga.
"Oopsss. Sorry! Paminsan-minsan talaga dire-diretso lang ang bunganga ko sa pagsasalita." Hinging paumanhin ni Celine. Ano ba naman yan Celine! Nakakaturn off ka. Dapat dalagang Filipina! Pigilan mo iyang bibig mo...
"No, it's okay. I find it cute..." hindi pa rin mapigilan ni Vincent ang mapangiti sa narinig kanina.
Marami pa silang pinag-usapan ni Vincent. About each other's careers. Syempre hindi niya sinabi na siya ang may-ari ng Fuerto Philippines Corporation (FPC). Ang alam lang ni Vincent ay nagmamanage siya ng kanyang malaking boutique sa Quezon City at stockholder siya ng isang kumpanya na pagawaan ng mga tela at iba pang garments. Totoo naman ah. Dalawa ito sa mga negosyo na minamanage niya under FPC. Syempre kaylangan niyang magsabi ng partly totoo dahil magtataka namn si Vincent kung isa lang siyang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas, eh nagmamay-ari siya ng Lamborghini Aventador. Magmumukha siyang sinungaling no'n no. Pero wala siyang balak sabihin sa lalaki ang totoo niyang pangalan ang pagkatao. Mahirap na ang magtiwala. Nasa paligid lang ang mortal na kalaban ng kanilang pamilya.
"Hatid na kita." Yaya ni Vincent.
"Ha! Naku hwag na. Ang ibig kong sabihin ay may kotse naman akong dala. Maybe next time." Ayun nadulas na naman ang dila mo Celine. Ano ba ang gusto mong ipahiwatig na gusto mo pa ng may next time.
"Okay, next time then." Sabi ni Vincent sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Matamis okay! Walang kokontra! Ako ang author kaya huwag kayong epal.
Papasok na sana si Celine sa kanyang sasakyan nang tanungin siya ni Vincent kung pwede ba nitong hingin ang number niya. At walang pakundangan ibinigay naman niya. Exchange numbers kumbaga.
"Seikō! Watashi wa hontōni sutekina! (Success! Ang ganda ko talaga!)" sabi ni Celine nang pumunta na ang binata sa minamanehong kotse.
BINABASA MO ANG
Paano ba Magmahal sa Pagitan ng Kasuklaman
RomancePaano kung isa kang tagapagmana ng isang kinatatakutan at niluluhuran na angkan? Si Hanela Kohiwa ay isang pure hapones na itinago ang kaniyang totoong katauhan dahil sa kanyang masaklap na nakaraan. Ngunit dumating ang araw na siya ay umibig sa isa...