chapter six -Trying to get his mask off

2 0 0
                                    

Aikeen's POV

Ako siguro yung weird at na-misinterpret ko yung sinabi ni Ronjay.

"Finally, makakakain na din ako ng pagkain na hindi galing fast-food. Yung klase ng pagkain na may mother's touch." Sabi nya kahit punong puno ang bibig nito.

He's not referring to me nung sinabi nyang "can I eat you". Sa lunchbox ko pala sya nakatingin no'n. Masyadong lang akong tanga at nag-fi-feeling. Bakit naman nya ko kakainin di ba? Hindi naman ako dessert.

"Bakit nasaan ba ang mga magulang mo?" Tanong ko at sinagot nya ko ng isang iling.

Kilala nyo ko, may imbakan ako ng curiosity at hindi ako natatahimik pag may hindi nasasagot na kahit isa sa mga katanungan ko.

I'm about to release a word pero naunahan nya ko.

"Have you ever heard of the famous saying 'curiosity killed the cat'" balik na Tanong nito saakin.

"Well I'm not a cat. And may I remind you, you're currently sharing with my food. My Food!" Sagot ko. Hindi naman ako madamot pero dahil pinagdadamutan nya ko ng sagot -I can be one.

"May I remind you too, I saved you earlier. Pinasakay Kita sa kotse ko, whereas hindi ka na naglakad ng milya-milyang layo. I dropped my Parker pen para meron kang excuse for your 'illogical', stupor, unintelligent actions. Did I ever received a piece of gratitude? Wala diba? Now we're even. I have my rights to eat your food." He said.

Sa totoo lang wala akong naintindihan sa sinabi nya dahil nangibabaw sa tenga ko yung mga salitang 'illogical' 'stupor' at 'unintelligent'. Hindi naman ako mangmang. At sa pagkakataong 'to, ipinaramdam nya sakin na isa ako sa hanay ng mga 'yon.

Tumayo ako at tumakbo paalis. I admit, I'm a sensitive bitch. Ayoko ng nasasabihan ako ng masasakit na salita. Judgement breaks my heart. Hindi kasi ako sanay sa mga gano'n.

I ran so fast even when I didn't really know where I'm going. Bahala na kung saan ako dadalahin ng pesteng mga paa ko. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mapagod na ko.

I stopped when I couldn't find air to breathe.

"I didn't know that you're a heck of Stan Lee's creation. You're a superhuman. Ang bilis mo tumakbo" sumulpot nanaman sya sa tabi ko. Hindi ko man lang naramdaman na sumunod sya saakin.

"Ano ba? Hindi mo ba ko lulubayan? Kinain mo na yung pagkain ko di ba? Please tantanan mo na ko." I plead.

"I can't-" yumuko ito at kinabahan naman ako. Anong ibig nyang sabihin? He can't? Hindi nya ko kayang lubayan? Bakit? Sa maikling panahon ganoon ba ako naging ka-special agad sa kanya?

"Magkaklase kasi tayo. I didn't know kung saang room tayo papasok."

Boom. Monster kill. Ang assuming ko kasi.

Nasapo ko ang noo ko. Baka tama nga siya. Nasa hanay nga ata ako ng mga illogical, stupor, unintelligent people.

"Look, I didn't mean to offend you. Akala ko kasi close na tayo kaya pwede na kitang biruin ng ganun. But I guess I assumed too much." Nakakaspeechless na saad nito.

Kami? Close? Agad? Kelan lang ba kami nagkakilala?

"I know I'm weird kasi dikit ako ng dikit sayo. Wala naman akong masamang intensyon. Ugh. Why am I even saying all these, you won't listen anyway." Tumalikod na ito mukhang nagmamakaawa pa.

Para itong isang pain at sinusubukan ako nitong Ronjay na 'to kung kakagat naman ako.

"For petesake aikeen pigilan mo naman ako. Mahabag ka nga." Wika nito.

Sabi naman sainyo, umi-i-style lang ang isang to. Kung hindi ka lang talaga gwapo Ronjay.

"O sige na, room 402A tayo. Major 2033." Saad ko. Nilulubos ng isang to ang kawalan ko ng choice.

Nagliwanag naman ang mukha nito. Bakas sa mukha nya ang saya habang naglalakad kami.

Ibang iba sya kumpara sa unang pagkakakilala ko sakanya. Ang malamig nyang mata na ngayon ay dinaig pa ang batang nabiyayaan ng regalo sa sobrang saya. Ang pagiging rude nya noong una ko syang nakasabay sa paglalakad, ngayon ay napalitan ng childish at friendly na side nya.

Alin sa dalawa ang totoong si Ronjay? Nahihiwagaan ako sa pagkatao nya.

Natapos ang klase namin at sabay kaming umuwi. Nakisakay na ko sa sasakyan nya tutal sa parehong subdivision naman kami nakatira.

"Ronjay, diba we're friends na?" Pa-conyo kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaimpress sa isang 'to. Ang talino nya kasi, at pakiramdam ko dapat gumamit ng utak pag kausap ang isang tulad nya.

Unlike Sammy my bestfriend na napakahopeless romantic. Ugh! I'm really not planning to tell her what my day went. Lalo na't si Ronjay ang kasama ko, baka kung anong isipin nanaman ng kinakalawang na utak ni Sammy.

"Oo- yata? It's up to you. But I guess hindi ka naman sasakay sa kotse ng isang estranghero di ba? So yeah. We're friends." Sabi nya habang tuloy lang sya sa pagmamaneho.

"So, tell me paano ka nakakuha ng driver's license?" I asked. Nagsalubong naman ang kilay nito. "The last time, sabi mo you're 17. Apparently, mas matanda ako sayo dahil 18 na ko. And still, naunahan mo pa ko magkaroon ng lisensya?"

"Did I say I'm 17? Silly me. What I really meant was I'm 18. And even we're raging on the same age, the real question here is 'can you drive'?" Pabalik nyang Tanong. Okay okay, hindi ako marunong magdrive, sya kaya na nya. That makes sense.

"I have another question? Braze yourself because I'll ask not just one." Authocratic na sabi ko. Diba parang ang talino lang ng English ko? Ganito talaga kumausap sa matalinong tulad ni Ronjay.

"Is this a talkshow? Presscon perhaps? Are you a press? Detective? Haha. Alright.. Stir!" Kung hindi lang kami maaksidente jojombagin ko talaga 'to.

"First. Where's your family? May mga kapatid ka ba? Malalapit na kamag-anak? Asan sila? Bakit parang mag-isa ka lang sa napakalungkot mong bahay?" Mabilis na Tanong ko.

"Woah, slow it down. My mom and dad are on states -probably doing their work. Kapatid? Wala, only fortunate child. Relatives? Well, hindi naman nila ako ina-acknowledge na kamag-anak so I don't care about them. Bakit ako mag isa? I mentioned it all. Use your logic at malalaman mo kung bakit." Walang preno nyang sagot. What will I expect eh matalino nga.

"Second, gaano ka na katagal sa subdivision na yan?"

"Since diaper days I guess?"

"Last, you happened to know someone who's name is Mela?"

Then he stopped the car. Biglang preno! kung wala akong seatbelt baka sumubsob ako.

"Baba." Sabi nito ng hindi tumitingin saakin para man lang i-check kung buhay pa ako.

"Teka, may nasabi ba akong nakakaoffend?"

"Wala. Bumaba ka na ipapark ko na 'to." Lumingon ako, nasa bahay na pala kami. Ni hindi ko man lang napansin, siguro gawa na din sa kakatanong ko.

Bumaba na ako at hindi nagpaalam o nagpasalamat sa kanya. Muntik na nya kaya akong mapatay!

I guess it's really hard to get off someone's mask. Lalo na 'tong kay Ronjay. He's too unpredictable. And I also guess na dapat bawasan ko na ang pagiging curious ko tungkol sakanya. Muntik na kong mamatay kanina. Maybe he's right 'curiousity can kill a cat'

the stranger's confessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon