Diana's pov
I'm Trichelle Diana Villafuenete. Mayaman, simple, cute, at palaban. Bestfriend ko si Alissa since kindergarten. hmm.. NBSB pa nga ako eh, samantala yung bestfriend ko marami ng boyfriends eh. May manliligaw man ako pero pinapalabas ko ang pagiging amazona para matakot sila at hindi na itutuloy ang panliligaw. gusto ko kasing maging boyfriend ko ay 1st and last boyfriend. corny man pero yun yung totoo. may crush rin ako sa schol namin at si Michael Park yun. Oo crush ko siya kahit hindi kami close, ang gwapo niya kaya!! kaso mukhang may gusto siya kay Alis eh.eto namang bestfriend ko napakamanhid hindi niya feel yung love ni Michael Park.
Akala ko nga mataray si babes michael pero hindi naman pala! ang kulit niya kaya lalo na kanina sa cafeteria. parati siyang dikit ng dikit kay alisa parang glue na nga eh. Aish! balang araw. magka lovelife rin ako.
" miss Villafuente, may ibibigay akong activity para sayo"
"ano po yun?"
"since top 1 ka sa klase, kailangan mong turuan si Mr. Anderson mamaya" nakalimutan ko. matalino rin pala ako. hihihi!
"Anderson? sino po siya?" hmm.. familiar
"hindi mo kilala?" malamang hindi!! magtatanong ba ako kung alam ko? aish! Diana! bad!
"hindi po"
"ah basta! malalaman mo mamaya. magkita nalang kayo sa library 5 pm. ok?"
"ok po"
hmmm.. Anderson? Anderson? sino nga ba siya? pamilyar talaga siya sa akin.. bahala na nga! basta ako kakain.
'omg!! Ivan is here!!'
'tara!! dali!! baka maunahan pa tayo'
tara! gusto ko maging girlfriend niya for 1 day'
'hah! ako? 2 days'
'pshh.. e 1 hour ka nga lang siguro eh'
'kapal nito!!tara na!'
Ivan? ex yun ni Alis ah! mapuntahan nga...
wow! grabe tong lalaking to! napakaraming babae! playboy talaga ang dating.. pshh.. maiwan na nga! ohw! 5:00 na pala! kailangan ko nang pumunta sa library. habang papunta ako sa library nakita ko si Alis at Michael naguusap. Parang ang sakit! nakikita ko silang dalawa, masaya, nagtatawanan at parang gusto na rin ni Alis si Michael. kailangan ko na talagang mag move-on kasi yung bestfriend ko mahal na ang mahal ko, kailangan ko ng magparaya. oo! ganito ako mahal ko yung bestfriend ko. hindi ko magagawang siraan siya dahil lang sa lalaki, ang tanga ko man pero mas importante sa akin ang friendship kaysa love. kasi ang mahal mo iiwanan ka rin, sasaktan ka rin, at iiyak ka rin. kanino ka babagsak? sa friend mo diba? kaya mahal na mahal ko yan si Alis.
*Library
saan na ba yun si Anderson? argh! nakuuu.. kapag nakita ko yun papatayin ko talaga yun. ayaw ko maghintay ng matagal..
"excuse me, ikaw si Anderson?"
"nope"
"excuse me, ikaw si Anderson?"
"hindi eh"
"excuse me, ikaw si Anderson?"
"sorry miss pero hindi"
"saan na ba yun?! nakuuu.. makakaalis na nga"
"looking for me?"
"ay kabayong may bangs!"
"HAHAHAHAHAH!"
"teka! ikaw si Anderson?"
"yep! Ivan Anderson, at your service"
"WHAT?!?!"
"I know pogi ako kaya shall we start?"
"starterin mo mukha mo!"
sa kasamaang palad. ang tuturuan ko ay yung playboy ex ng bestfriend ko. lord, kill me now..
"ehem.. hindi bat tuturuan mo ako? nako miss top 1, gusto mo bang sabihin ko kay sir na hindi mo ako tinuruan? tiyak na! papagalitan ka nun tapos mababawasan yung performance mo. kawawa naman"
"fine!! turuan na kita!! para matapos na!!"
"great!"
after 243468248154 hours sa kakaturo yung tinuturuan ko natutulog lang tapos may earphone pa talaga hah! aish! isa na lang! baka hindi ko na to mapigilan!
"yaaaaaaaw!!... boriing"
grr... wala na..
"HOY!! MR. ANDERSON!! ILANG ORAS AKONG NAGTUTURO SAYO TAPOS HINDI KA NAKIKINIG! NATUTULOG KA LANG!! SA TINGIN MO!! MAY MANNERS KA BA HA!! "
"sus!! yun lang naman pala" tapos lumapit siya sa akin at palapit ng palapit yung mukha niya. "gusto mo ikaw turuan ko? *wink"
"BASTOS!!!!!" inapakan ko yung sapatos niya
"ARAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!!! SH*T! F*CK!"
"shhhhhhhhhhhh......" librarian
"ANO BA!! BAT MO AKO INAPAKAN?"
"eh kasi.. ang BASTOS MO!!!"
"hahalikan lang naman kita eh!"
"lang naman? aba! Mr. Anderson hindi ako katulad sa mga babae mo!! nakikipaghalikan o kung ano ano man yan! ibahin mo ako sa kanila kasi hindi ako slut! bye!" aalis na sana ako..
"NERD!!"
"mas mabuti pa maging nerd kaysa SLUT!"
"ARAAAAAAYYYYYYY!!!"inapakan ko siya ulit
"buti nga sayo!!"
Alissa's pov
"gusto mo?ice cream?"
"hahahaha! oo naman! alam na alam mo talaga Michael yung gusto ko ah"
"ako pa! haahha!"
nasa playground kami ngayon ni Michael. gusto ko na kasing malaman ang hindi ko pa alam.
"so.. hmmm.. sabi nila suplado ka daw"
"hindi naman ah! choosy lang talaga ako sa friends"
"ha?bakit naman?"
"gusto mo talaga malaman?"
"uu"
"noon kasi nagkaroon rin ako ng kaibigan, palagi kaming naglalaro. marami nga yung mga friends ko noon eh. tapos narinig ko nalang mula sa kanila na hindi nila ako gusto maging kaibigan. pinipilit lang kasi sila ng parents nila na makipagkaibigan sa akin kasi mayaman kami"
I don't know what to say.. I can feel his pain too.
"simula nun, hindi na ako nakikipagkaibigan sa kanila kasi hindi naman nila ako gusto eh! gusto lang naman ay pera yun lang yun"
"kaya ba ayaw mo sabihin yung pangalan mo sa akin?"
"yep! kasi pag narinig nila ang pangalang Michael Christian Park makikipagkaibigan agad sila sa akin kaya hindi ko sinabi sayo. pero nung nakasama kita parang totoo ka. hindi ka namimili ng kaibiganin mo kaya nagustuhan nga kita eh"
"ha?"
"I mean, gusto kong makipagkaibigan sayo"
"hmm.. tara?"
"ha?saan?"
"friendly date? gusto ko kasing maranasan mo ang pagkakaroon ng kaibigan"
"thank you CC. tara? saan?"
"basta"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (ON HOLD)
Teen Fiction"I love you" masarap pakinggan pero mahirap paniwalaan. Handa ba akong magmahal ulit? o magiging tanga nanaman ako sa pag-ibig ulit.