Selfless -- 9: Omegesh. *O*

95 4 2
                                    

^Dedicated to her because she made a group in Facebook that is free to promote stories. It’s nothing, I just appreciated what she did. May iba kasing groups na gumawa nga ng grupo for Watty readers, writers and users e bawal pang magpromote ng stories… Gumawa pa sila ng group! Anyways, hope you like this. :D

Selfless – 9: Omegesh. *O*

~isabelleXD

*kring kring kring*

Time check: 5:00 a.m.

Naligo na ako, 6:00 dapat na sa Paradise Cove na ‘ko e. Pagkatapos kong maligo, nagpaalam na ako kay Manang Carmeen, sabi ko pakisabi na lang kay na Papa na nakaalis na ako.

Medyo maliit na bagpack lang yung dala ko. Hindi naman ganun kabigat. Naglakad-lakad lang muna ako para makalanghap ng fresh air. Ang tagal ko na ding hindi nakapaglakad-lakad sa loob ng subdivision e.

Isang oras din ang nilakad ko bago ako makarating ng resort, late na nga ako actually e. 6:30 na sa orasan ko. Oo, naglakad lang ako. Ni-refresh ko muna yung mind ko, para makapag-isip-isip din ako. Pero hindi ko muna inisip yung nangyari sa ‘min kagabi ni Papa, lalo lang akong mastre-stress. -___-

“Uhh, Via. Buti nakarating ka. :)” Bati sa ‘kin ni Ren, siya kasi yung una kong nakasalubong e. May kinausap sa cellphone nung pagdating ko.

“Ahh, oo.” Err… Ba’t ang awkward ng pakiramdam?

Sino ba naman ang hindi ma-a-awkward eh, war pa kami tapos inimbitahan ako sa pool party niya? Haay, ewan ko ba dito kay Ren. >___<

Tapos nakarating kami dun sa cottage, nandun na si Hazel, Angelica, LJ, Kyla, Prade at si Titan. Yung kambal na si Zel at Belle, ‘di daw pinayagan. Ang killjoy daw nung nanay. Ohwell, ganun talaga ang ating mga mommies.

Umupo lang ako sa tabi ni Titan at ni Hazel.

“Yung gamit mo, lagay mo na sa room natin.” Sabi sa ‘kin ni Hazel.

“Ah sige mamaya na lang.”

Tapos nagswimming muna kami, naghabulan sa pool.

Biglang umalis si Hazel at Ren at bumalik sa cottage. Anmeron?

[Hazel’s POV]

Nauna na muna kami ni Ren na umahon sa pool. Alam kong may gustong pag-usapan ‘tong si Ren. Yung tungkol kay Titan at kay Via, kung sila nga ba o hindi.

Kumain na ako ng pakwan, ayaw pa magsalita nitong kasama ko e.

“Sila ‘nu?” Biglang sambit nitong si Ren.

“Aysus. Ang sabihin mo selos ka sa kanila. Hahahahaha.” Pang-aasar ko.

“Hindi ‘nu.”

“Sus. Deny deny ka pa. Halata po kaya. Kung makatitig ka dun sa dalawa kanina sa pool parang mapapatay mo si Papa Titan. Hahaaay. Hangsweet kaya niya kay Via.”

“Ano ba talagang meron sa kanila?” Sabi niya na parang naiirita habang nakatingin kung nasan ang pool.

“Gusto mo talagang malaman?”

“Oo. Para alam ko kung itutuloy ko ba yung announcement ko mamaya.”

“Huh!? Anong announcement naman yan?”

“I-aannounce ko na mahal ko si Via at liligawan ko siya starting this day. Pero magtatapat muna ako sa kanya personally.”

“I-aannounce mo? Gusto mong mapahiya?”

“Ha? Bakit naman ako mapapahiya?”

“Wala…ah basta wala. Ayaw kong sirain ang plano mo.”

SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon