MARRIAGE 1

11 0 0
                                    

"Kain ka na,I've prepared so early kasi alam kong maaga kang aalis e." Magi said to Jensen who was busy adjusting his necktie."Ako na."Lumapit naman agad si Magi but he refused.

"I'm done." he said without looking at her. She glowered. Kahit pala one year na ang nakakalipas ay ganito parin ito sa kanya---the cold,ignorant Jensen Grey na ngayon palang niya nakikilala.Napahawak naman siya sa singsing niya."I'm going-"

"Teka,kumain ka muna bago pumasok,ipinagluto kita-" Naputol ang sasabihin niya ng halikan siya nito sa noo at nagpaalam na.

Napatingin nalang siya sa likod nito na patuloy sa paglalakad papunta sa salas nila. She sighed. Isang taon na siyang nagtitiis sa coldness ng asawa,isang taon na siyang nagpipigil ng iyak na bumagsak dahil siya naman ang mali at isang taon na rin nyang nararamdaman na di na siya nito mahal.

Napalingon siya sa kanyang hinain na pagkain. Nagkandapaso-paso pa siya sa pagluluto at nahiwa pa siya sa pagtatadtad ng sibuyas dahil nakakaiyak naman talaga ang katas nito pero di napansin ni Jensen yung band-aids sa right thumb at index finger niya. Pinunasan niya ang unti unting luha na sumisilay na sa mata niya at ngumiti ng pilit tsaka kinain ng walang kagana-gana ang kanyang niluto.




Ang sumunod na araw ay ganun padin kaya naman agad siyang tumawag sa kanyang tatlong bruha na bestfriends na akala niya di magiging seryoso sa isang relasyon pero tingnan mo nga naman at going steady ang lovelife,mas masaya pa kaysa sa dating relasyon nila ni Jensen.

"Uy luka! Umiiyak ka na naman? Pupunta kami diyan! Tatadyakan ko yang si Grey e,siya kaya magbuntis!"

"Baliw ka,di na ako umiiyak,may sipon ako-masama pakiramdam ko."

"Ashuuu dahilan mo girl! Pachararat ka na uli ng makabuo---ay ano ba Alexa kausap ko pa si Magi!(Hoy bakla kumusta ka na dadalaw kami mamaya)---Kasasabi ko lang sa kanya gaga ka!(Magi miss ka na ni Frances baby pabirthday mo sa anak ko uy!)--Tangna nyo naman dalawa e pupunta na nga kami Magi saglit lang!"

And then the caller left. Buti nalang talaga may tatlo siyang kaibigan na andiyan parin sa kanyang tabi. Ang kanyang tatlong baliw na tinuturing na mga kapatid.

Ibinaba naman niya ang telepono tsaka naman naglinis ng bahay tsaka nagpunta sa dapat na room ni Timmy. Ang tanga tanga ng mommy mo baby,she thought. Napapaiyak na naman siya habang yakap yakap niya ang unang damit na binili niya para sa dapat na baby nila. Hinaplos haplos niya pa ito. Pagkatapos niyang magmukmok ng sandali ay inayos niya na uli ang kwarto at nilock.

Tumunog ang buzzer ng gate nila.
Anjan na ang mga bruha,she thought. Nag-ayos siya sandali at itinali ang buhok tsaka ngumiti sa salamin.Hindi pwedeng malaman nila na malungkot ako.Idol nila kami ni Jensen dati e---biruin mo kasi 9 years din naging kami and then kami rin nagkatuluyan,bihira na lang kasi yun sa generation namin.

"Surprise!" sabay sabay na greetings ng tatlong bruha----Si Melanie,Georgina at Roxie.

"Hug and kiss kay Ninang baby!"sabi agad ni Roxie at iniabot ang anak niya ritong kakaisang taon gulang palang.Umiyak naman ang sanggol kaya naman agad nitong inilayo rin."Kow ninang Magi naman,hinahawaan mo ng kaiyakin ang anak ko e!"

Natawa nalang siya at siya na rin mismo ang lumapit sa anak nitong si France tsaka pinudpod ng halik."Hala bakit umiyak lalo?"

"Taka ka pa,ang baho mo daw kasi Ninang,papasukin mo naman kami sa loob,nakakangalay rin itong aming bitbit!" reklamo naman ni Georgina na siyang kausap niya sa telepono kanina kaya napatawa siya at binuksan ng ayos ang gate. Kasabay nitong pumasok ang di pa rin nag-aasawa na si Melanie na nabubusog na lang sa kakiligan kapag isa sa kanilang magkakaibigan ay may kaharutan.

"Kaw talaga Georgina,ang bibig malapit sa ilong!Hahaha"

"Che.Epal always ikaw Melanie." Tawanan naman silang pumasok.

***

"Sabi na nga ba! Baka kasi may babae si Mister?--ARAY!Tangna!"

"Wag ka nga! Lalo mo papaiyakin yang si Magi e!" Pinukpok ng tissue box ni Georgina si Melanie na nagconclude na ng nagconclude sa kwento ni Magi. Inirapan naman ni Melanie si Georgina kaya naman nabato na naman siya ng tissue."Isa pa Mel!"

"Hmp!"

"Ssssssh.Baka magising si Baby France,kayo pagpapatulugin ko dun e." reklamo naman ni Roxie na kasalukuyang tinatapik tapik pa ang pwetan ng anak tsaka nakanta ng lullaby.

"Ano ba naman Roxie,frustrated singer ka talaga,pati pagkanta ng lullaby sintunado pa,leche,saan ka pa tatama ng tono?" Nagtakip ng tenga si Melanie at sapul na naman siya sa mukha dahil sa pagbato naman ng throwpillow ni Georgina na naman."Ano gang problema mong bruha ka?! Tamo aahasin ko na talaga sa iyo yang Kano mong boyfriend!"

Natatawa naman itong sumagot."As if maagaw mo,mahal ako nun uy!"

"Sssssssh! Ayan na sabi e tingnan nyo umiyak tuloy at nagising!"-Roxie

"Dalhin mo na friend sa kwarto namin,soundproof naman dun." sabi nalang ni Magi na napatingin sa reaksyon ng dalawa niyang bruha na kaibigan habang tinatapik niya ang pwetan ng kanyang inaanak na kasalukuyang nakakabawi na ulit ng tulog.

"Diyan muna kayo,iingay nyo kasi,bababa ako pagkapatulog ko ng mahimbing kay anak!"

"Sige lang kahit wag ka na bumalik!" natatawa namang sagot ng dalawang bruha at sinamaan na lang siya ng tingin ni Roxie tsaka umakyat sa itaas.

Nakiupo naman si Magi sa dalawa at natatawang napapatingin sa itsura ng dalawa."What?"

"Tigilan mo ko sa pag-eenglish mong yan Magi ha,ikaw ha soundproof pa ang kwarto."-Melanie

"Alam na." sabi naman ni Georgina at nag-appearan at tawanan pa ang dalawa na parang sila lang dalawa ang nandun.

"Mga baliw!" nasabi nalang niya.

Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan. Pinaiyak na naman siya ng dalawa bago bumalik ang dakilang ina award na kaibigan nila at nakisali sa kwentuhan.

"Oh bakit na naman tulo uhog niyan?"agad na tanong nito ng umupo.

"Roxie naman e!"

"Oh bakit Magi? Nagtatanong lang e." saad uli nito. Naiiyak rin ang dalawa niyang kaibigan na bigla naman din tatawa."Para kayong tanga,ano ba? Nakikiiyak o nagtatawanan?"

"Pwede both?"-Georgina

"Oo nga?"-Melanie.

"Ay ewan ko sa inyo!" pikon na sabi ni Roxie tsaka hinaplos ang mukha ni Magi."Mare what's wrong?Ano maitutulong ko?"

"Bigyan mo ng lingerie mong wala ng garter tapos akitin niya uli si Grey,jusko naman kadali dali! Buo agad ng baby tapos!"

"Uhhm! Dadali ka na naman Mel wala kang naitutulong."

"Buti nga." natatawa namang saad ni Georgina ng makita na pinukpok ng throwpillow uli si Mel.

Bumelat pa.

"Uy Magi ano problema?" tanong uli ni Roxie.

Napatingin naman si Magi dito tsaka niyakap ng mahigpit."Friend di ko na alam gagawin ko! Di ko na kaya ang sobrang katahimikan ni Jensen,paano ko siya mapapabalik sa dati? Di ko na kaya baka bigla na lang yun makipagdivorce ayoko yun mangyari,baka makahanap na ng sexy sa opisina naku hindi maaari!!!!" Hysterical nitong saad. Nagtawanan lang ang dalawang nakikinood sa eksena at tsaka nagbulungan.

Napatingin naman ang dalawang magkumare na parehong may asawa sa mga ito ng may suggestion ang dalawa.

"Alam na namin kung paano mapapabalik ang pag-ibig na naudlot sa sobrang pait!---Araaaay tangna nakakatwo hits ka nang bruhilda ka!"-Melanie

"Ang sagwa mong magsalita e,may paganun ganun ka pa." Tumawa na naman ang dalawa at tumingin kay Magi."May solusyon na kami diyan Magi!"

"Anoooo?"

Once A Successful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon