#Realtalk 6

19 0 0
                                    

Para sa mga babae.

Hi saten girls. Chos. Hindi porket babae tayo e kailangan na nating iunder ang mga lalaki. Mahal nila tayo. Pero hindi ibig sabihin non e gagawin mo na silang katulong. Maging pantay tayo. Hindi porket you need a man na gentleman. Eh kailangan na lagi mong siya yung nagdadala ng gamit mo. Wag ganon. Anong silbi ng kamay ng girls? Kung yung mga bagay na magagaan naman e kaya namang dalhin ng girls. Pwe :v wag tayong pabebe. Then. Wag din tayo masyadong maarte, yun bang, mapili. Tulad sa mga bagay na ibinigay niya sayo, pero ayaw mo. Kunin mo na lang and say thank you. Kasi nageffort yung tao. Hindi porket gamit lang yun, eh hindi mo na dapat pahalagahan. Bagay nga yon, pero pinaghirapan. Hindi din lahat ng lalaki ay manloloko. Dahil kung tutuusin. Sila din ay nasasaktan. Sila din ay niloloko. Tanggapin na natin girls na yung ibang girls din dyan na ugh! na manloloko e hays. May mga bagay na kailangan talagang tanggapin girls. Wag mong sabihing "Lahat ng Lalaki ay manloloko!" Eh bakit? Nasubukan mo na ba lahat? bakit? Yung tatay mo? Ganon ba? Well? Kung ganon. Wag mong lahatin. Dahil hindi ka pa nakakasigurado. Nasasaktan din ang mga lalaki. Nafafall. Umaasa. HINDI LANG NATIN ALAM YUN. Kasi minsan, sarili lang natin yung iniisip natin. Yun bang, akala mo, ikaw lang yung nasasaktan pero deep inside. Sila rin. Pag niloko tayo ng isang lalaki. Wag mong sisihin lahat. Dahil hindi mo naman naging bf yan lahat diba? Nasaktan ka? Pero isang lalaki lang. Wag ka ng mandamay pa ng iba.

REALTALK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon