Ang Mga Aswang

139 2 0
                                    

Nasa dormitory ako ng school ngayon. Magtataka pa ba kayo kung bakit dito ko ginustong mag-aral? Bukod sa may sarili na itong Dorm, e may sarili rin itong mga convenient store sa loob, para daw hindi hassle sa mga students na nag-aaral dito.

Hindi pa rin ako makatulog dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Jake sa akin kanina. Seryoso kaya siya?
9:50 pm na sa wall clock ko, almost 10 minutes nalang pala before mag 10 pm. Hays... bahala na nga, basta pupunta ako. Hindi dahil sa naniniwala na ko agad sa kanya ah! Nagkataon din kasing may bibilhin din pala ako sa may convenient store na malapit dito.

Lalabas na sana ako ng dorm nang salubungin naman ako ni Andrei sa may pintuan. Beastmode na naman 'to.

Si Andrei pala kanina ko lang siya nakilala, isa siya sa sampung transferees na nagdo-dorm dito. Ewan, pero para lang yata sa mga transferees ang dorm na 'to. Ah oo, nasa Hand book pala yun ng school! Dapat daw umabot muna kami ng 1 year dito para mapahalo sa ibang dorm. Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit pa kami kailangang paghiwawalayin ng section, ngayong magkakadormates naman kami? "Lalabas ka?" nakakunot ang noo ni Andrei ng tanungin iyon "Ah oo, magpapahangin lang sana saglit..." sabi ko "Tsk, geh ikaw na lang ang maglock ng pinto pagbalik mo." papasok na sana siya nang bigla siyang magsalita ulit "Mag-ingat ka..." sabay pasok na sa loob. Problema nun?

Tuluyan na nga akong nakalabas ng dorm. Pero syempre, dumaretso na muna ako sa school gym. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may papalapit na sa likod.
When I turned my back, I saw Jake.

"Tara?" he asked then tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Ay tanga...

Bakit ko naman sinusundan tong lalaking to ngayon? Mamaya rapist pa yan eh! "Ilan kayo sa dorm niyo?" natigilan naman ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang magtanong ito. "hmm...10, bakit?"

"10? Tama nga ang hinala ko, ipang-aalay nga kayo..." bigla ko naman siyang tinapik sa braso niya "Bakit? Di ka parin ba naniniwala?" di na lang ako sumagot sa tanong niya. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa...

Ayon, kinaladkad lang naman ako ng hinayupak na 'to, doon banda malapit sa likod ng school!

Pero kahit medyo malayo kami ay tanaw na tanaw ko.

Tanaw na tanaw ko...

WAAAAAAAAH!!!!

Tanaw na tanaw ko rito yung mga non-teaching personel o yung mga janitors and janitres isama pa yung isang guard na pinagsasaluhan ang isang baboy ramo! Nakakadiri lang tingnan kasi kinain agad nila yung mga internal organs ng baboy kahit hindi pa naluluto!! Sisigaw na sana ako ng malakas pero bigla namang tinakpan ng lalaking 'to ang bibig ko.

"Sshhh...Gusto mo ba talagang maging kinilaw ng di oras?"

Matapos niyang sabihin 'yon ay parang may bigla na lamang tumulong luha mula sa mga mata ko. Ano ba yan luha, sa nanay ko nga hindi ka pumapatak, parang ito lang iiyakan mo na?

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sabay tanggal ng kamay niya sa bibig ko. Naalala kong tinakpan nga pala niya ang bibig ko kanina kaya mararamdaman niya talaga ang pag tulo ng mga pesteng luha ko.

"Ako umiiyak? Hahahaha Hindi ako umiiyak no. Hindi Hahahaha" Pagpapanggap ko. Ayoko ko kasi ng kinakaawaan ako ng ibang tao.

"Tsk.. Jamie, tell me. Bakit ka nga umiiyak? Natatakot ka ba?" Pangungulit niya. Eh halata naman kasi na umiiyak ako.

TRANSFEREE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon