Sacred #14

14.8K 182 10
                                    

Chapter 14 : Pagsusuyo

Alexsandra's Point of View

"Girl sino yang babae nasa likod mo!?"

Napasigaw kaming mga babae at napatingin sa likod ni Celestien na kasalukuyang sumisigaw habang nasa ilalim ng blanket nila ng biglang tumawa ang bakla kasabay nang mga lalaki

"Wala naman ah" sabi nung babae na nasa gilid niya at dun lang namin napagtanto na niloloko lang pala kami

"Hehe masyado kasi kayong seryoso girls. Ayan tuloy" sabi nalang nung lalaki na may dalang libro

Biglang uminit ang ulo ko at napatingin kay Celestien na kinukusot ang mata habang si Shella hinihimas ang likod niya

Tumayo ako at nilapitan sila

"Makakabawi tayo mamaya sa baklang yun Tien. Promise" rinig kong bulong ni Shella kaya naintriga ako. Aba kaibigan nila ako dapat alam ko yan at dapat kasali rin ako

"Anong gagawin natin mamaya?" I ask them at napatingala si Celestien saakin pero si Shella ang sumagot

"Tatakutin hanggang sa mamatay ang bakla" I laugh. Grabe ah, mamatay talaga? So habang tumatawa ako, napahinto ako bigla dahil sa idea na pumasok sa isip ko

"Game! I already have a plan" I said at dun na nagsalita si Celestien

"Ano naman?" She ask at napatingin ako sa mga tao na naguusap muna then kay Lucas na nakaupo lang habang hinihintay ako. Humarap ako sakanila at ngumiti

"We will act like a ghost. Pag matyempohan natin siyang lalabas sa tent nila ok? O kaya hindi siya lalabas, papalabasin natin siya"

"Sounds great. Sige" sabi ni Celestien and I stood up tapos naglakad na papunta kay Lucas and he wrapped his arms around my hips again and he pull me closer to him at nagtanung kaagad

"Ok lang ba siya?" I just nod pero nagiisip na ako nang plano. Lagot sakin tong bakla na to. Anong akala niya, siya lang ang may kayang manakot?

"Bakit ganyan ka makangiti?" Lucas ask me but I just shrug and nagisip ulit. Mamaya.. Sure akong matatakot namin siya

"Nakakatakot yang ngiti mo. Alam mo yun?" Inirapan ko nalang siya at hindi na siya nagtanung pa

"So guys! Bukas pupunta tayo sa mas mataas pang lugar para makapag picture sa view then magdala rin kayo nang extra shirt dahil maliligo tayo sa isang falls" sabi nang lalaki at halatang halata na excited ang lahat para bukas. I look at Shella na nakangiti

"So matulog na tayo para may energy tayo bukas" all agreed kaya nagsitayuan na. Lumapit ako kaagad kay Shella para sabihin ang mga dapat gawin

"Mamayang 12 am lumabas kayo na may makapal na pulbo sa mukha ha? Then may dala ba kayo jang sleeveless? Yung maputi? Suotin niyo yan then yung blanket na maputi dalhin niyo rin" I explain

"Roger that! So kita kits nalang mamaya?" Shella said at nagtanguan kami

Tumalikod na ako sakanila then nakita kong nakatayo na si Lucas sa harap nang tent namin. Agad agad naman akong tumakbo papunta sakanya

"Pumasok na tayo. Malamig na masyado dito" bulong niya sakin and my dirty mind laugh

Malamig means magpainit

Inayos ko naman kaagad ang buhok ko bago kami pumasok. Aba excited na ako. Hindi na ako magiinarte ngayong oras na to. Ready na ako

"So simulan na natin?" I ask him habang nagpapacute sakanya. Napatingin siya saakin habang inaayos yung higaan namin

Nakita kong napakunot ang noo niya

"Anong sisimulan natin?" Napatawa ako nang kunti, yung tawang malandi sabay hampas sakanya nang mahina

"Ano kaba naman, kailan ko pabang sabihin kung alam naman natin paano gawin?" Nakangiti kong sabi pero hindi pa rin nagbago ang face reaction niya kaya naparolled eyes nalang ako

"C'mon Lucas! Malamig diba?"

"Oo. Ramdam mo naman diba?"

"Malamang at sabihin mo nga, ano ang ginagawa pag malamig?"

"Hihiga at magkukumot?"

Yung feeling na gusto niyo siyang sabunutan pero hindi pwede.. Yan ang nararamdaman ko ngayon

Fine! Suko na ako sakanya! Padabog akong humiga sa tabi niya sabay talikod sakanya at pumikit

Naghihintay akong yakapin niya ako- oo na! Umaasa ako na sana ngayon manlang, siya yung gumawa nang move -sabay halik sa braso ko papunta sa singit ko

Oo, singit agad agad para wala nang kawala

So yun nga, naghintay ako pero wala. Kaya tumingin ako sa likod ko at napaawang ang bibig ko sa nakita ko

Walang 'yang lalaking to! Tinatalikoran rin ako! Ano ang gusto niya, siya ang susuyuin ko? Ako na ngayon ang lalaki sa among dalawa?

"Fineeee!!!" Pagalit kong sigaw at tumalikod ulit. Kung ayaw niya akong suyuin, fine! Kung ayaw niya akong ikama, fine! Kung ayaw niya.. Fine! Bahala siya!

Pumikit ako pero naramdaman kong gumagalaw siya then parang may nilalagay siya sa itaas namin pero hindi ko binuksan ang mga mata ko

"Alex" rinig kong sabi niya pero hindi ko binuksan ang mga mata ko. Hindi ko siya pinansin. Bahala siya

"Alex naman" sabi niya ulit na parang hirap na hirap. So nahihirapan na siya agad? Hindi ba niya inisip na hindi ako nagreklamo na akitin siya kahit na ang hirap kasi pavirgin siya masyado? Heh! Magdusa siya!

I waited for another call pero wala at bigla akong nalungkot. Yun na yun? Dalawang tawag lang at sumuko kaagad?

Bubuksan ko na sana ang mga mata ko kasi gagawin ko nalang ang 5th plan ko pero hindi ko na pala dapat gawin kasi naramdaman kong niyakap niya ako sabay halik sa braso ko and oh my gosh!

Ramdam kong wala siyang saplot.. Sa itaas!

Walang saplot sa itaas ha? Baka akala niyo walang saplot sa ibaba haha

Pero syempre, kunyare hindi ko pa siya pinapatawad at hindi ko pa siya pinapansin kasi nakapikit pa ko ako at kunyareng natutulog

"Alex?" Rinig kong tawag niya ulit sabay halik sa tenga ko at gusto kong tumawa nang malakas kasi nakikiliti ako. Bwisit siya! Inaakit ba niya ako o kinikiliti?

"Alex naman? Ayaw mo ba nito?" Rinig kong sabi niya at hinahalikan ang leeg ko. Kunyare tinutulak ko siya nang mahina at nagsalita na parang inaantok na talaga

"Ano ba Lucas. Inaantok na ako, sa iba ka nalang--"

Hindi ako natapos magsalita kasi hinalikan na niya and and by that, hindi na ako nagpakipot pa at pinansin ko na siya

Pleasuring the SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon