Special Day

57 2 0
                                    

"SHAWN's POV"

YES! Natapos na rin ang club meeting. Naalala ko nanaman yung kanina sa classroom. Naiinis ako kay SEAH! Napaka'slow. Pero ayos lang yan, akong gagawa ng paraan para maintindihan niya. HAHA.

Basta para sa babaeng mahal ko. Lahat gagawin ko. Ang corny ko pucha! HAHA. Nagagaya na ata ako  sa kapatid ko. Chickboy kase yun. Pero yun ang hindi ko gagayahin sa kanya. Isang babae lang ang gusto ko at mamahalin ko. Sowss! :"> Nakakabakla ang emoticon. 

At yun si CHELSEAH RAINE FERRER! 

"HOY! Bat mo binabanggit pangalan ko?! Balak mo ata akong kulamin BES eh. >.<" -Seah

Ahh, hindi ah. Bat ko naman kukulamin yung mahal ko?

"ANO?! HAHA. Uyy ah sumanib ba sayo si Ranz? Nyahahaha. Galing mo magpatawa Bes."-Seah

Sus! I-kiss kita dyan eh. Malamang BESPREN kita kaya mahal kita. Mahal kita bilang.....

*BUMUKAS YUNG PINTO*

"Oyy, ano yan ha?! Uwi na tayo babe" -Lyca

***Tsss. Barkada lang pala ni Seah. Ayun na eh nandun na umeksena pa. Haysss!***

Sige. Seah sabay ka na sakanila. Puntahan ko pa si Ranz. -Shawn

Uhh, sige. Ingat ka ah. =)) -Seah *At bigla ko kiniss sa cheeks si Shawn*

Heyy! Tama na yan. Nilalanggam na kayo.- Jovie.

Tsss. Kayo talaga. Tara na nga! Bye Shawn. -Seah.

Umalis na sila Seah at naiwan akong nakatulala habang hawak ko yung pisngi ko. Kiniss ako ni Seah?! First time yun ah.

Agad kong pinuntahan si Ranz para magpatulong. May plano ako. Since Friday ngayon aayain ko sa park si Seah.

*SA GYM*

Pareyy! uwi na tayo. Tapos na ba training niyo?

"Ah, oo bro. Tara? Teka nasan si Seah?"-Ranz

Ah umuwi na. Sumabay na sa mga bestfriend niya.

"Sus! Hina mo bro!" -Ranz

Kaya nga ako nandito para magpatulong. Alam ko naman na expert ka dun eh. HAHAHA.

"Sige ba! Tutulungan kita. Libre mo ko ng Krispy Kreme at Starbucks." -Ranz

Ulol ka talaga. Takaw mo. Sige basta tulungan mo muna ko. Uwi na tayo. 

*NAKAUWI NA KAMI SA BAHAY*

"Oh ano bro? Ayos ba?"- Ranz

Oo pareyy. Salamat. 

"Itext mo na si Seah" -Ranz

*Tinext ko si Seah*

-----------------------------------------------

TO: SWEETUMS♥(Yan pangalan niya sa PB ko) HAHAHA.

Bes! Park tayo?

*Bilis magreply ah*

FR: SWEETUMS

Sige Bes! Boring din dito sa bahay eh. Paalam lang ako kay mommy. Sunduin mo na rin ako okay lang? Please? ^_^

TO: SWEETUMS

Osige Bes! Hintayin mo ko. =)

***At dahil may plano kami... Hindi ko susunduin si Seah. HAHAHA....***

"SEAH's POV"

AMBORINGGGG! Makapag'net na nga lang. Inopen ko yung WATTPAD SITE. Tapusin ko na lang nga yung binabasa kong story. Ang cute talaga ng DNP(Diary Ng Panget) :"> Si Cross my love. HOHOHO.

*Biglang nag'vibrate phone ko*

Si SHAWN nagtext. Napahawak tuloy ako sa lips ko. Naalala ko yung kanina. Hays. Bakit ba kase nakiss ko bigla si Shawn? Nacarried away ako sa emotions ko. Haha. Siguro kung hindi bumukas yung pinto baka nakiss ko sa lips si Shawn. HAHA JOKE LANG PO. ^_^

Inaaya ako ni Shawn sa Park. Hmm boring naman dito sa bahay kaya pumayag ako. Naligo muna ako at naghanap ng maisusuot. Nag'shorts lang ako at yung longsleeve ko na Artwork na binigay ni Shawn. Hihi. Ang cute... ^_^

Bumaba na ako ng hagdan at nagpaalam nalang kay daddy. Umalis pala si mommy. Hay. Nag'shopping nanaman ng shoes yun. Yun kase ang hilig niya. Ang gastos ng nanay ko. HAHA.

Lumabas na ko ng pinto.... at hay! Badtrip. >.<

-----------------------------------------------

TO BE CONTINUED. =)

Rain in Summer (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon