CHAPTER 5: The Call
THIRD PERSON'S POV
Matapos malaman ni Roan ang mga dapat niyang gawin sa kaniyang bagong misyon ay inutusan siya ng kaniyang Chief na ayusin niya na ang kaniyang condo unit na kaniyang tinutuluyan, dahil maya-maya ay darating na ang kaniyang misyon... Si Chrissy. Sa condo niya kasi titira ang Dalaga, dahil sabi nga ng Chief niya kailangan oras-oras, minu-minuto, segu-segundo ay bantay niya ito.
Hindi alam ng babaeng pulis na ito kung ano ang gagawin niya, hindi naman siya pwedeng umatras sa misyon dahil baka madismaya sa kaniya ang Chief niya, at alam niya sa sarili niya na wala siyang sinusukuan.
Pero iba talaga ang pakiramdam niya sa babaeng misyon niya, para bang sa likod ng maamo at maganda nitong mukha merong itinatagong kalokohan ika nga niya e, TROBOL!
Pagkababa niya sa patrol ay pumasok na siya sa sa Condo na tinutuluyan niya. Bumati sa mga kakilala at pumasok na ng Elevator.
*ting*
Lumabas siya ng elevator at naglakad patungo sa Unit niya. Pagkabukas ng pintuan ay, bumungad agad sa kaniya ang aso niyang si Azula. Isa itong gold retriever.
"Kamusta ka ngayong araw ha?" Nakangiting bati niya sa aso at niyakap ito.
Matapos makipag-harutan sa aso niyang si Azula ay pumunta siya ng kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos uminom ay inilagay niya sa lababo ang basong ginamit at naglakad patungo sa kwartong katabi ng kwarto niya. Balak niyang ayusin ito dahil dito niya patutulugin ang trobol niyang misyon.
"Hay nako. Kung hindi lang dahil kay Chief hindi ko tatanggapin 'tong misyon na ito." Sabi niya sa sarili at pinasok ang spare room.
"Buti naman at malinis. Pero kung marumi naman siya rin paglilinisin ko haha." Nakatawang kausap ang sarili.
Maayos ang kwarto at malinis hindi niya ito pinapabayaan, ang buong condo unit niya dahil pinapalinis niya ito sa Yaya niya weekly.
*ring ring ring ring*
Tumutunog ang kaniyang telepono kaya sinagot niya ito.
"Hello?"
"Hello, corpuz." Boses ng kaniyang Chief ang kaniya narinig.
"Oh Chief?"
"Kaya ako napatawag para sabihin sa'yo na papunta na ang misyon mo. Corpuz... Ayusin mo trabaho mo. Mataas ang pagtingin ko sa'yo, alam kong kaya mo iyan. Don't make me disapointed."
Tila napalakas ang loob niya sa sinabi ng kaniyang Chief. Mataas ang pagtingin sa kaniya ng kaniyang Chief. Wow lang diba.
"Yes, Chief. I won't." She said in assurance at ibinaba na ang tawag. Na-overwhelmed siya sa sinabi ng kaniyang Chief.
Matapos ang ilang minuto ay nag-ring nanaman ang kaniya telepono, sino naman kaya ito?
"Hello?"
"Hello Ms. Corpuz. I'm Mr. Lee."
"Mr. Lee? Oh. Ano po ang maipag-lilingkod ko sa inyo?" Magalang na sabi niya. Nagulat siya dahil napatawag sa kaniya ang ama ng kaniyang misyon. Kung baga ba, Amo niya na.
"Napatawag ako dahil may sasabihin lamang ako."
"Ano ho iyon?"
"Take care of my daughter, please?" Nagulat siya sa pagmamakaawa ng kaniyang 'amo'. Wow. Pinaka-mayamang negosyante sa Pilipinas ay nag 'please' sa kaniya. Dahil doon mas nagkaroon siya ng determinasyon na ituloy ang misyon.
"Yes, Sir. Makakaasa po kayo."
"Salamat Ms. Corpuz. And by the way, i have a reminder."
"My daughter, Chrissy. She's uh... Hard-headed. Hindi siya nakikinig sa kahit na sino. Gagawin niya lahat ng gusto niya, and she's cold-hearted. Maybe it's because of us. Alam kong marami kaming pagkukulang sa kaniya. But we love her very much. And we cannot afford to lose her, lalo na't may nagbabanta sa buhay niya. Kaya nakikiusap ako sa'yo, Corpuz. Kahit gaano katigas ang ulo niya, pagtiisan mo siya. She needs a guardian, para maging maayos ang buhay niya. Alam kong hindi na namin siya madidisiplina dahil kahit hindi man niya sabihin, alam kong galit siya samin ng Mom niya. Don't leave her, Corpuz." Ayun lang at ibinaba na nito ang tawag. Nakatulala lamang siya sa litanya ni Mr. Lee. Hindi niya alam kung ano ang dapat na gawin. Pero isa lang ang nasa isip niya...
She needs to protect Christine.
BINABASA MO ANG
I'm Her Personal Bodyguard (GxG) ON HOLD
RandomI'm Rose Ann Corpuz. They call me Roan. (ROse ANn) I'm a police woman at ng dahil sa isang mission, naatasan akong maging Personal Bodyguard ng anak ng pinakamayaman sa pilipinas. Dedicated ako sa trabaho ko, at mahal na mahal ko ang pagiging isang...