CMY (Part 4)

76 8 3
                                    

AFTER the ride, Kamilah went home looking sick. Hindi na siya kinulit ni Keiler dahil alam nitong kailangan niya ng oras sa sarili niya. Akala ni Keiler ay isa lang itong simpleng flu kaya hinayaan niya na lang.

Her mom asked her what's wrong.

"Mom, is that true?" Her mother creased her brows to her question. Habang siya ay may namumuo na namang luha sa mga mata.

Iyong batang lalaking 'yon.

"The engagement? It happened, right?" Nagulat ang ina sa sinabi niya. She nodded and Kamilah confirmed it.

Ipinaliwang ng ina ang buong pangyayaring iyon. Isa sa mga napag-usapan ay ang pagtutuloy ng engagement ngayong nagbalik na ang unting alaalang nawala sa kanya.

Hindi niya alam ang gagawin kay Keiler. She loved him but she knew herself that the one she truly loved was her fiancé. Sa ganoong kabatang edad ay hindi siya makikipagsapalaran sa engagement kung hindi. Naalala na niya ang lahat at walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya muli ang engagement.

I am sorry, Keiler.

KEILER had something to say to Kamilah. Nakita niya ang pagsakit ng ulo nito noon. Hindi niya alam ang nangyari. Inisip niyang simpleng flu lamang ito.

After he went home, isang nakakagulantang naman na balita ang sumalubong sa kanya. He was forced to marry. Someone he loved from the past.

But he refused. Iniisip niya kasi na ayos na ang lahat. Si Kamilah na ang mahal niya. Oo, nalungkot siya ng sobra-sobra nang iwan niya ang kababata niyang 'yon pero iba na ngayon. He has Kamilah now.

Ngunit walang nagawa si Keiler nang pinagbantaan siya ng ama na sasaktan si Kamilah kung hindi ito papayag.

Yes, he was now chained to a fixed marriage. Hindi niya alam kung paano niya 'yon ipapaliwanag kay Kamilah. She was not answering his phone calls either making him worry worse.

THE parents of Kamilah decided to hide the truth to her until the wedding day. Planado na ang lahat-lahat. Kinumpiska nila ang telepono ng dalaga at ikinulong sa sarili niyang kwarto.

Kamilah walked down the aisle wearing her elegant wedding dress. Naguguluhan pa rin siya pero ito na ang pinili niya. There's no turning back now.

She couldn't hide the fact that she's also excited to see him... the guy from her past. Hindi niya sinasagot si Keiler dahil hindi niya rin alam ang sasabihin dito. Buti na at nakumpiska ang telepono niya. Wala siyang ginawa sa kaniyang kwarto kung hindi humingi ng tawad kay Keiler sa isip.

Kung malaman niya man ito ay bahala na. I'm really, really sorry Keiler.

Naisipan niya rin namang ipaglaban ang binata pero hindi na pwede. 'Eto na ang kapalaran niya. Involved ang negosyo ng pamilya niya at hindi niya hahayaang malugi ang mga ito dahil sa kaniya.

The song tuned and Kamilah continued to walk. Tumigil siya sa gitna ng aisle dahil naguguluhan siya lalo sa nakikita. The guy standing near the altar...

"Kamilah?" asked the guy.

HINDI makapa ni Keiler ang nararamdaman. On his wedding day... with her.

"Kamilah?" he asked. Natuwa siyang malaman na si Kamilah ito! Hindi siya makapaniwala. Siya...

"Who... are you?" Kamilah suddenly asked. Naalarma siya. Hindi kaya umarya na naman ang sakit nito at hindi siya maalala? Posible kaya? Nanlulumong napawi ang kanyang mga ngiti.

"I know it's him," Kamilah whispered to herself. Isang guwapong nilalang ang nasa harap niya. Maayos ang buhok na akala mo'y isang prinsipeng hinugot sa isang fairtale at kitang-kita ang mapungay nitong tsokolateng mata.

"Who... are you?" she asked him. She's confirming it herself. Hindi siya makapaniwala.

Ibang-iba siya. He looks like a royal prince in tux with his suit. Iba siya sa "nerd" na nakilala at minahal ni Kamilah. Gayon pa man ay masaya siya.

"It's me, Keiler... orange," she suddenly ran towards him and hugged. Nasa kanila ang buong atensyon ng madla at agad na nagpalakpakan ang mga ito. Nag-tanggal si Keiler ng disguise kaya sa una ay lalong 'di makapaniwala si Kamilag. This was his first time to look presentable in front of Kamilah.

Siya-Siya ang lalaking nang-iwan sa kanya noong bata siya. Pinilit niyang magalit dito pero napakaliit na bagay lamang noon dahil ngayon ay nagbalik ito. Hindi. Matagal nap ala itong nagbalik para sa kaniya.

Tinignan niya ang mga magulang at ngisi at kindat lamang ang natamo niya.

Hindi na niya inalala ang lahat. Wala na siyang paki-alam kung may itinago man si Keiler o wala. Masaya siya at ang lalaking nakatadhana sa kaniya ay si Keiler lamang.

Hindi siya ganoon kababaw. Wala siya sa teleserye para mag-inarte. Aminin man niya o hindi ay natutuwa siya sa pagkakataong ito. Iisa lang sila. Hindi na niya kailangang mamili.

"Ano, Orange? Itutuloy pa ba natin 'to?" tukoy ni Keiler sa kasal.

"Naman! Kung kailangan pa kitang pikutin, gagawin ko!" tawa ni Kamilah. Sobrang saya niya.

ON the reception of their wedding...

"Orange, may nakalimutan ako..." Kamilah whispered to her husband. Hindi man sila kapwang makapaniwala ng lubusan ay abot-langit na ang galak nila. Wala nang makakapantay pa dito.

"Hmm?" Keiler answered. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa dalawa.

Kamilah out of the blue handed the orange juice in a wineglass then chucked it to him.

Everyone in the hall gasped. They thought Kamilah was mad at him because of the wedding. Maging si Keiler ay nagulat rin sa ginawa ng asawa.

"Oops," she said knowingly. "I mean it..." she added.

Tulala pa rin nag lahat.

She hugged him after then said... "Clumsy meeting you, orange, for the third time."

And that made Keiler smile. She's really awesome.

"Clumsy meeting you, too... orange. Not just once, not twice, but thrice. At kahit ilang beses pa 'yan, pipiliin ko pa ring makilala ka. Thank you, I love you and CLUMSY MEETING YOU, indeed..."

FIN

Clumsy Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon