Episode 1

49 3 0
                                    

TOWER OF AVALON

Naglalakihang mga semento at matataas na kisame. Ilan sa bahagi ng haligi ang paikot na dumudugtong sa kaitaasan ng mga pader. Bahagyang sikat ng araw sa loob ng silid ang bumungad sa isang walang malay na katawan na napapaligiran ng sala-salabat na mga baging. Mga kakaibang baging na tila ba ay mayroon itong buhay. Naglalakihang mga dahon at nakakakilabot na mga ugat ang nagmistulang desenyo sa madidilim na bahagi ng haligi.

Ang walang malay na katawan na nangangatal sa lamig habang nakaratay sa isang sementadong sahig, sinisikap magkaroon ng sapat na lakas. Ang kanyang maumbok na mga kalamnan na tinitiis ang sakit na maikilos ang mga ito. Ngunit sa anumang pagpipilit ay bigo siya na maigalaw ang mga ito. Ipinasiya na lamang niyang maghintay pa ng mga ilang minuto.

Kakaibang klima ng hangin ang dumadampi sa kanyang mukha na tulad ng isang malamig na bangkay ang naramdaman nya sa madilim na silid. At ang tanging sinag lamang na nanggagaling sa maliliit na bitak ng bato ang nagsisilbing ilaw sa silid. Napalingon ito at pinagmasdan pa ang ilan pang mga bahagi ng silid na nababalutan ng dilim.

Nang may marinig siya na mga ingay na unti-unting umuusbong habang lumilipas ang sandali. Nakakakilabot ang bawat ugong ng hangin na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa at ang nakakabinging katahimikan na bumabalot sa buong lugar. May mga bagay ang gumagalaw sa kanyang paligid. Napansin nito ang ilang mga lumang luma na kurtina ang walang tigil sa paggalaw na tila sumasabay sa ihip ng hangin. Gusto nitong malaman kung saan nagmumula ang malakas na hangin na ito at ano ang mayroon dito.

Kulay pulang mga pader na mistulang dugo ang kulay nito at mga wasak na hagdanan na parang isang libong taon na ang dumaan ang kanya pang nabungaran. Nakaramdam si Leon ng takot na nagsilbing lakas upang pilitin niyang ibangon ang sarili sa pagkakahimlay. Nakaramdam din siya ng kaka-ibang uri ng kaba, kaba na tumulak para ikilos ang sarili. At nagpatuloy siya, unti unti na niyang naitukod ang mga bisig sa malamig na sahig. At naitayo ang kanyang binti kahit hinang hina pa ito.

Patuloy sa pag ihip ang hangin. Bumibilis ang pintig ng kanyang puso habang tinitimbang nito ang sitwasyon.

"Leon...Leon........" Isang tinig ang kanyang narinig sa di kalayuan. Nakatayo ang isang babae na may mahaba at asul na buhok at nakasuot ng esmeraldang damit at nagkikislapang mga dyamante sa laylayan ng mahabang palda nito na kulay rubi. Nanlalaki ang kanyang mga mata at unti-unting nanlalamig ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng kadiliman, kahit nanlalabo ang mga paningin ay nagawa pa rin niya na matukoy na isa itong babae base sa kanyang itsura at kasuotan. At sa mga oras ding iyon, gusto niyang malaman kung sino ba ito at sino si Leon na sinasambit ng babaeng iyon. Ngunit bigo sya upang usisain pa ang nasa paligid niya.

Bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka, dahil wala siyang maalala. Kahit ang mismong sarili niya at ang mga bagay na nagbabakasakaling matandaan sa oras na iyon. "Sino ang babaeng iyon, at tila hindi ko maaninag ang kanyang mukha at anyo, at marahil na kanyang tinutukoy ay ako si Leon." ang pabulong na sambit ni Leon. Isang malakas na kuryente ang sandaliang dumaloy sa buong katawan ni Leon. Isang kakaibang enerhiya ang dumaloy sa kanyang mga ugat patungo sa buo nitong katawan. Lakas na sumibol mula sa bisig at binti nito. Ramdam niya ang biglaang pagkibot ng kanyang mga kalamnan. Sa walang sinayang na sandali dali dali siyang tumayo sa kanyang kinaroroonan.

Mula sa malayo ang babae ay saglit na ngumiti habang ang katawan nito ay unti unting nawawala sa dilim. At ang mga kumikinang na parte ng kanyang katawan na hindi nagtagal ay naglaho na rin. Napahinto si Leon at nanlaki ang kanyang mga mata at bumilis ang pagtibok ng kanyang dibdib na para bang mayroong kung anong pwersa o enerhiya ang namamagitan sa kanilawang dalawa. Ang babae ay tuluyang naglaho at nanumbalik muli ang sitwasyong kinaroroonan nito.

Si Leon At ang Tore Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon