Kamusta ang mundo mo? (Poem)

20 2 2
                                    

Mundo, isa nga ba itong biyaya?
O isang pagkakamali pala
Naguumapaw na problema
At hindi maatim na eksena

Mga taong nakatira
Tila ba ang pake ay nawawala
Kinakatakutan? Di uso 'yan
Basta ang nais ay mapunan... ang sariling kasiyahan

Tutulong lang kapag madaming nakatingin
May mabubuting loob man ay bilang na rin
Masaya ka ba sa iyong nakikita?
O isa ka rin pala sa kanila

Ano pang hinihintay mo?
Baguhin mo ang sarili mo
Tulungan mo ang bayan mo
Para sa ikauunlad natin lahat ito

Minsan sapat na ang tulong ng isa
Kumpara sa madami nga
Naghahatakan naman pababa
Matanong lang kita, Ano? Tutunganga na lang ba?

Ikaw lang ay sapat na
Huwag pansinin at tumulad sa iba
Na parang isang tamad
Na walang ibang ginawa kung hindi humilata

Tayo na at magbago
Para sa kinabukasan natin ito
Hindi lang para sa atin, kung hindi para sa bagong henerasyon na rin
Tayo ang dahilan, sa pagbabago ng mundo natin

---

Ang sarap sa feeling kapag may nakaka-appreciate ng tula ko huhuhu. Salamat!

Tulang gawa ulit sa loob ng ilang minuto! Huwag maging plagiarist please. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kamusta ang mundo mo? (Poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon