HEADQUARTERS: TOWER OF REFUGEE
Si Irisa ay matagal nang nakatayo sa harap ng laboratory ni Dr. Giro. Nagkikislapang mga sahig at mga modernong kagamitan sa medesina ang natatanaw nito mula sa labas. Matitingkad na mga flourescent lights ang nakahanay sa itaas ng kisame habang nakatingin ito sa iisang kama. Naroon ang mapayapang natutulog na si Leon. Sa mga oras na yon hindi maalis sa kanyang isip ang bawat katagang kanilang napagusapan buhat noong iniligtas nya ito. Gustuhin man itong tanungin pa ng mga ilang katanungan ngunit napagpasyahan na lamang muna itago pansamantala at ipagkaloob kay Dr. Giro ang pagpapagaling nito sa kanya.
Si Dr. Giro ang namamahala sa mga gawain operasyon at iba pang eksperemental na medisina sa loob ng tore. Makikita ito sa ikatlong palapag ng tore kung saan sakop ang lagpas kalahati ng buong palapag dahilan upang maalalayan ang ilang pasyente nakakaranas ng Amnesia Syndrome. Isa sa mga natural symptoms kapag nagising ka mag-isa sa loob ng isang tore. Hindi dahil sa physiological brain damage na natamo sa loob ng tore. Dahil ito sa berdeng usok na nalanghap mo pagkapasok pa lamang sa loob ng tore. Ang amnesia ay isa sa mga kondisyon makakaranas ka ng pagkalimot. "Either short term or long term amnesia". ang natandaang mga payo ni Dr. Giro kay Irisa. Si Irisa na rin ang naging assistant ni Dr. Giro simula nang nakaranas ito ng Amnesia Syndrome. Lahat ng namalagi sa tore ay nakaranas nito. Ang iba ay hinayaan na lamang ito at nagsimula ng panibagong buhay sa loob ng tore. At isa na doon si Dr. Giro.
Patuloy pa rin ang pagtuklas ng lunas sa A.S. Bagamat ilang beses na nito sinubukan ay hindi pa rin ito sumusuko. Dahilan na rin sa pagtatag ng Special Squad Rescue Operation. Naisipan ni Dr. Giro na humingi ng tulong kay Irisa sa pamamagitan ng pagtuklas ng kahit na anumang halaman na natatagpuan sa loob ng tore. Unang natuklasan sa mga ilang misyon habang lumilibot sa paligid ng tore ang halamang Datura Stramonium. Nagkakalat ang mga uri nito sa iba't ibang palapag ng tore. Makikita ito sa mga dingding na halos pumapalibot ang mga ito. Kakaiba ang uri nito at base na pananaliksik ni Dr. Giro, ang halamang ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng toxicity. Na ayon kay Dr. Giro na ito ang sanhi ng berdeng usok na umaaligid sa buong palapag ng tore.
Ngunit hindi rin tumagal nang marating ng SSQR ang tuktok ng tore ay nagkalat ang mga halamang Dark Rosemary. Pamilyar ang itsura nito na makikita sa ibang lugar ngunit kakaiba lamang ang kulay nito. Ayon kay Dr. Giro ang Rosemary ay may kakayahang makapang-galing sa makakalimutin. Ngunit ang kulay na itim na ito ay tinatayang triple ang katumbas na epekto sa isang tao. Sa huling misyon naisagawa ni Dr. Giro ang second test para sa Dark Rosemary. Apat na beses ang epekto kaysa sa naunang test. Kaya malaki ang inaasahan ni Dr. Giro na magtatagumpay ito sa pangalawang test. Ang unang test na pinagtagumpayan nya sy si Irisa. Ngunit bumalik lamang ang alaala nito hanggang limang taong gulang. Maliban doon wala na itong maalaala na kahit ano.
Sumagi sa isip ni Irisa ang huli nilang pag-uusap sa loob ng lab kasama ni Dr. Giro. Sumang-ayon ito dahilan na naging matiwasay ang unang test nito kay Irisa. Kaya kung gagawin na apat na beses ang epekto nito ay may kakayahang ito makabalik ang alaala hanggang sa edad na dalawangpu base sa theoritical hypothesis ni Dr. Giro. Dahilan rin na naging mabilis na nakumbinsi si Leon.
Bumukas ang pinto na gawa sa babasaging salamin. Sa kanyang harapan lumabas si Dr. Giro. "Ms. Irisa, maaari ka bang pumasok pansamantala?" ang wika ni Dr. Giro. Halata sa boses ang kanyang pagkakatanda dahilan sa malalim at sa buo ang tinig ng kanyang pagsasalita. Sumunod si Irisa sa likuran habang papalapit ito sa EEG Monitor. "Irisa, Ito ang EEG. Ang EEG ay kumakatawan sa salitang Electroencephalography. Inirerekord nito ang galaw ng iyong utak. Kung pagmamasdan mo ang dalawang kulay sa monitor. Ang kulay asul ay ang normal brain activity nung nagumpisa pa lamang tayo. Ang kulay pula ay ang current brain activity pagkatapos natin sinimulang ang paggamot." ang salaysay ni Dr. Giro.
BINABASA MO ANG
Si Leon At ang Tore Ng Mga Lihim
Mystery / ThrillerSa taong dalawang libo't labing anim. Isang sekretong grupo ang naitatag sa kasalukuyang oras upang mapangalagaan ang katiwasayan sa lugar ng Maynila. Samahan nating maglakbay at tuklasin ang misteryong bumabalot sa sekreto ng Maynila sa panahon ng...