Bagong SIMULA,
Bagong KAKLASE,
At bagong PAARALAN.
Kahit yata sa panaginip ay hindi ko naranasang makapag-aral sa ganitong klaseng paaralan.
Ngayon lang.
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa upuang pina-occupy sa 'kin ng teacher namin sa English na si Mr. Katakutan, sa bandang unahan. Ako nga pala si Jamie, transferred student ako mula sa Maynila at yes, nasa probinsya nga ako ngayon. Pinalipat kasi ako ng mga magulang ko sa probinsya nila yaya, dahil sa mga kalokohan na ginawa ko nitong huling semestre. Alam niyo na, only child kasi kaya loka-loka.
Anyways, alam niyo ba na bagay talaga kay Sir Gilbert Katakutan ang apelyido niya? Yes, hahaha. Literal kasi na nakakatakot talaga siyang tingnan. Yung tipong wala pa siyang ginagawa o sinasabi sayo eh matatakot ka na? Gano'n! Hahaha.
After ng klase namin kay Mr. Katakutan, ay nag-lunch na. Ayos 'yon dahil medyo gutom na rin ako. Nang tatayo na ako ay bigla naman akong hinarang ng ilan sa mga kaklase ko. Mukha silang mga anghel sa sobrang puti, kinis at gandaaa! Teka, ano kaya ang skin care nila?
"Hi Jamie! Ako nga pala si Candice, at sila naman si Desiree and si Chloe. Mga regulars kami dito." Nakangiting sabi ng isa sa pinaka maganda at maputi sa mga kaklase ko.
"Hi, rin sa inyo."
"Ahm.. Kung may kailangan ka nandito lang kami ah!" sabi ni Candice sa 'kin.
Sa totoo lang mukha namang mababait ang mga kaklase ko rito, pwera lang sa isang 'yon. May isang lalaki kasi sa likod na tinitigan lang ako, at sinimangutan sabay lumabas na ng classroom. Ano kayang problema nito?
Dahil nga bago ako sa school ngayong araw na 'to ay sinamahan muna ako ng mga kaklase ko sa bawat facilities na mayroon ang school at kasama na do'n ang caffeteria. Iniwan muna nila ako saglit sa upuan para maka-order na rin sila ng makakain nila. Habang kumakain ako ay napansin kong may isang lalaking palapit sa 'kin.
Tama, siya yung lalaki kanina sa likod ng klase na kanina pa ako tinitingnan. "Y-yes?" tanong ko habang kumakain at nakatingala sa kanya.
Ewan pero parang wala lang siyang nakita o ano, basta na lang kasi siyang umupo sa tapat ng seat ko. Bali magkaharap na kami ngayon sa tapat ng mesa. "Bakit ka ba nandito miss?" Iritadong tanong ng lalaki sa 'kin. Jake yata ang pangalan nito? Napakunot naman bigla ang noo ko sa naging tanong niya. E ano bang ginagawa ng isang estudyante sa cafeteria?
Nakaka-init siya ng dugo ah.
"Malamang, edi kumakain. tsk..." ako sabay balik ko ulit sa kinakain ko. Napahinto kasi ako kanina nang magsalita siya. Hays.. akala ko naman importante talaga ang sasabihin niya!
Tinaasan niya lang ako ng kilay sa naging sagot ko sa kanya.
Bakit? Tama naman diba?
Alangan namang sabihin kong tumatambay lang ako at nakikihapit sa mga paninda ng mga tindera dito! Hays!
"Damn, I mean bakit ka ba nag transfer dito? H-hindi mo alam ang ginawa mo miss.." naputol ang sasabihin niya nang lapitan siya ng isang lalaki sa may counter sabay inakbayan siya nito, kaibigan niya siguro. "O pre, nilalandi mo ba 'yang bago nating kaklase? Ikaw pre ha, dumada-moves ka na naman..."
Sasabihin ko sanang nagkwe-kwentuhan lang kami pero ang isang 'to, sinakyan naman ang pang-aasar ng kaibigan niya sa kanya! "ah, oo pre..." tapos lumapit siya rito at saka bumulong "crush ko..." rinig kong sabi niya.
Nababaliw na ba talaga to?!Nginitian lang siya ng lalaki nang nakakaloko saka umalis na. Pagkaalis nito ay pasimple naman akong hinila ni Jake palabas ng Caffeteria. Buti kamo tapos na akong kumain kung hindi ay nabatukan ko talaga to!
"B-bakit ba...ARAAAY!!!..."
Napasigaw ako. Medyo nahigpitan kasi ni Jake ang pagkakahawak kanina sa braso ko kaya bigla na lang may dumantay na pula sa mga balat ko. Lintik, muntik pa 'kong masugatan!
"S-sorry, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. Dahil hindi naman na masyadong masakit ay tumango na lang ako bilang sagot "Oh, okay then, you listen..." tapos nakinig nga ako gaya ng sabi niya "Miss, hindi kami mga ordinaryong tao dito. Mga ASWANG kami..."
Napahinto ako sa sinabi niya.
A-anong sabi niya?
A-ASWANG daw sila?
"HAHAHAHAHAHA"
Matapos kong marinig ang sinabing iyon ni Jake, ay napahagalpak na lang ako sa katatawa.
Sino ba kasing matinong tao ang maniniwala sa mga pinagsasabi niya ngayon? Look, we're already living in the Modern Generation. Where the technology is progressively advanced and where the Urban Legends are being debunked.
Kaya anong Aswang-Aswang pa ba ang pinagsasabi nito?? Haha!
"Hahaha.. Hoy nagpapatawa ka ba?? Anong aswang aswang ang pinagsasabi mo dyan ha?! Hahahaha"
"Hindi ako nagpapatawa miss, seryoso ako." siya habang nakatingin lang sa akin nang seryoso, at para bang totoo talaga ang mga sinasabi niya.
Matapos niyang sabihin iyon, ay nagsimula nang magsipagtayuan ang mga balahibo ko.
Bakit kasi parang totoo!!!
"Excuse me? Pero tinatakot mo ba ko? How come na lahat ng mga tao dito ay mga aswang?"
Malay ko ba kung tinatakot lang ako nito! Pero aaminin ko, medyo kinikilabutan na nga ako sa mga pinagsasabi niya ngayon. Paano ba naman kasi, kung makatitig 'yong mga kaklase namin sa akin kanina ay para bang akala mo gutom na gutom, at hindi pinakain ng sampung linggo! But then, mabait naman pala sila. Nakipagkilala pa nga sila sa 'kin kanina diba?
"Hindi kita tinatakot miss, totoo lahat ng sinabi ko..."
"Bakit naman ako maniniwala sayo?"
"Because.. I'm one of them" halos bumubulong na lang siya nang sabihin niya ang mga bagay na ito.
"A-aswang k-kaba t-talaga?"
Gosh, kinikilabutan ako. Hindi ko ma-imagine na ang isang gwapong lalaking gaya nito, ay isa sa mga creatures na sinasabi niya.
"Ssshhh... wag kang maingay, baka marinig ka nila. They're all staring at you pero di ka nila gagalawin. Ipang-aalay kayong mga bagong lipat dito five days from now, kabilugan ng buwan. And that is part of our tradition..."
"Papaano mo naman mapapatunayan iyan?"
"Meet me at exactly 10 pm, sa school gym..." tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan at pagkatiwalaan dahil kakikilala ko pa lang sa kanya.
Hays... bahala na nga!
BINABASA MO ANG
TRANSFEREE (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Jamie ay isang high school student na pinalipat ng kanyang mga magulang sa isang paaralan sa probinsya bilang parusa nito. Sa hindi inaasahan, ang paaralang nalipatan nito ay isang sinumpang paaralan ng mga aswang, na tumatanggap lamang ng mga e...