chapter five -Out Of Choices

1 1 0
                                    

Ang tagal bago ako nakapag update. My apologies. I kinda lost my track, at napafocus din ako sa other story ko na 28 weeks of moving on.

Ayon. So in return, dalawang chapters ang iuupdate ko ngayon. Rest assured din na maguupdate ako more often.

Okay ang daldal ko.

another thing, may bago akong story, entitled as "memories for sale" sana suportahan nyo.

Love ya'll ♥ ~hayi
★★★★★

Aikeen's POV

Nagising ako at isang sulat ang bumungad saakin.

Dear aikeen:
Mahal Kita alam mo yan, but sorry I can't help you with that thing that's invading your mind right now. Hindi naman sa iniiwan Kita sa ere. I just don't want to stay for another night in your house. Hindi ako makatulog. Tutulungan Kita sa ibang bagay, but not with that lata -thingy na yan. Hope you understand.

Love: Your Best friend since diaper days. Sammy.

I understand her. Wala naman na din akong choice dahil wala na sya sa bahay, hindi na ko makakapagmakaawa. I guess I need to solve this alone. I hate my curiosity, ginawang kumplikado ang buhay ko.

Bumangon ako at nag ayos ng sarili. Nakalimutan ko na nag aaral pala ko. Akalain nyo yun, lumipat lang kami ng bahay, nawala na yung sipag ko sa pag aaral.

"Mom, I'm going to school." Paalam ko kay mama.

"You're not thinking of skipping breakfast, do you?" Nagulat ako at kinilabutan sa boses ng step dad ko.

My dad died when i was eight, ni minsan hindi ako nakaramdam ng ganito sakanya. Pero siguro dahil hindi pa ko dalaga 'nun kaya hindi sya ganun kahigpit saakin.

"But I'm late, I don't have time to sit down, grab my food, and do morning chit-chats." Paliwanag ko sa paraang napakalumanay na boses.

Tumango-tango naman ang step dad ko. Kinuha nya ang Ziploc bag at inilagay ang almusal doon. "Since ayokong may nasasayang tulad ng pagkain at effort ng mama mo, then bring all these to school. Doon mo nalang kainin."

Why do I always end up having no choice? Nung una kay Sammy, ngayon naman sa step dad ko.

Lumabas ako ng bahay na may inis. Imagine isang college student, may dalang lunch box. Mabubully ako nito for sure.

"Baka naman habulin ka ng plantsa. Lukot na lukot ang mukha mo." Sumulpot ang isang napakagwapong nilalang sa harap ko. "Papasok ka na? Sabay na tayo."

May something kay Ronjay ngayon. Kung ilang araw kong nasilayan ang malamig nyang mata, ibang iba ito ngayon. Daig pa nya ang batang nasabihan na isasama sa jollibee. Sobrang saya nito.

"Wag na" Pagtanggi ko, inilagay ko din sa likod ang nakakahiya kong lunchbox.

"Oh C'mon, malalate ka nyan. Walang nadaan na tricycle palabas ng subdivision, tapos hassle ang aabutin mo bago ka makasakay paglabas mo. Isipin mo nalang, nahirapan ka na maglakad, mahihirapan ka pa bago ka makasakay ng jeep. And being a gentleman, magi-guilty ako. Pag pa naman nagi-guilty ako hindi ako makakain. Tapos nagugutom ako, tapos magkakaulcer ako. Then I'll eventually die. See? Dahil lang hindi ka sumabay saakin ang sama ng naging epekto. Kakayanin ba yon ng konsensya mo?" My mouth went hanging. May kadaldalan palang taglay ang isang ito.

Napatingin sya sa kanyang relo. "Oh no, its 5 minutes till 8am. We're running late."

Again. WALA NANAMAN AKONG CHOICE. Ugh, I hate these three people. Dumagdag pa 'tong Ronjay na 'to.

the stranger's confessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon