Chapter Four

21 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

Present Time

"Kaya andito ako ngayon." Wika ni Haven sa mahinang tinig habang nakayuko.

"But this is not Camarino Island I'm sure you already know that. You need to pack your things, you'll be leaving tomorrow." Pinal na pahayag ni Nick at tinalikuran na siya nito.

"Pero . . . . . ." Tutol pa rin ni Haven.

"Let's call it a night." Putol nito sa sasabihin ni niya at tinungo ang hagdan upang pumanhik sa kwarto nito.

Naiwan naman si Haven na nakatulala sa kanyang kinatatayuan. She need to call her boss, ASAP, because If not her ass will be out of this island first thing tomorrow morning. Mukhang kasi seryosong seryoso itong palayasin siya.

Kinaumagahan ay maagang nagising si Nick hindi na muli niya nagawang bumalik sa pagtulog ng pumanhik siya ng kwarto.

Nadatnan niyang nasa komedor na si nana Isang at naghahanda ng agahan.

"Magandang umaga, anak." Nakangiting bati ng matanda sa kanya.

Sinuklian lang ng tango ni Nick ang bati ng matanda. "Nana, hindi niyo po nabangit kahapon na may iba palang tao dito sa bahay." Anito.

"Ay naku, hijo, pasensya kana't akala ko ay nasabi na ni Ricardo sa iyo. Nakilala mo na pala si Haven." Pahayag ng matanda.

"Opo." Matipid na sagot ni Nick. He need to call his dad right now. How come he is the only one who doesn't know that someone is staying there? "Cge po, manang, I need to make a call." Paalam nito sa matanda.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Son, napatawag ka." Bungad ng kanyang ama sa kabilang linya. "How are you?"

"Dad, there is someone who is staying here?" Nagtatampong wika ni Nick sa ama.

"Oh, so you already met Haven."

"You knew her?" Nagtatakang tanong niya.

"Yes, hijo, she's working for Uy Land Development Inc. they are developing the Camarino Island just nearby our island. Their company is renting for her. I think it's a good investment, kasi wala naman nakatira sa resthouse." Paliwag pa ng kanyang ama.

"But how come I didn't know all this?" Frustratedly Nick asks his father.

"Son, of course we've told you. You weren't just listening. Isa pa you we're so depre - - -"

"I need to go now, dad." Putol ni Nick sa sasabihin ng ama.

"Okay, Nick, just be good to Haven. She won't be staying there that long. Sa pagkakaalam ko ay malapit ng matapos yung project nila." Bilin pa nito.

"Okay." Tipid na sagot ni Nick sa ama at agad na ibinaba ang aparato.

Kanina pa pinagmamasdan ni Haven si Nick habang may kausap ito sa telepono. Napakaseryoso ng mukha nito. Maingat siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa kumedor. Agad naman siyang binati ni Nana Isang ng makita siya.

"Oh, magandang umaga, anak." Nakangiting bati nito sa kanya.

"Magandang umaga din, po. Si Mang Kanor, ho?"

Napalapit na rin ang loob niya sa matanda kahit sandali palang siya nandoon. Napakabait ng mga ito sa kanya.

"Aba'y andoon sa mga alagang manok. Maaga ka yatang nagising ngayon, Haven." Puna nito sa kanya.

"Kasi po Nanang mukhang mapapalayas na po ako ngayon." Alangang sagot ni Haven sa matanda.

"Aba'y bakit naman?" Nagaalalang tanong nito sa kanya.

"Kasi po, yung lalaki kagabe mukhang ayaw niya pong may ibang tao rito."

"Sinong lala - - - . Ay, si Nick ba kamu, hija? Naku wag kang mag-alala at nakabait na bata noon."

"Ah, Nick po palang pangalan niya." Wika ni Haven. Pero hindi naman po siya mukhang mabait. Mukha siyang palaging galit sa mundo. Napakasungit. Dugtong pa ni haven sa kanyang isipan.

Sabay na napalingon si Haven at Nana Isang ng may tumikhim sa pintuan ng kumedor. Nakatayo si Nick sa pintuan ng kumedor seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang nakapamulsa.

"We need to talk." Pahayag ni Nick sa kanya.

Agad namang tumayo si Haven sa pagkakaupo at nakatangong sumunod kay Nick palabas ng kumedor hanggang mapunta sila sa may dalampasigan. Hindi niya napansing huminto pala ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Aray!" Bulalas ni Haven ng bumungo siya sa dibdib ni Nick. Mabuti nalang at maagap siya nitong nahawakan sa magkabilang braso.

Dahan dahan siyang tumingin sa mukha nito nakatiimbagang naman itong nakatitig sa kanya. Napakaganda ng mga mata nito, kasing kulay ng chocolate ngunit nababahiran ito ng lungkot.

"Next time, look where you are going." Seryosong pahayag ni Nick.

"P . . . pa . . . pasensya kana." Nakatangong wika ni Haven. Letsee, galit nga sa mundo. Mainitin ang ulo. Aniya sa isip.

"Look if you will be staying here we must set some ground rules." Seryoso pa ring pahayag nito.

"Ibig sabihin hindi mo na ako paalisin?" Manghang wika ni Haven.

Tumango lang si Nick bilang sagot sa tanong niya.

"Talaga?" Di parin makapaniwalang tanong nito.

"Kasasabi ko lang diba?" Masungit na sagot ni Nick."

"Sinisigurado ko lang naman." Pabulong na wika ni Haven.

"As what I've said. You can stay here but, we need to set some ground rules."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mine AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon