Mixed emotions

258 6 1
                                    

NICO P.O.V.

Sigh....

Buong araw ko ng iniisip ang nangyari kaninang umaga.

Paggising ko, narinig kong sumisigaw si Jade at dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto niya.

Nadatnan ko siyang umiiyak habang nagwawala pero tulog siya.

Nag-alala ako at agad ko siyang ginising sa bangungot niya.

Nagising siyang hingal na hingal at pinagpapawisan, at bigla niya kong tinulak.

Nagulat ako sa bigla niyang pagtulak sakin pero mas nakakagulat yung facial expression niya.

Isang beses ko lang nakita yun.... yun yung naghiwalay kami...

Sigh... nagiguilty parin ako pero wala na akong magagawa natapos na eh.

Tapos may dumagdag pa sa buishizz ng araw ko ngayon.

Yung lalaking pumunta dito kanina at pumasok ng walang pakielam sa mundo sa bahay ko at hinahanap si Jade.

Gusto ko siyang sapakin sa sobrang inis pero nagtimpi ako.

Kanina pa siya sa kwarto ni Jade at hindi ko alam kung bakit nagagalit ako.

Bigla akong nagising sa pag-iisip ko nung nag-ring yung phone ko.

"Hello?.... Po?... Opo..... Sige po..... Ingat po kayo... Bbye"

Pauwi na sila papa galing sa honeymoon nila at dadating sila mamayang gabi.

Bumaba ako para maghanda ng makakain at ang pangit lang naman ng dinatnan ko sa baba.

Sa may pinto andun ai Jade at yung LALAKI na yun, paalis na ata.

Nakayakap si Jade sa braso niya at dahan dahan silang pumunta sa main door.

"When tayo magkikita ulit?" Sabi ni Jade ng naka-pout. -.-

"Soon. I'll call you na lang" Sabay halik sa pisngi ni Jade. -.-""""

Nag-giggle si Jade at hinalikan yung lalaki sa labi.

Hinawakan siya nung lalaki sa baewang at pinulupot naman ni Jade ang mga kamay niya sa leeg nito.-_______-

Diba nila nakikita na nandito ako?

Maingay akong bumaba ng hagdan at napatingin sila, tinitigan ako ni Jade ng masama at tumingin ulit dun sa lalaki at ngumiti.

"Call me SOON okay?" Sabay halik ng paulit ulit sa labi nung lalaki.

Tumawa yung lalaki at umoo at hinalikan ulit ai Jade sa labi ng malalalim.

=__________= Nakakasuka sila.

At pagbaba ko, sawakas umalis nadin yung lalaki.

Tumingin sakin ai Jade ng naka-busangot at inirapan ko naman siya.

Paakyat na siya ng nagsalita ako.

"Uuwi na sila papa mamaya, tulungan mo akong magluto."

Tumingin siya sakin at tinaas ang isa niyang kilay.

"Mag-padeliver ka na lang. Hati tayo"

"Gusto nila home made" Palusot ko naman.

Napabugtong hininga siya at bumaba na lang din at nauna pa sakin sa kusina.

"Ano bang lulutuin" Tanong niya.

"How about Afritada and Adobo? marunong ka ba magluto nun?" Parang pang-aasar kong sabi.

FATEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang