CMY (Part 2)

91 9 1
                                    

ISA-ISANG tinanggal ng lalaki ang damit niya pagkalapag ng mga gamit niya. It was just a disguise. A nerdy glass and a brace and a baggy polo-they're all a costume.

"Bro, 'tis good you're back!" his friend tapped him after changing clothes. They're at a pub owned by one of his comrades. Mga rich kid nga namang sunod sa layaw.

"Bakit ba kasi kailangan mong mag-suot ng ganiyan?" tanong pa nito. His friend was referring to the nerdy attire.

The guy's named Keiler De Guzman, anyway.

Bakit nga ba ginagagawa pa niya ang pagpapanggap? He's a very hot guy. Maglalaway at magkakandarapa ang lahat ng babae kapag nakita siya. Pero bakit nga ba nagtatago pa siya sa ganoong itsura na laging nabu-bully at kinukutya?

Kanina nga ay itinulak siya ng isang kaklaseng hamak ang kapogian niya na naghahari-harian sa academy at aksidenteng natapunan ng orange juice ang isang babaeng iniinterview. Alam niyang sikat 'yon at pinagbantaan pa siya nito.

But him being the gentleman, he decided to help her instead.

"P're, ayoko maging agaw-eksena. Kakalipat ko pa nga lang ng academy. Nagpapatayan 'yung mga babae sa dati kong school," sagot niya sabay hawi ng isang fruit punch.

Yes, you read it right. Halos magpatayan na ang mga "admirers" niya sa dating paaralan. Girls were vandalizing CRs on their school with his name and having a cat fight everytime he walks the corridor.

Nakakailang lipat na siya ng school dahil doon. Noong bata nga siya ay nahiwalay siya sa kaisa-isang babaeng nagustuhan niya dahil lang sa ganoong kaso.

"Okay, dude. Angas mo naman kasi e," sagot na lang ng kaibigan niya sabay tawa sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ng mga babae sa kaniya. Oo nga't gwapo siya, may lahi siyang banyaga, pero hindi naman siguro sapat 'yon para pag-agawan siya. Napapa-iling na lang siya t'wing naiiisip 'yon.

"Dude, that girl is awesome," biglang sabi ni Keiler sa kawalan. He's referring to the girl who bathed orange juice.

"Who's that girl, man? Is she a chick?" sagot ng kaibigan niya habang may kislap pa sa mata. He's a womanizer, by the way. Sa edad nilang twenty-one ay nakarami na ito ng naging flings.

"No. She's a goddess. Unfortunately, I poured orange juice on her earlier." Parang gusto niya tuloy gantihan ang matabang nag-tulak sa kaniya kanina. Pero, 'di bale na lang. Liningon niya ang kaibigan at kala mong nagpapantasya sa tinign. "Man, back off. She's mine," aniya saka inisang-lagok ang inumin.

"ARGH!" Kamilah shouted. They're in the cheerleading club's room. Kanina pa siya dito at wala siyang ginawa kung 'di magsisigaw sa inis.

"Kamilah, it's just okay," pagco-comfort ng isa niyang kaibigan. Kasama niya ang mga ito mula pa kanina.

"'Okay?' Did I hear you right? 'Okay'?! Ano'ng 'okay' sa nangyari?! Napahiya ako do'n dahil sa istupidong nerd na lalaking 'yon!" sigaw pa niya.

"Pero tinulungan ka pa niya," sabat naman ng isa.

"At, girl, may hitsura naman siya e. Medyo jologs lang ang outfit." Napairap si Kamilah sa huling komento.

"Eh, ano ang kaso dun? He's still a nerdy-looking stupid guy! Nakaka-inis! My interviewwas a disaster!" inis na inis na giit niya. Nakita niya ang issue sa isang periodical kanina at isa sa headlines ang orange juice incident na 'yon.

Umalis na rin pagkaraan ang mga kaibigan niya. Kilala na siya ng mga ito at ayaw niya ng istorbo. Mabuti nga at napapakisamahan pa nila si Kamilah.

Naiwan si Kamilah na busangot pa rin. There's only one thing she's doing when she's in a very bad mood. Well, not only when she's in a bad aura but whenever she feels.

She dances...

On the dancing hall, she laced her ballet shoes and started jiving to the rhythm.

NAPADAAN si Keiler sa dancing hall galing sa kaniyang locker at narinig niya ang pamilyar na musika ng ballet. Lalagpasan niya na lang sana ito nang saktong matapat siya sa pintuan ay na-out of balance ang babaeng nagsasayaw.

Agad niya itong nilapitan at sinapo.

KAMILAH'S dancing vigorously when she suddenly felt the unfamiliar pain at her right foot. When she's about to jump using her foot, she broke it and just waited her back to kiss the floor.

Dumilat siya at nagtaka nang hindi kisame ang natanaw niya kung 'di isang lalaki.

KEILER'S glass fell when he reached for her. Napansin niya ang pagdilat ng babaeng sinapo niya.

Ito ang babaeng natapunan niya ng juice kahapon. Which happened to be Kamilah...

"NICE seeing you again," he greeted as Kamilah stood. Biglang nag-iba ang timpla ng babae habang natuwa naman ang lalaki. Ang ganda talaga niya kahit mataray.

Kamilah sarcastically smiled at him then crossed arms. Halatang iniinda ang paa.

"Well, well, well. Clumsy meeting you again," she said. Naalala niya na naman ang pagkabuhos sa kanya ng malagkit na juice na 'yon na nakasira sa interview niya.

"Sorry, okay. Hindi ko sinasadya 'yong kahapon. Itinulak kasi ako-" Kamilah didn't let Keiler finish his sentence.

"I don't care. Ayoko na makita uli ang pagumukha mo," mataray na sabi niya saka madaling inayos ang gamit at iika-ikang lumayas sa dance hall. Hayy, brat nga naman.

PAGKAUWI ni Keiler ay nakasalubong niya na naman ang kaibigan. Madalas ang pagha-hang out nila, minsan ay sa pub ng isa niyang kaibigan, sa bahay nila o kung saan man.

"Dude, she's really beautiful," untag niya saka ngumiti na naman habang inaalala ang inis na mukha ni Kamilah. He didn't know why he's having a crush on her while she had hated him hardcore.

Para kasing matagal na niyang kilala ang babae at napakagaan ng loob nito dito.

KAMILAH on the other hand chanted irate again to her friends. Same old, same old.

"Bakit ba nakita ko na naman 'yung pangit na nerd na 'yon?" reklamo niya.

Hindi naman talaga pangit ang lalaki. Maganda ang mata niya. Nakita 'yon ni Kamilah nang mahulog ang salamin ng lalaki nang sagipin siya. Kung 'di lang sa braces nito at jologs na ayos ay "pwede" na ang lalaki.

"Ayie! Soulmate sila!" sabay-sabay na sabi ng kaibigan niya. Tumalim ang titig ni Kamilah sa kanila kaya nagmadali silang umalis habang nagsisitawanan.

NAPAGDISISYUNAN ni Keiler na talagang may gusto na siya sa babae. Tinamaan nga naman ng lintik. Madali niyang nalaman ang pangalan nito kahit hindi pa man sila pormal na nagkakakilala dahil sikat ito. Kamilah, bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya.

Keiler wanted to court Kamilah and to know her better. Seemed impossible to happen, huh?

First, Kamilah was a man-hater. Bata pa lang siya ay na-heartbroken na siya. OA,'di ba?

Pangalawa, she was looking exquisite while he was looking like a laughing-stock. Kung 'di ba naman kasi niya naisipang mag-iba ng anyo sa paaralan nila, e.

But that didn't stop Keiler from courting her.

He stood as a secret admirer, not until one noon Kamilah found out about him.

Clumsy Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon