Kasalukuyang nakatali ngayon ang mga kamay at paa ko. Nasa pool na pala ako ngayon, at magugulat kayo kung sino 'tong katabi ko ngayon, si Jake. Nakatali rin ang mga kamay at paa niya. Nahuli pala siya ng mga pangit na 'yon kaya pala hindi siya nakasunod sa amin kanina.
"Bakit ka pa nandito?" tanong niya.
"Alangang, hindi kita sundan no! tss..." -ako
"Damn, bakit mo ko sinundan?!!!" -siya
"Damn, e hindi ko rin alam!!" -ako
"Ang kulit mo talaga!" -siya
"Mas makulit ka! Bleh..."-ako
==========SILENCE==========
"A-ano.." / "A-ano.." halos sabay naming pagsasalita ni Jake.
"Sige, ikaw na mauna, ladies first." -siya
Ang gentleman naman po pala! Hahaha
"Sige, salamat. Ah... Jake, Thank you pala kasi tinulungan mo si Drei makawala kanina..." -ako
"Ah 'yon? hahaha...wala 'yon. Sorry pala kung sa tingin mo niloko kita. Yeah, siguro nga noong una, pero ngayon hindi na. Hindi na dahil... mahal na kita..."
"ha, a-ano kamo?"
"Are you deaf or something? Ang sabi ko MAHAL NA KITA, mahirap bang intindihin 'yon?"
"P-pero..."
"Pero aswang ako? In your dreams my princess. Hindi ako aswang. Maybe half blood ako pero swerte ko lang dahil Reyna ang mommy ko and tao naman ang daddy ko, pero mas malakas ang genes ng daddy ko...kaya no buts na Jamie, understood? Kapag nakatakas tayo dito, liligawan na talaga kita..."
"Y-yung kanina, sa conference room. Sabi mo pagkain lang kami para sayo..."
"Oh..narinig mo rin pala yun? hahaha... ibig sabihin narinig mo rin yung sinabi kong 'pero, mahal ko na nga yata ang isang 'yon...' and its you what am I talking about, by the way..."
"Ah... ganun ba? Heheh.. sorry hindi ko na narinig 'yon e." hahaha..tapos nag tsk... lang siya. Galit ba siya dahil hindi ko na narinig yun?
Hays.. no comment na nga! Masyado na kasi ata akong namumula ngayon e! Hahaha
"Nandito tayong lahat upang saksihan ang kaparusahang ipapataw sa taong ito at sa mahal na prinsipe na siyang tumulong upang makatakas ang mga dapat sana'y ipang-aalay natin sa ating panginoon ngayong gabi" sabi yan ng isa sa mga chakang aswang na nandito ngayon. Huwag nilang sabihing kikilawin na nila kami!! Huhuhuh
"Kailangan na nating makatakas, bago pa sila magpalit balat" bulong sa 'kin ni Jake
"A-anong palit balat?" -ako
"Palit balat, 'yong magmumukha talaga silang halimaw gaya ng mga napapanood niyo sa tv?" ah so yun pala yun. Waaaaahhh sana nga makatakas na kami dito!! Ayoko silang makitang magtransform!!
"Hoy, mga panget pakawalan niyo sila!" sabi ni Andrei. Huh? Hindi pa siya nakakalabas dito? At kasama pa niya ang iba pa sa mga ka-dorm mates namin tapos kaniya-kaniya silang hawak ng latigong gawa sa buntot ng pagi. hahaha... Saan naman kaya nila nakuha yun?
Waaaaaah... nagalit na sa kanila 'yong mga aswang, na kanina lang ay nagpyepyesta pa sa bagong huli nilang baboy ramo. Tawagin ba namang mga pangit? hahaha.. kaya ayun, LET THE BATTLE BEGINS!!! Aba, di lang pala buntot ng pagi ang dala ng mga ito ngayon, dahil may dala rin pala silang mga water guns na kung 'di ako nagkakamali ay may halong bawang at asin ang tubig na ginamit pamaril! Astig!
Habang nakikipaglaban sila don sa mga pangit na iyon, ay nilapitan naman kami nila Nicole at ni Jess para kalagan mula sa pagkakatali!
"Thank you..." I mouthed to them. Aba at ang mga to, enjoy na enjoy sa pagbabaril, mukhang pinaghandaan talaga nila to ah, kung sa bagay, mas nauna nga pala silang nakalabas kaysa sa amin. "Tara tulungan natin sila.." sabi ni Jake sabay hila nanaman sa kamay ko. Hays... parang di na ako nasanay!
"JAKE!!!" napasigaw nanaman ako ng bigla akong hilain ng isa sa mga aswang na yun. Kadiri yung kamay niya, may mga dugo pa kasi ang mga iyon ng baboy na nilamutak nila kanina. Kinuha naman ni Jake ang latigong gawa sa butot ng pagi tapos hinambalos niya doon sa aswangit na humila sa 'kin. He run towards me and then hug me. "Are you okay?" He asked then tumango nalang ulit ako.
Grabe, para talaga kaming nasa mga action movies ngayon I sware. "Lumabas na kayo!" sigaw ni Jake nung medyo komonti nalang yung mga aswang. "Paano ka?" tanong ko sa kanya. Aba, ayoko yatang mabyuda ng maaga no! He look at me then smile, "Babalik ako, may gagawin lang ako saglit.." tapos bumalik na nga siya sa loob. Tumagal siya ng ilang minuto sa loob, kinakabahan na ako.
Mayamaya ay may narinig na kami ritong isang malakas na pagsabog.
huhuhu...Jake! Wag naman sana. Kasasabi ko lang na ayokong mabyuda ng maaga e!!!
Makalipas ang dalawang minuto, ay may na-aninag na akong tao na lumalabas mula sa gate ng school "Jake!!!" Sigaw ko nang makasiguro ko na si Jake nga 'yong palabas mula a gate ng school. This time ako naman ang tumakbo papalapit sa kanya habang umiiyak sa takot, at sayang nararamdaman ko ngayon. I've never felt like this before. Thanks to him. "Why are you crying princess?" he asked "Heh! May pa princess-princess ka pa dyan, muntik na nga akong mabyuda ng maaga nang dahil sayo tapos tatawa-tawa ka pa dyan!" e paano kasi, nagawa pa niyang tumawa ngayon, e kamuntik-muntikan na nga siyang maging inihaw na half blood.(kalahating tao, kalahating aswang)
Dahil na rin siguro sa kao-eyan ko ngayon. E sobrang nag-alala lang din naman kasi talaga ako para sa kanya kanina e.. Huhuhu
"Okay fine, I'm sorry." -siya
"Ayoko!" -ako
"Sorry na. Tinapos ko lang kasi yung mga kalaban parang katulad sa mga fairy tale. Kasi nga diba? Prinsesa na kita.." -siya
"Ayoko pa rin!" -ako
"Tsk.. Bahala ka na nga dyan!" -siya tapos iniwanan na lang niya ako at naglakad na lamang papunta sa mga kasama namin.
Ang dali naman niya akong sukuan sa panunuyo!
"Hoy! saglit! Joke lang 'yon!" -ako
"Heh! Ewan!"-siya
"Hoy!!" -ako
"Bleh! Bahala ka dyan! Hahahah.." -siya
Tuluyan na nga kaming nakaalis sa school na 'yon. Ngayon, wala ng mga transferee ang mabibiktima ng mga aswangit na 'yon. Sinunog na kasi ni Jake ang school bago siya lumabas para siguraduhing wala ng matitirang buhay sa loob nito. Si Pol naman na katiwala ni Jake, ay nasawi rin sa pakikipaglaban nito sa mga dumating na ka-dorm mates at kapwa transferee ko. Pinagpatuloy naman namin ni Jake ang aming pag-aaral sa Maynila, kasabay nito ay ang patuloy pa ring panliligaw ni Jake sa akin.
-End-
BINABASA MO ANG
TRANSFEREE (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Jamie ay isang high school student na pinalipat ng kanyang mga magulang sa isang paaralan sa probinsya bilang parusa nito. Sa hindi inaasahan, ang paaralang nalipatan nito ay isang sinumpang paaralan ng mga aswang, na tumatanggap lamang ng mga e...