June 19,2015 (Saturday)
"Sinong sasabay papuntang Puregold?" Presinta ni Gab habang nag bubukas ng payong. Sobrang lakas kasi ng ulan.
"Pearl, may masasabayan ka na ba?" Tanong ni ate Kath na anak ng instructor namin.
"Ah ate kath, kay Gab nalang po ako sasabay. Papunta din naman akong puregold." Kahit hindi XD.
"Ah sige. Ingat kayo ah."
"Opo. Gab! Pasabay akooo!!" Sigaw ko kay Gab kasi paalis na sya.
"San punta mo?" Tanong ni gab na naging dahilan ng pag ka kabado ko.
Hindi naman kasi talaga ako pupuntang Puregold. Gusto ko lang talaga syang makasabay.
"Sa puregold."
"Anong gagawin mo sa Puregold?"
"May bibilhin."
Shet kabadong kabado nako...
"Weh? Baka nang chachansing ka lang jan?"
Shems bakit alam nya? Mind reader ba to?
"Hoy assuming! Di noh! Di naman ikaw ang crush ko eh! Pero kilala mo sya. :D"
sana tumalab ang palusot ko.
"Eh? Talaga? Sino?" He started guessing.
"Hmm, si sam? Si Drew? Si Jasper?"
"Nope, nope and nope."
Hala sino kaya sa mga ka team namin ipapalusot ko? Ah alam ko na!
"Sino nga kasiii?"
Haha naiinis na yata sya."Si Dwayne."
And he was shocked.
"Arny! Crush daw ni Pearl si Dwayne! Hahaha"
"Shems! Bakit sinabi mo dun!? Laaah!!" Tinawanan lang ako.
**kinabukasan**
Takbong takbo si Gab pag dating ko sa training grounds.
"Pearl! May sasabihin ako sayo. Sinabi ni Arny kay Dwayne." Oh no!!!!
"Lah! Patay. Huhu pano nako netooo.."
"But the good news is, sinabi kong joke lang and he believed me!"
"Buti kung ganon. Thanks a lot Gab."
-----------**After that, i texted him. Nag pasalamat ako. Then dun na nag simula ang aming friendship!!!
Oo nga pala, Pearl Chandrei De Leon at your service hihi!
~×~×~×~×~×~×~×~×~×~~~
Author's note: hi sa nag babasa nito! ✋ sana basahin mo sya hanggang huli ah. Wag ka nang gumaya sa mga ex bestfriends kong nang iwan. Haha salamat sayo reader. Nabigyan ng buhay ang aking istorya. Hahaha. Love lots!
-Miss M
BINABASA MO ANG
5 Months Left
Teen FictionPaano kung yung bestfriend mo, aalis na ng bansa? Anong mararamdaman mo? Paano kung pag alis nya, kalimutan ka nya? Anong gagawin mo? Paano kung hindi pala best friend ang turing nya sayo? May magagawa ka pa ba? Ako, hindi ko alam. Basta ang alam k...