Chapter 2

24 1 1
                                    

KINAGABIHAN

Habang tinitingnan ni Hanela ang picture ng kanyang ina at ama, siya'y naluha at iyon ay nakita ni pinunong Teshi.

"Naze saiai no mago ga nakimasu ka? (Bakit umiiyak ang pinakamamahal kong apo?)" tanong ni pinunong Teshi.

"Watashi wa chōdo sono mama to papa o oboete imasu. (Naalala ko lang po sina ina at ama.) Siguro kung buhay pa sila, ang saya-saya siguro natin ngayon." Sambit ni Hanela.

"Sadyang ganyan ang buhay apo. Minsan masaya, minsan malungkot. Siguro iyon ang itinadhana ng Poong Maykapal para maging balanse ang mundo."

"Eh bakit sa lahat ng tao dito sa mundo sila pa ang nawala. Ang dami naman diyan na pwede niyang kunin. Bakit sina mama at papa pa." singhot ng dalaga.

"Maswerte nga tayo apo, marangya ang pamumuhay natin. Bakit, hindi ka ba masaya sa kalagayan natin ngayon?"

"Hindi ko naman kaylangan ang lahat ng ito. Hindi ko kaylangan ng yaman at kapangyarihan. Ang tanging gusto ko lang ay maramdaman ang pagmamahal ng magulang. Kasi naman bata pa lang ako , kayo na ang nag-aruga sa akin."

"Ang mas mabuti pa matulog ka na. Di ba ang dami mo pang aasikasuhin sa kumpanya?"

"Lolo naman, you turn around the usapan eh!" maktol ni Hanela.

"Kasi naman senti mode ka na naman diyan. At tyaka Hanela, huwag na huwag mong gagamitin sa labas ng bahay iyang baluktot mong Ingles, baka akala pa ng mga tao hindi kita pinag-aral sa magandang unibersidad." Sermon ni Lolo Teshi.

"Eh minsan lang makapagdrama, hayaan niyo na." sambit ni Hanela sabay kamot sa kanyang batok.

"Sige at pupunta na ako sa aking silid. Matulog ka na din diyan. Ang pangit mo na sa kaiiyak. Wala akong apong pangit. Maganda kaya ang lahi natin." pagmamayabang ni lolo.

"Ok po. Goodnight po gwapo kong Lolo!"

Natawa na lang si pinunong Teshi sa sinabi ng kanyang dalagang apo.

KINABUKASAN

Kapag nasa labas ng mansion si Hanela, ang pangalan na ginagamit niya ay "Celine Fuerto."

Pauwin na si Celine sakay ng kanyang red Lamborghini Aventador nang may isang kotse na malapit niyang makabanggaan kung hindi lang siya umiwas dito.

Lumabas siya ng kotse at magtatalak na sana nang lumabas ang may-ari ng kabilang sasakyan na black Bugatti Veyron pa pala.

"Aba mayaman!" sabi ni Celine sa kanyang sarili.

Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa.

"At tyaka gwapo ha. Ang kinis! Ang ganda din ng pangangatawan. Kung sinswerte ka naman talaga Celine. Makakajackpot ka dito." Dugtong ni Hanela sa kanyang isip.

Lumapit sa kanya ang lalaki.

"I'm sorry Miss! I'm just too preoccupied. Look, I have an important meeting to attend to. Here's my calling card in case you have some concerns regarding the incident." Hinging paumanhin ng lalaki sabay abot ng kanyang calling card.

Tinanggap naman ito ni Celine. Talagang nagmamadali ang lalaki dahil pagkatapos ibigay sa kanya ang calling card ay kumaripas na ito.

"Sayang hindi man lang niya pinagmasdan ng mabuti ang beauty ko!" maktol ni Celine.

Tiningnan niya ang pangalang nakalagay sa calling card.

"Vincent Monteverde. Model of Elite Manila? Model... pero ang mahal ng sasakyan?! Ah... baka naman mahal ang TF Celine! Gamitin din ang utak paminsan-minsan Celine." Bulong-bulong ni Celine sa kanyang sarili.

NOTE: Pilipinas ang setting natin guys. Nasa Pilipinas nakatayo ang kumpanya ni Hanela, ang "Fuerto Philippines Corporation (FPC)" FPC services clients with its extensive global network of human, financial and technological resources. Its operations encompass domestic, import, export and offshore trade, turn-key project management, risk management, finance, logistics, Build-Operate-Transfer projects, joint ventures and investments in various industries such as telecommunications, information technology, power, agriculture, transportation, construction, metals, and much more. IN SHORT, sobrang yaman ni Celine.


Paano ba Magmahal sa Pagitan ng KasuklamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon