Drama

227 6 2
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

First day of classes ngayon at nagmamadali lahat ng tao sa bahay ng mga Perez, except kay Jade na kakatapos lang mag-ayos at kakain pa lang.

"Jade, princess, bilis bilis din pag may time, malalate ka na"

Sumubo ng malaking piece ng bacon, itlog at tinapay si Jade. "Mhmyo phh nmhon khloshee khuu mhmm."

"Ano? Wag ka muna magpakababoy princess, lunok bago salita." tinignan niya ng masama ang mama niya pero tinawanan lang siya nito.

"Ahh.... sabi ko po.... mamaya pa naman po klase ko eh."

"Kahit na! Para sabay sabay na tayo. Bilisan mo na!"

Tumakbo si Jade papunta sa lababo at nag-tooth brush.

"Mom! Pano ako pupuntang school, my car's at the shop."

"Sumabay ka na lang kay Nico nak. Dadaanan naman din niya si Hope eh. Parehas kayo ng school diba?"

"Opo pa, pero pwede naman ako magpasundo kay Sky eh" rason ni Jade.

"Sige na princess, sumabay ka na. You can get your car later, at baka ma-hassle pa si Sky."

"Mom... I.."

"It's okay, sumabay ka na. Para isahan na lang." sabat ni Nico sa likod.

Sasagot na sana si Jade pero naglakad na lang siya palabas.

Sumakay si Jade sa back seat na nakabusangot.

"Hoy shobe! Okay ka lang?" Tanong ni Nico.

Tinarayan lang siya ni Jade at umirap.

"Sigh.... Akala ko ba, ittry nating magkasundo?"

Pinaandar na ni Nico ang sasakyan at nagdrive.

"I change my mind. Face it 'kuya', I can't and refuse to get along with you. Your presence make me sick"

Parang lason na makamandag ang pagsabi ni Jade.

"You hate me that much huh?" mahina na tanong ni Nico.

"YES! YES NICO! I despise you sooo much, I can't stand being in the same room as you. Dapat kasi hinayaan mo na lang akong sunduin ni Sky eh."

Tinigil ni Nico ang sasakyan at kumapit ng mahigpit sa manobela.

"Hey! Problema mo?!" Sigaw ni Jade ng kamuntik na siyang masubsob.

Bumaba si Nico at binuksan ang pinto sa side kung na kung nasan si Jade.

"Ano ba?!" Pumiglas si Jade at sasampalin na dapat si Nico pero nasalo niya yung kamay nito.

"Alam mo, you've turned into such a b*tch" sigaw ni Nico.

"Kumulo ang dugo ni Jade at hinablot ang kamay niya na hawak hawak ni Nico.

Tinignan niya ng masama si Nico at lumapit hanggat sa ilang inches na lang ang pagitan nila.

"I'm only a b*tch to people who treated me like shizz. Di naman sana kita gaganitohin kung umayos ka lang"

Nakita ni Nico.ang galit sa mga mata ni Jade at napabuntong hininga siya.

Tumalikod na si Jade pero hinila siya ni Nico at niyakap ng mahigpit.

"Bitawan mo ko!! Nandidiri ako sayo!" Tinulak siya ni Jade pero di parin siya bumitaw.

"Ano ba?!"

"BITAWAN MO K....." "I'm sorry"

Natahimik si Jade.

FATEDWhere stories live. Discover now