Selfless -- 14: Who is SHE?

85 6 0
                                    

Selfless – 14: Who is SHE?

~isabelleXD

[A/N: “Isa pa nga pong order ng parfait supreme!” sabay na naman na sigaw ng ‘Crazy Trios.’

Okay, mamaya na ang TBYD! :3

HELLO! ^_____^ Isang malawak na ngiti mula sa isang pangit. x3

Muling nagbabalik! :D HAHAHA. Busy masyado e. xP Busy-busyhan! WAHAHAHA! Pagpasensyahan, hyper lang dahil ni crush. xD Dejk. Natutuwa ako kasi may bagong character. Who is SHE? Bagong babae ba ni Ren? HAHAHAHA! xD]

[Ysabelle’s POV]

“Next week ang regular classes, so since these past few days na-discuss ko na naman ang mga rules and regulations ng school at ng house rules natin, iiwan ko na lang muna kayo dito sa room. Magpakilala kayo sa isa’t-isa kung gusto niyo, just make sure na kilala niyo na ang isa’t-isa next week kung kelan start na ng regular classes natin. Papayagan ko kayong tumambay sa canteen, dito sa room, sa soccer field. Wag sa corridor at wag din magpauli-uli, okay?” Sabi ni Ma’am.

4th day of classes ngayon. Na-dismiss na din kami sa one-week outing namin. HAHA. Saka ko na lang ikwe-kwento sa inyo. Nikikilig ako ehhh~ :””> HAHAHA. Secret na lang muna yun, for now. xD Ayun, umalis na si Ma’am. Ansama nga ng napuntahan kong section. Si Kyla at si Ren lang ang kakilala ko. I mean is, ka-close ko. Kilala ko naman yung iba, kaso hindi kami ganun ka-close. -.- Pinagtritripan nga ako nina Hazel, Angelica at Prade sa text. Love triangle daw kami. Psh.

Ganito kasi yun, si Hazel, Prade at LJ, magkasama sa iisang section tapos nahiwalay naman si Angelica. Eh okay lang sa kanya yun, kasi madami siyang friendships. Mga friendly yung mga yun e. Eh ako naman, I’m not friendly. Ayokong maging feeling close. Minsan kasi nasabihan na akong ganun. Nag-try lang naman kasi akong maging friendly e. Eh ayun, nadala ako.

Haaay. Umub-ob na lang ako.

“Hoy.” Sino yun?

Lumingon-lingon ako. Si Ren pala. Absent si Kyla. Waley naman daw ginagawa.

Umub-ob uli ako at saka sumagot, “Oh, bakit?” Ang sama ko. xD Saka ako sumagot nung umub-ob ako. x)

“Tara sa field.”

“Yoko.”

“Dali na.” Pagpupumilit niya.

“Yoko nga sabi ee. Kulet.”

“Lalo kitang kukulitin ‘pag di ka sumama sa ‘kin.”

“Ano naman kung ‘di ako sumama sa’yo?”

“Taray neto. Siya na nga ililibre ng ice cream, ayaw pa. Bahala ka nga sa buhay mo.” Sabi niya habang pahina nang pahina ang boses niya. Parang aalis talaga siya. T^T Ganon? Andali niyang sumuko sa pangungulit. Pero dahil sa narinig ko ang magic word…

“LIBRE? (*u*)” Sagot ko with matching spark in the eyes. xD

“Ah, ganun? Sasama lang ‘pag may libre. Kahapon ka pa ah.” Sabay-lingon niyang sinabi.

“Masamang tanggihan ang grasya. Pati, oy! Ikaw ‘tong nag-alok ng libre kahapon ha.” Pagdedepensa ko. :P

“Ba’t ka ba ganyan, Sab?” -____- Oshiiz. He’s calling me that name again.

“Stop calling me, Sab.” I said, irritated. Saka ko na lang ikwento niyo kung bakit niya ako tinawag ng Sab.

“Okay, fine. Kung ayaw mong magpatawag ng ‘Sab,’ walang libre.” Tapos naglakad na ulit siya palayo, habang ako, nakaupo pa din sa chair ko na parang inagawan ng cotton candy.

SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon