CHAPTER 2: Chrissy
CHRISSY'S POV
"Girl, nasan ka na ba? Ang tagal mo naman. Namumuti na mata namin sa kakahintay sa'yo." Iritableng sabi ni Chloe sa kabilang linya. Kausap ko kasi siya sa phone.
"Ito na mga bruha, traffic lang kasi. Sige na. See you there, bye." Sabi ko at kinuha na ang pouch ko at tumingin ulit sa mirror at ngumiti. "Oh Chrissy you're so gorgeous and later you'll make all the guys drool and all the girls insecure." I said to myself and smile again.
Naglakad na ako papunta sa pintuan. Haha. Nagsinungaling ako kay chloe na on the way na ako at traffic kaya't late ako. Pero ang totoo, nalate lang ako nagising. Well, i love to sleep.
Sumakay na ako sa mini cooper ko and pinaandar na ito.
--
"Finally."
"Salamat naman."
"Hay, sa wakas."
"Ang OA niyo girls. Saglit lang ako na-late e." Sabi ko sa kanila. Kasi ang OA nila.
"Anong saglit lang?! 1hour and 30 minutes kang late, christine!" Galit na saad ni Chloe. Oh no, she called me 'Christine' she only do that when she's angry na with me.
"Eeeeh. Sorry na, chloe. Traffic lang talaga. Sorry na." Pagpapa-cute ko sa bestfriend ko. Sa aming apat kasi na magka-kaibigan si Chloe ang pinaka-close ko. At alam kong di niya natitiis ang cuteness ko hihi. Konting pa-cute and lambing lang, tiklop 'to sa'kin.
"Hay. Ginamit nanaman niya ang powers niya. Tsktsk." Sabi naman ni Kim. Si Kim naman, siya ang pinaka-matalino sa aming apat na magkakaibigan. Siya ang kinokopyahan namin ng assignments, research etc.
"Girls, tama na 'yan. Tara na. Ikaw kasi Chrissy, wag ka na magpa-late. Kanina pa nagaalburota 'yang si Chloe. Kanina pa kasi kami nag-hihintay sa'yo dito. Tara na. Pumasok na tayo sa loob ng bar." Pag-aanyaya ni, Ate Hayley. Siya naman ang pinaka-matured sa'ming apat. Siya ang nagsisilbing, ate, nanay at kung anu-ano pa.
Pumasok na kaming apat sa loob ng, Rock me Bar. Sinalubong agad kami ng malakas na tugtog, at mga amoy alak at sigarilyo na mga wild animals este people.
"Uuuy, chloeee. Sorry na talaga. :(" Pangungulit ko pa kay Chloe ng maka-upo na kami. Kumuha ng drinks si Ate Hayley and Kim. Kaya't naiwan kami dito ni Chloe.
Tinignan lang niya ako at hindi inimik. Hala. Galit nga talaga siya.
"Chloeeee, pansinin mo naman ako. Bahala ka. 'Pag di mo ako pinansin sasabihin ko kila ate hayley and kim yung--" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil tinakpan ng kamay ni Chloe ang bibig ko.
Sakto namang dating nila Ate Hayley and Kim, "Anong sasabihin, Chrissy?" Tanong ni Ate Hayley. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Chloe na para bang sinasabi na, say-it-and-you're-dead.
"Ah eh.. Wala ate hayley. So, okay na ba yung drinks natin?" Pang-iiba ko ng topic. Hehe. Takot ko lang sa bestfriend kong si Chloe, nakakatakot kaya 'yan 'pag galit. Tsk.
"Yep, ready na." Nakangiting sabi ni ate hayley.
Excited akong sumigaw ng, "LET'S GET WASTED GIRLS!!!" At dinala sila sa dance floor.
BINABASA MO ANG
I'm Her Personal Bodyguard (GxG) ON HOLD
RandomI'm Rose Ann Corpuz. They call me Roan. (ROse ANn) I'm a police woman at ng dahil sa isang mission, naatasan akong maging Personal Bodyguard ng anak ng pinakamayaman sa pilipinas. Dedicated ako sa trabaho ko, at mahal na mahal ko ang pagiging isang...