Chapter 1

40 0 4
                                    

Marielle's POV

"You may now kiss the bride." Waaaah! Finally! Hahalikan na niya ako! Pumikit ako at hinintay ang paglapat ng labi niya saakin at I can fee---

"AYUMI MARIELLE BUENAVISTA!" Ay! Epal talaga tong best friend ko eh. Ang ganda ganda na ng panaginip ko tapos bigla akong gigisingin!

"Oh?! Basag trip ka talaga." Inirapan ko siya at kinusot ko ang mata ko, hindi ung eyeballs ah! Wag kayong pilosopo dyan.

"Anong balak mo? Matutulog ka na lang ba diyan? O uuwi na? Fyi, tayo na lang ang natitira dito dahil kanina pa ang dismissal." Tumingin ako sa paligid at tama nga siya, kami na lang ang nandito.

"Hehe! Ang tagal ko pa lang tulog." Nag peace sign ako sakanya and this time, siya naman ang nang irap. PMS? Sungit naman neto.

"Buti alam mo! Tumayo ka na bilis. Dumidilim na oh." Kinuha ko na ang bag ko at nagsimula na kaming maglakad palabas.

"Bakit kase ngayon mo lang ako ginising? Wrong timing ka kahit kelan! Mag kikiss na dapat kami ni Xander my loves so sweet eh." Good thing dahil pwedeng lakarin ang bahay namin from school, malapit lang naman din.

"At kasalanan ko pa talaga ha? Kanina pa kaya kita ginigising pero ikaw tong tulog mantika! Kaya kasalanan mo yan kung bakit sa part na yun ka pa nagising at isa pa pw---" Eto na naman siya. Magiging armalite na naman ang bunganga niya, kabisado ko na nga yung linya niya parati eh.

"Pwede ba, tigilan mo na ang pagpapantasya dyan kay Xander kase kahit anong gawin mo hinding hindi ka niya mapapansin." Ako na ang nag dugtong sa sasabihin niya at eto na naman, nagtuloy tuloy ang pag agos ng luha ko dahil narealize ko na naman na hindi talaga pwede. I'm really sensitive. Ang babaw pa ng luha ko pag involve ang unrequited love ko para kay Xander. Five years kong crush yun eh!

"Ayumi, ala--- Oh my geee! Bakit ka umiiyak?" Hindi ba obvious? Kung sensitive ako, eto namang best friend ko ang insensitive.

"A-alam ko naman na kahit tumalon pa ako sa Eiffel tower wala pa din siyang pake. Alam ko naman na kahit lumuha pa ako ng dugo hindi niya pa rin ako mapapansin pero sana naman Shan, suportahan mo na lang ako! Best friend kita eh tapos ikaw pa tong hindi susuporta sakin? Kahit magpanggap kana lang na gusto mo siya, kahit ano basta wag lang tong harap harapan mong ipinapamukha sakin na hindi kami pwede! Na hindi kami bagay! Masakit Shanaia, best friend kase kita eh." Pinunasan ko ang pisngi ko pero lintek na luha to! Ayaw papigil eh. Ang sakit na eh! Putspa! Niyakap naman niya ako tsaka niya tinapik tapik ang likod ko at dahil doon kaya lalo akong napaiyak, napaka iyakin ko.

Price For The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon