Selfless -- 5.2: Take A Chance.

103 6 0
                                    

Selfless – 5.2: Take A Chance.

~isabelleXD

[Ysabelle’s POV]

“Ate Owy, gising na. May naghihintay sa’yo sa baba.” Paggising sa ‘kin ni Leander, my brother. Yeah, Owy tawag ng mga kapatid ko. Actually, Oyii dapat, dahil ang initials ko ay OY, kaso ampanget daw, kaya Owy na lang daw.

“Sabihin mo, bukas na lang bumalik.” Sabi ko habang nakapikit pa din.

Napakinggan ko na may nagbukas nung pinto, tapos maya-maya, biglang nagsara.

Hay salamat. Lumabas na din. Puyat na puyat kaya ako kagabi kakaisip kung anong gagawin ni Ti— “Gising na. Sasamahan mo pa ako sa school e.”

May napakinggan akong boses ng lalaki sa tabi ko.

“Che, tigilan mo nga ako Leander. Puyat ako kagabi. Layas. Shoo. Chupi. Alis.” Sabi ko sabay talikod.

“Bakit ka napuyat?” Tanong nito. Sino ba ‘to? Si Leander? Grabe talagang mangulit ‘tong kapatid ko, sarap bigwasan ay. -.-

“Ano ba! Sabi ng alis eh,” sabi ko sabay bangon sa kama ko at kinusot-kusot yung mga mata ko. “…puyat ako kagabi kakaisip kung anong gagawin ng bestfriend ko, kung bakit niya yun ginawa, kung mahal niya ba talaga ako o ginu-good time lang ako. Alis na kasi, ang kulit naman ehh. Dali na, ililibre na lang kitang large fries mamaya sa McDo.” Sabi ko.

Tapos pagbukas ko ng mata ko...

“Mahal naman talaga kita e.” Si Titan pala.

“O-oh. T-Titan. A-Anong ginagawa mo dito?” Bulol kong sabi, eh kasi naman, nasabi ko na siya yung dahilan ng pagkapuyat ko e.

“Sorry kung napuyat ka dahil sa ‘kin. ‘Di ba sasamahan mo ako sa school, mag-eenroll na ako sa Einstein Academy. :) Pinayagan na ako ni Tito.” Sabi niya.

“Ah. Ganun? Hmm. Sige, intayin mo na lang ako sa baba, maliligo lang ako, tapos humingi ka na lang kay Manang Carmeen ng pagkain pag nagugutom ka. Sorry, nakalimutan ko e.”

“Okay lang.” Tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Naglakad-lakad muna ako sa loob ng kwarto ko. Grabe kasi, yung nakasanayan mo na yung lagi mong kasama, karamay ‘pag may problema ka, liligawan ka na. Nung una kong nakita si Titan sa Cavite, crush ko siya nun, tapos bigla na lang nawala, parang 5-minute crush lang, ganun. Si Ren pa din kasi ang nandito eh *points at heart*. Haaay. Ewan. :/

Nagitla ako ng may makita akong bouquet of flowers sa may study table ko. Kinuha ko ito at napansin kong may note, kaya binasa ko.

Wag mong isipin na masasaktan mo ako, kasi ako ang pumili nito. Wag kang matakot, try to open you heart. He’s taken, he left you all alone, but I will not. I’m always here, I love you, bestfriend. –Titan.

Haaaay. If you only knew Titan. If you only knew. It’s not that easy to let go, to move on. I don’t want you to push away from me. Kasi, pag si Ren pa din, oo, pipilitin mong mag-move on nang dahil sa akin, pero mahirap. Ang hirap. Lalo na, magbestfriend tayong dalawa.

---

“Anong gusto mong gawin pagkatapos nating makuha yung resibo?” Tanong sa ‘kin ni Titan. Nandito kami ngayon sa cashier o sa accounting office, kakatapos lang naming bumili nung libro niya at kakatappos lang din niyang mag-enroll with the help of my beloved grandfather.

“Kain na lang tayo sa labas, o kaya mamasyal sa park.” Ganun pa din ang trato ko sa kanya, parang kalaro, yung tratong bestfriend pa din. Grabe kasi, pagbaba naming ng sasakyan niya, hinawakan na niya agad yung kamay ko. Awkward, pero dati naman ginagawa niya yun eh, ba’t ba ngayon naa-awkward ako?

SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon