Kinabukasan, iniisip ko pa rin ang mga nakita ko kagabi. Nandidiri talaga ako sa kanila! Hinatid pala ako ni Jake kagabi sa Dorm ko kaya habang naglalakad, panay lang ang kwentuhan namin. Bukod kasi sa napanood kong video na hinahati nila ang katawan ng mga tao, ay may napanood pa akong isang video ng 10 'Transfer Students' na nakatali ang mga kamay at paa, habang pinaliligiran ng mga aswang students na nandirito ngayon. Sabi ni Jake, palalabasin daw nilang may "Swimming Party" na magaganap, syempre masaya yun para sa mga transferees. Biro mo, party agad kalilipat mo lang? And kaya pala walang nakakaalam ng tungkol dito sa school na ito e dahil sa wala naman palang dumadayo rito maliban sa mga bagong transferees na nirerecommened sa school na ito. Lahat pa ng mga transaction sa pagkatay na nagaganap, ang mga tao e-este ang mga aswang lang sa school na ito ang nakakaalam. Mamaya palang mga 10 pm magmi-meet kami ulit ni Jake. This time pagpa-planuhan na namin ang mga magaganap sa darating na Sabado. Nagpapasalamat talaga ako kasi advantage ko na ang hindi pagsigaw kapag nakakaikita ako ng mga ganung eksena, though nasusuka at nandidiri parin ako. Palagi kasi kaming nanonood ni Dad ng mga horror movies, isa nga sa mga napanood na namin ay ang "Walking Dead at yung Wrong turn" ang pinakaayaw ko lang talaga sa mga napanood namin ay yung "Chuckie" ang chaka kaya nung doll na yun! hahaha... pero di ako natatakot doon no.
Hays... salamat, natapos na ulit ang klase. Lalo kasi akong nailang sa mga 'yon simula nang may natuklasan akong bagay tungkol sa kanila. Alam niyo ba yung pakiramdam na parang lahat ng mga mata, nakatitig sayo? Tapos pakiramdam mo ano mang oras pwede ka na nilang lapain? Gutom na siguro ang mga yun. hahaha.. Pero sorry sila, may Jake sa likod ko. Sobrang thankful ako dahil kahit anong takot ko sa mga aswang na nasa paligid ko ngayon ay nawawala dahil sa kanya. Unti-unti, nagagawa ko na ring pagkatiwalaan siya kahit alam kong hindi pa dapat. Katangahan no?
Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom, nilapitan agad ako ni Jake. Mag-uusap nga kasi kami diba?
Sabi niya, magsama daw ako ng kahit isa sa mga ka-dorm mates ko mamaya. Para daw may makatulong kami sa pagtakas namin sa Sabado. Dahil nga karamihan sa mga ka-dorm mates ko ay mga babae, tapos ang hihilig pang magsigawan, si Andrei nalang ang naisipang kong isama. Medyo nahirapan pa nga akong kumbinsihin 'yon e pero at the end, hindi rin siya umubra sa kakyutan ko e-este sa kakulitan ko pala! Hahahah..
"Bakit pa kasi ako ang sinama mo dito? Mag-aalasdyis na ah..." nasa gym na nga pala kami ngayon nitong kasama ko. hahaha.. konti nalang talaga kukunot na naman ang noo nito eh!
"Sshh.. may kakausap lang sa atin dito..." sabi ko.
"Sino?" Bago ko pa siya sagutin sa tanong niya e, nakita na niya si Jake na papalapit sa amin.
"Ako.." walang gana nitong sagot. So ayun na nga, sinabi na ni Jake sa kanya yung mga sinabi nito sa 'kin kahapon. Pero ang lalaking to, ni wala man lang karea-reaksyon sa mukha, yun pala alam na niya. Nalaman daw niya noong una siyang tumungtong sa paaralan na ito. Naalala ko, nauna nga pala siya sa akin dito. May lima siyang mga kasabayang transferees, ibig sabihin 2nd batch na kaming limang mga bago kahapon kaya kumpleto na ang 10 taong iaalay sa darating na Sabado. Isa pang dahilan kung paano raw niya nalaman ay dahil sa may nakapagsabi din daw sa kanya. Isang babaeng tiyak ay nag-aaral din dito. Binalaan din siya nitong mag-iingat. Pero dahil wala namang gumagambala sa kanila, inisip na lang daw niyang baka mababait naman ang mga ito. Nagulat nga siya noong malaman niyang kaya pala hindi sila ginagalaw ng mga 'yon ay dahil kulang pa ng limang tao upang ipang-alay sa susunod na kabilugan ng buwan. Matapos ang kwentuhang iyon, ay nagplano na kami sa mga gagawin namin sa Sabado. Dahil nga wala pa ring tiwala si Andrei kay Jake, isesekreto daw muna niya yung part niya sa pagtakas tutal nakahanda naman na ang mga gamit nito matagal na, sakaling mali man ang iniisip niyang mga mababait ang mga aswang nandito. Binigay naman sa 'kin ni Jake ang susi ng kotse niya. Medyo may kalakihan nga ang kotse nito at mukhang kakasya naman sa ilang mga katao. Sabi ni Jake, once daw na makalabas kami ng school hindi na raw kami susundan ng mga ito dahil sinumpa at dinasalan ang school na yun ng mga mangkukulam at ng mga albularyo, na 'yon lamang ang maaari nilang tirahan habang buhay. Nang nalaman ko 'yon, bigla naman akong naging malungkot para kay Jake. Baka kasi hindi na daw siya makakasama sa amin sa pag-alis :(
BINABASA MO ANG
TRANSFEREE (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Jamie ay isang high school student na pinalipat ng kanyang mga magulang sa isang paaralan sa probinsya bilang parusa nito. Sa hindi inaasahan, ang paaralang nalipatan nito ay isang sinumpang paaralan ng mga aswang, na tumatanggap lamang ng mga e...