Prologue

797 8 5
                                    

JADE P.O.V.

Eto ako naglalakad sa isle kasabay ang kaaway kong si Nico, kasal kasi ng mama ko at papa niya. At simula ngayon, titira na kami sa iisang bahay. Sigh.

Patuloy akong nagpepeke ng ngiti, di naman sa di ako masaya. Masaya ako na masaya na ulit si mama pero di ako masaya na simula ngayon kapatid ko na yung mamaw na yun.

"Hoy nagmemake face ka na naman jan" bulong sakin nung pangit.

"Wala ka ng pakelam dun" Sagot ko sakanya.

"Bitter" sagot niya naman. Inignore ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkatapos ng isang oras ay narinig ko na ring sabihin ng pari na 'You may now kiss the bride' at kahit awkward man ay naging masaya ako sa sa bagong chapter ng buhay ng mama ko.

Nagpipicture picture na kami ng bigla kong napansin ang paglapit ng isang babae sa pangit kong step-brother. Biglang kumirot ang puso ko pero di ko na lang pinansin at patuloy akong ngumingiti sa pagpipicture namin.

Oo, inaamin kong masakit parin. Masakit parin na makita yung lalaking minahal ko at sa akala ko hindi na kasama ang babaeng pinalit niya sakin.

NICO P.O.V.

Tapos na rin yung kasal nila papa at nang mama ni Jade. May biglang kumalabit sakin, at nakita kong hingal na hingal yung girlfriend ko.

"You're late" Sabi ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Sorry, traffic eh" Sagot naman niya tas sabay yakap sakin.

Tumingin ako sa direksyon nila papa at nakita kong nakatingin si Jade. Mukha siyang nasasaktan. Agad siyang lumingon at pumilit na ngumti. Kung para sa iba, normal yang ngiti niya pero alam kong peke yan. Gumagaling na siya, baka sa susunod, ako maloko na niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumunta na kami sa isang reception na hineld sa isang garden pavillion.

Madaming tumitingin sa girlfriend ko at proud ako na akin siya, pero napansin ko na madami ding mga tao na pinag-uusapan kung gaano kaganda at nagmumukang diyosa si Jade.

Ang weird isipin na kapatid ko na siya ngayon eh pagkatapos ng nangyari sa amin, ginagawa na ni Jade lahat ng makakaya niya na ipakita sakin at sa mundo na nandidiri at galit siya sakin.

Di ko naman din kasi siya masisisi. Ang laki nga naman kasi ng kasalanan ko sakanya at alam ko kahit ano pa man ang gawin ko ngayon, di pa niya ako kayang patawarin.

Pinagdadasal ko kay Lord na maging okay ang pagsasama namin ng KAPATID ko.

Sana..... Sana talaga.....

AUTHOR'S NOTE:

Puputulin ko muna 'to dito:))) Nagustuhan niyo ba?:) Ayan sa sobrang pagkabaliw ko kay Jaejoong-oppa di ko na mapigilan na di magsulat ng story na di siya ang bida. HAHAHA XD pero syempre itutuloy ko parin yung isa at tatpusin:DD Please comment your thoughts below and Vote:DD SALAMAT!!>:D<

FATEDWhere stories live. Discover now