Episode 3

21 1 0
                                    

Lumutang sa kawalan ang hubad na katawan ni Leon sa himpapawid at hinayaan na lamang nitong gumalaw ng magisa. Hindi batid ni Leon kung saan ito tutungo. Isang lugar kung saan ang bawat paligid ay nakikita nito ang kanyang sarili. Nabatid ni Leon na ito marahil ang kanyang mga alaala dahil tandang tanda nya ang lahat ng mga ito. Ngunit patuloy pa rin ang paglipad ng kanyang katawan patungo sa madilim na bahagi na walang anuman itong makita. Isang lugar kung saan nababalutan ito ng kadiliman tanging ang sarili na lamang nya ang kanyang naaaninag. Lumipad ito ng lumipad habang nakalutang ang buo nitong katawan hanggang nagkaroon ng bahagyang sinag mula sa taas. Makukulay na sinag na tila isa itong bahaghari sa kalawakan. Mga sinag na nagdudulot ng epekto sa bawat paligid. Unti unting nagkikintaban ang mga ilang bahagi sa kanyang paligid hanggang nagkaroon ito ng matinding liwanag. Ang paglalakbay nito sa kanyang mga alaala ay nagbukas pa ito ng mga alaalang hindi nya ito maintindihan. Mga sari saring pangyayari na labis itong ikinabahala ni Leon dahilan sa hindi nya maalaala ang mga ito. Nabatid nya marahil, ito ay isang parte ng kanyang buhay. Dahil ang lahat ng kanyang naaaninag ay naroon ang kanyang sarili.

Patuloy pa rin ang paglalakbay ng kanyang katawan sa malayo pang lugar. Mabilis ang galaw at batid ni Leon na may nais itong puntahan kung saan. Mga kaalamang gustong ipabatid ang kanyang mga alaala. Gusto nya itong malaman, uhaw si Leon sa mga katotohanang naganap sa kanyang pagkabata. Dahil lumaki ito magisa at nagkaroon lamang ng ulirat sa edad na limang taong gulang. At bukod dun naging mahirap ang kanyang pamumuhay dahil sa wala na itong nagisnang mga magulang. Uhaw ito sa mga alaalang gusto nitong malaman ang mga katotohanang ipinagkait sa kanya.

Lumipad ang kanyang hubad na katawan sa himpapawid na tila itong ispiritu dahil naglalakbay ito sa itaas ng ulap. Tumatagos lang ang lahat ng kanyang nasisilayan. Napansin ni Leon na unti unti nang nawawala ang mga makakapal na ulap. Tumambad sa kanyang ibaba ang malawak na syudad. Halo halong mga gusali. Sa itsura ng mga ito ay pamilyar ito sa mga hugis at lokasyon. Ito ang syudad ng maynila. Ito ang syudad kung saan sya lumaki, nag-aral at kasalukuyang pinagpapatuloy ang kanyang pamumuhay. Ang lahat ay tandang tanda nya. Maliban sa isang bagay kung saan kusang huminto ang kanyang katawan. Mabilis bumulusok paibaba ang kanyang katawan mula sa himpapawid.

Isang malaking tore ang kanyang nakita sa kanyang harapan. May mga iilang tao ang nasa paligid at tila nag-aabang. Muli kusang kumilos ng mabilis ang kanyang katawan at bumubulusok ito patungo sa isang malaking pader. Nakaramdam si Leon ng takot. Takot na mabangga sa isang malaking pader sa kanyang harapan. Ngunit naalala muli nya na marahil ay tatagos lamang ang katawan nito sa pader na iyon. Hinayaan na lamang ni Leon gumalaw ang kanyang katawan.

Nagkatotoo ang inaasahan nitong mangyari. Kusa lamang itong tumagos sa malaking pader at ang buong paligid ay biglaang nagdilim. Pinilit ni Leon maaninag ang kanyang mga natatanaw. Ang kanyang katawan ay mabilis hinigop ng malaking pwersa. Isang pwersang imposible nitong matakasan. Napansin ni Leon na pansamantalang nagkaroon ito ng katawan. Pinagmasdan nito ang pagkakatindig, laki ng mga bisig at mga paa nito. Nabatid ni Leon na ang kanyang katawan ay pumasok sa maliit na bata. Isang bata na hawig nya sa kanyang pagkabata dahilan sa itsura ng pananamit at ilang mga singsing sa kanyang mga daliri na bigay ito ng kanyang Ina, ang pagkakatanda nito nung maliit pa sya. Isang makintab at gintong singsing na may kabisadong marka na nakaukit dito. Maingay ang paligid, mga ingay na nagkahalo halong tunog sa hangin. Pinilit ni Leon alamin ang mga ito.

Sa kanyang harapan isang babae. Maganda at makinis ang kanyang mukha. Mga matang nakakagaan ng pakiramdam. Mga pakiramdam na nagpupuno sa kakulangan ng kanyang buhay. Hindi nya ito maalaala. Maaaring isa itong parte ng kanyang buhay ang nagdudugtong sa kanyang pagkabata. Pinagmasdan mabuti ito ni Leon. Ilang mga katagang ang binibigkas ng babae sa kanyang bibig.

"Leon!!...Leon!!...tandaan mong mahal na mahal kita anak!!" ang mga malalakas na daing ng makita ni Leon ang kanyang Ina nito nakahilata sa mabatong sahig, naghalo-halong malalaki at maliliit na nakakalat sa buong paligid. Nagbabagsakang mga bato ang panay na bumabagsak sa mura nitong katawan. Sa oras na iyon, isang pakiramdam ang mabilisang bumalot sa buong pagkatao ni Leon. Maiinit na luha ang kusang bumagsak sa mga mata nito na animoy wala na itong katapusan. Mga tinig na kay paos na kasisigaw ng katagang Ina. Balot sa mukha ang takot at lagim sa pagkakagimbal sa mga nasasaksihan. Sa pagpupumilit iligtas ang kanyang mahal na Ina. Unti-unting nabalutan ng dugo ang mukha at damit ng kanyang Ina nang isang malaking tipak ng bato ang bumagsak sa leeg nito. Bumulwak ang sariwang dugo galing sa bibig ng kanyang Ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Leon At ang Tore Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon